Chapter 2

1308 Words
Dali-dali siyang lumabas ng buiding. Pasado alas’otso na. May pinaovertime kasing trabaho si Madame Lia. Lakad-takbo ang ginawa niya para makalabas ng building ng- “Oops. Sorrrry.” Hinging paumanhin niya sa taong muntik na niyang mabangga. “So, it’s you again Miss Del Mundo.” Mariing bigkas ng baritonong boses. Ano raw? Miss Del Mundo? Kilala siya? Bigla siyang lumingon upang tingnan ang mukha nito. Oh my goodness! It’s him again. “So, should I thank you then kasi nagsorry ka this time?” nakakalokong turan nito. Namula at napikon siya sa sinabi nito. Nawawala siya sa sarili pagganitong gutom at pagod siya ha? Kaya walang hahara’hara sa daan niya. “Look Mister. Nagsorry na ako. Hindi pa ba yun sapat? At bakit kilala mo ako? Sino ka ba?” Usisa niya rito. Muli itong ngumiti ng nakakaloko. “Someone you don’t know kaya ka nga nagtatanong di ba?” Pang-iinis pa nito. Tiningnan niya ito ng matalim. “Wala akong panahong makipagbiruan sa’yo.” Sigaw niya dito at walang lingon-likod na iniwan niya ito. Rinig pa niya ang tawa nito habang papalayo siya. Narinig pa niya ang pagtawag nitong pikon sa kaniya. Hayysss. Hindi niya alam kung buwenas ba o malas siya ngayong araw. ________________________________________________ Pagpasok niya sa opisina kinabukasan, abalang-abala ang kaniyang mga katrabaho. Himala! Parang sa pagkakaalam niya si Madame Lia lang dito ang ganun katutok at kaseryoso magtrabaho. Silang lahat ay maingay habang nagtatrabaho. Pasimple siyang umupo sa kaniyang desk. Habang palingon lingon pa rin baka sakaling may mapansin siyang ganap sa loob ng kanilang opisina. “Uy, anong ganap?”Pabulong niyan tanong kay Britanny. Hindi niya na nakayanang pigilan ang pagiging marites. Heheh. “Di ba naghihire ngayong ng mga bagong empleyado? Kailangan bukas ay handa na ang lahat.” Sagot nito.  "So, anu naman kinalaman nun sa pananahimik niyo aber?. Nakalabing wika niya dito. Iniripan siya nito at ipinagpatuloy ang ginagawa. Muli na naman sana niya itong iistorbohin ng bigla siyang tawagin ni Madame Lia. Agad niyang tinungo ito sa loob ng opisina. “Yes Madame?” turan niya. “Pumunta ka sa opisina ng bagong CEO at ibigay mo itong file ng mga resume ng mga nag-aapply ng trabaho. Gusto niyang personal na makita yung mga yan.” utos nito. Kinuha niya ang file at lumabas ng kanilang opisina. Gumamit siya ng elevator dahil nasa fourth floor ang opisina nito. Agad niyang nakita ang sekretaryang si Miss Katya, isa ding matandang dalaga. Hay, napupuno talaga dito ng matandang dalaga. Di kaya mgkamag'anak ito at si Madame Lia. Baka makadagdag siya sa bilang ng mga ito. Hahah. Huwag naman sana. Sayang ng kagandahan ko kaya? Nakangising turan niya sa kaniyang sarili. “Hello Miss Katya! May ibibigay lang po akong file, yung mga resume daw ng mga nag-apply.” Wika niya. “ Ah sige, ideretso mo na sa loob, hinihintay na yan ni Sir!” utos nito. “Okay po.” Pumasok siya sa loob. Palagay naman ang loob niya kay Mister Delgado. Kaya naman kampante siyang pumasok sa loob. “Hello Sir. Magandang Umaga po.” Bati niya rito. Dahan dahang umikot ang swivel chair at- Omg! Nagparetoke ba si Mister Delgado? “Am I that handsome Miss Del Mundo that whenever we see each other you always have that facial expression?” nakangising turan nito. “Ikaa..www ang bago naming CEO?” nagdududang wika niya. “Who else? Are you that surprised?” parang naaamuse na wika nito. Parang gusto na niyang lumubog sa kaniyang kinatatayuan. Mabilisan niyan rineplay ang mga naganap sa kanila. Nabastos ko ba tong mokong na 'to? Bigla siyang namula ng maalala ang pagsigaw niya rito nung gabing pauwin siya. Oh my, sana bumuka ang lupa ngayon at lamunin na ako. Hayyys, baka bukas wala na akong trabaho nito. Huhuh. Huwag naman po sana. Dahan dahan itong tumayo sa kinauupuan. Muli na naman siyang natulala sa taglay na kagwapuhan nito. Mahihiya ang mga artista sa hitsura nito. Sobrang itim ang kulay ng buhok nito na bumagay sa kulay nitong lusaw na kayumanggi. Lalaking lalaki. Kitang kita ang ganda ng katawan nito kahit naka'long sleeve pa ito at nakukubabawan ng itim na suite. Ang mga matang nitong parang laging nangungusap at ang mga labi nitong, oh my, so kissable. Girl, ang landi lang?! Para siyang natauhan. Oh my gosh, ano bang nangyayari sa kaniya. Naglakad ito palapit sa kaniya. Nagmukha siyang dwende ng tuluyan itong nakalapit. "So, did I pass your preliminary assessment Miss Del Mundo?" tudyo nito sa kaniya. Namula siya sa tinuran nito ngunit itinaas niya ang tingin dito at linabanan ang titig nito sa kaniya. Pakiramdam kasi niya tumatagos yun sa kaniyang kaluluwa kaya kailangan niyang pigilan. Feeling may super power ka girl? Untag ng kaniyang isipan. "Hindi ka ba natatakot sa akin Miss Del Mundo, or should I call you Fir?. No, I think I should just call you Fiery. Hmmm? I love the burning desire I always see in your eyes whenever our eyes met." anas nito. Ano daw?. Burning desire? At talagang Fiery pa ang itatawag nito sa kaniya? Ano siya nagbabagang apoy? Sige, at panindigan natin. Humanda ka Mister new CEO. Bulong niya sa kaniyang sarili. Muli itong humakbang palapit sa kaniya. Ang malamyos nitong hininga ay nararamdama niya sa kaliwang parte ng kaniyang leeg. Amoy na amoy niya ang panlalaking pabango nito. Napasinghap siya at itinakip ang hawak na folder sa dibdib na para bang mapipigilan nun ang labis na pagkabog ng kaniyang dibdib. "Ah, pinabibi..bi..gay po pala ni Madame, kailangan niyo raw po ito."nabubulol na wika niya. Tiningnan nito ang hawak niyang folder. Imbes na kunin ito, hinawakan nito ang kanyang kamay at pahaplos na tinungo ang mga daliring may hawak sa folder saka marahan nitong kinuha iyon. "Thank you Fiery. See you around." nakangising turan nito habang nakatitig pa rin sa kaniya. Parang may mahinang boltahe ng kuryente na tumulay mula sa kaniyang kamay na hinawakan nito papunta sa kaniyang katawan. Naiihi yata ako. Ano bang nagaganap sa akin?. Muli niya itong tinitigan. "It's not Fiery, it's Fir Sir." Giit niya rito. Bahagyang umangat ang kabilang sulok ng labi nito. At kumibit balikat sabay sabing, "I preferred Fiery, and I know it's only exclusive for me. Gusto kong unique ang tawag sa'yo." Sabay kindat sa kaniya. Napaawang ang kaniyang labi sa tinuran nito. Bahala na nga ito. Hmmp. Pakialam ba niya, kahit anung itawag sa kaniya. Haler! Siya pa rin to oh. Muli itong gumalaw ng kaunti palapit sa kaniya. Halos dikit na dikit na ang katawan nila sa isa't isa. Kaya naman halos mabingi na siya sa kabog ng kaniyang dibdib. Buti na lang hindi gaanong masikip ang kaniyang dress kundi literal sigurong makikita ang galaw ng kaniyang puso. At buti na lang nagpabango siya kanina abgo umalis. Heheh. "Ah..hhmmm. Sige po Sir, alis na po ako." Nauutal pa ring wika niya. Lintik na. Ano bang nagaganap sa dila niya. "Relax Fiery, I won't do any harm to you." wika nito habang unti unting humahakbang palayo sa kaniya. Nakahinga siya ng konti sa ginawa nito. "You may leave now, Miss Del Mundo." seryosong wika nito habang taimtim na nakatitig sa kaniya. Nagtaka siya sa biglang pagseryoso nito. Hmmmp. Kanina kanina lang ay..ay naku. Parang may regla naman 'to. Ewan. "Sige, Sir. Bye po." Nakatungong wika niya. Buti na lang di na siya nautal kundi kukutusan na talaga niya ang sarili. Nang tumango ito ay nagmamadaling pumunta siya sa pintuan. Isinara ito at isinandig ang katawan sa dahon ng pintuan. Napabuntunghininga siya ng malalim sabay hawak sa kaniyang dibdib. Bakit ba kasi sa tuwing nagkikita sila ay palaging nagririgodon ang kaniyang puso. Haayys. Parang roller coaster sa loob. Roller coaster emotions mo girl? sa loob? Tudyo ng sarili niya. Hindi, ang ugali ng mokong na yun. Di lang roller coaster, weather, weather pa kamu. Hmmpp.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD