Chapter 1

1343 Words
"Fir, wake up! Late na tayo, ano ba?." gigil na turan ni J'dion habang niyuyog siya. "Hmm, what time is it?" patamad niyang wika. "Ano ka ba it's already 5. How can we be there at 8 o’clock? Goodness Fir. Traffic pa naman ngayon. Siguradong magagalit naman sayo si Madam Lia niyan." "Hay, naku! Bahala siya sa buhay niya. Bihira lang ako malate, so why not consider me now?" "Bihira? Bihira ba ang araw araw ha?." Nakapamulagat na wika nito sa kaniya. "Okay, sige na, maliligo na ako. Hintayin mo ako ha?. Please.” Pasimpleng lambing niya dito, alam naman niyang hindi siya nito magagawang iwan. Nadadabog itong umalis. Natatawa lang siyang pumasok sa banyo. Knowing her cousin, sigurado siyang hihintayin pa rin siya nito kahit gaanu pa siya katagal. She's living with them after na mamatay pareho ang kaniyang parents. Her father died ng masabugan ito ng mga fireworks na gagamitin sana sa fireworks display para sa empleyado ng kompanya. Kaagad na sumunod ang kaniyang mommy na hindi kinaya ang pagkawala ng kaniyang daddy. She had a heart attack. Sa mismong hospital na din na pinagdalhan sa kaniyang ama ito nawalan ng buhay. Naulila siya ng maaga. Wala silang ibang kamag-anak kundi ang kaniyang Tita Jaydee. Ito ang kumupkop sa kaniya at itinuring siyang parang tunay na anak. Dahil batang bata pa siya ng maulila kaya ang kaniyang Tito Josh na muna ang namahala sa negosyo. Dahil hindi naman likas na marunong sa negosyo, unti unting nalugi ang kanilang kompanya. Hindi naman niya ito sinisi dahil alam niyang gusto lamang nito ang maging simpleng manggagamot. Kalabisan na na ibunton pa niya dito ang sisi. Ang naitabing pera para sa kanya ng kaniyang magulang ang ginamit niya upang mamuhay ng maayos na hindi iniaasa lahat sa pamilyang kumupkop sa kaniya. Ang ibang nalalabing pera ay ginamit niya upang makapagtapos na pag-aaral. Kaya, heto siya ngayon nagsusumikap magkaroon ng permanenteng trabaho. With her degree in Management nakapagtrabaho naman siya sa isang advertising firm ngunit ang kaniyang trabaho ay malayung malayo sa kaniyang tinapos na kurso. Siya ay sekretarya ng dakilang matandang dalaga na si Madam Lia. Ito ay head ng Human Resource Deparment. Ewan nga ba at kailangan pa nito ng sekretarya gayung parang kayang kaya naman nito ang trabaho. Likas na masungit at istrikto ito sa trabaho. Buti na lang at kasama niya ang kaniyang pinsan na duon din nagtatrabaho. Tuwing lunch break ay nakakasama niya itong kumain kaya kahit paano naiiraos niya ang araw na kasama ang matandang dalagang wala na yatang alam kundi ang sumimangot sa kaniya. Nakikinita na niya nakalukot na mukha nito ngayong late na naman siya. Tiyak na sermong pagkahaba- haba naman ang aabutin niya. Matapos na ayusin ang sarili. Agad siyang lumabas ng kwarto upang ayain na ang siguradong inis na inis na niyang pinsan.   _______________________________________________   "Ang maging late ba palagi ay hobby mo Miss Del Mundo.", bungad ng kaniyang among matandang dalaga habang nakataas ang isang kilay. "Ang sumimangot at magtaas ng kilay ay hobby mo rin ba Binibining Lia Mangarag?", nais sana niyang isagot. Pinigilan niya ang sariling itirik ang mata at sabihing, heto na naman tayo. Binigyan niya ito ng pinakamatamis niyang ngiti. "Kayo naman Madame, ngayon na lang kaya ako late. Kasi naman po marami kayong pinagawa kahapon kaya sobrang pagod po ako kaya napahaba ang tulog ko." "Ay naku Miss Del Mundo, gasgas na yang rason mo. Basta, simula ngayon huwag ka ng magpapalate lalo na't bago na ang CEO natin. Bawat department ay ichecheck. Ayaw kung mapintasan ang departamento natin dahil sa iyo!", buong diin nitong binigkas ang mga huling salita. Nakalabi siyang pumunta sa kaniyang table. Anu daw yun?. Bagong CEO?. Asan na kaya si Mister Delgado? Hmmp. Ano bang pakialam ko sa kanila. Basta ako nagtatrabaho kahit late. Heheh. Pero gusto pa naman niya sana si Mister Delgado. As in gustong boss kasi ubod ito ng bait. “Hayyss,bahala na nga sila basta ako magtatrabaho na.” Pabulong niyang wika. Nagsimula na siyang magtrabaho sa kaniyang table ng mapansin niyang parang ang tahimik ng buong opisina. Nakakapanibago. Wala yata siyang naririnig na tawanan at pagkatapos ay susundan ng nakukunsuming boses ni Madam Lia na sasagutin naman ng hagikhikan at palihim na sulyapan ng grupo. Tumayo siya at lumabas ng opisina. Sabay sabay bang nagbreak yung mga yun. Bakit di ko yata napansin. At wow, hindi siya nainform ha?. Hay naku. Hmmp. Makabreak na rin kaya. Agad siyang pumihit sa kaliwang bahagi ng pasilyo patungo sa kanilang company canteen ng- "Oopss. What the -!?". Nabiglang sigaw ng lalaking nabunggo niya. Muntik na siyang tumilapon sa lakas ng impact buti na lang at nahawakan siya ng lalaki ngunit ang siste muli siyang bumunggo sa katawan nito dahil sa lakas ng pagkakahatak sa kaniya. Para pigilan ang muling pagtilapon agad siyang humawak dito. Ay mali pala, agad siyang yumakap dito. Kaya ang eksena para siyang nakaglue sa pagkakadikit dito. Hmm. In fairness ang bango niya. Very masculine ang sarap yakapin. Yakapin?. OMG! Bigla ang bugso ng reyalidad sa kaniya. Nakayakap nga pala siya. Sa pagkabigla ay agad niya itong naitulak, Kaya halos mapaatras ito sa lakas ng pagkakatulak niya. "What the-! Nabiglang turan nito. "Miss, I rather preferred hugging than pushing. I think it is more ethical to thank the person who helped you than to cause another harm to him. Tsssk." angil nito sa kaniya. Tinitigan niya ito ng masama at - Omg! Lord, gaano ba ako kabuti at ipinahintulot mong dumaan sa landas ko ang isang mala’Tom Cruise at Papa P sa akin upang ako ay ilagtas. Gaga! Ilusyunada! She never admired man. She never gave any second look to a man's face. Not because she's not interested in them but maybe because growing up without her parents has been a struggle to her. Her heart always mourns. She was so occupied mourning for them. Lately na lang siya medyo nakakamove-on dahil na rin siguro mas lumawak ang circle niya. Natatanggap na niya ang reyalidad na hindi na sila babalik. After 15 years, ito siya at mag-isa. Hungkag pa rin ang pakiramdam niya kahit pa hindi siya itinuring na iba ng kaniyang Tita. Hinahanap pa rin niya ang sariling pamilya. "Uhmm! Ngayon ka lang ba nakakita ng ganito ka-gwapong lalaki?"nakangising wika nito. Yumuko siya upang takpan ang kaniyang namumulang mukha. Kanina pa pala nakaawang ang kaniyang bibig. Segundo o minuto na ba ang nakalipas? "Well, should I thank myself then?"wika nito. "Than-nnk you and I'm sor..ry."nauutal niyang wika sabay talikod. Narinig pa niya ang mahinang tawa nito habang lumalakad siyang mabilis pabalik sa kanilang opisina. Mabilis na mabilis ang takbo ng pintig ng kaniyang puso. Parang sasabog yata. Akalain mong makikita ng ubod ng gwapong nilalang kaya naman halos sumabog ito sa kaba. ____________________________________________ "Ang gwapo niya, sobra." Parang pinipilit ang katawan na turan ng katrabaho niyang si Ania. Actually, Ranilo ang tunay na pangalan nito. "Sobra, parang nawalan ng garter ang panty ko!" Patiling turan ni Britanny, isang katrabaho din niya. “Excuse.” Pasabat niyang wika. Haler! May katrabaho kayong nagngangalang Fir ha? Di niyo man lang ako nainform ng lumabas kaya, dagdag pa niya.   “Paano ka naman namin iinform, eh sobrang tutok ka sa ginagawa mo.” Sabay irap na turan ng baklitang si Britanny.       “Kasi po late ako at napagalitan ako ni Madame. You know, kailangan kong magpakitang gilas.”   “Hmmp, ayan tuloy, di mo nakita ang kagwapuhan ni Adonis na para sa ating mga nagagandahang dilag.” Parang naiihi na namang turan nito sa kaniya.   “Bakit ba? Ano bang di ko nawitness?” Curious niyang tanong sa mga ito.   “Ay naku, yung bago nating CEO, so handsome, so georgeous, so manly, ahh.. basta lahat ng so nasa kaniya, lahat na labis, walang siyang kulang.” Muling turan nito habang parang nangangarap na niyakap ang sarili.”   Napabuntunghininga siya. Isa marahil ito sa mga rason kung bakit di na niya masyadong nalulungkot ngayon. Ikaw ba naman ang makasama ang mga ito sa araw-araw kung di mo makalimutan lahat ng problema mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD