Radon Dale dela Vega
Agad na hinanap ng kaniyang mata ang kaniyang ama. Personal siya nitong susunduin sa airport. Hindi ito pumayag na driver nila o siya na mismo ang didiretso sa bahay nila. Duda pa nga siyang kasama pa nito ang kaniyang Mommy na alam niyang sobrang excited na makita siya.
He stayed 15 years in the US. Kasama niya ito duon until 5 years ago. Kinailangan nitong umuwi at permanenteng manirahan sa Pilipinas dahil naging sakitin na ang kaniyang lolo. Paminsan minsan dinadalaw siya nito at dinadalaw naman niya ang mga ito.
Pero this time, I know he'll stay here longer or rather stay for good. His abuelo did his best to make him come back and take over the company. Tama na daw ang laro at pambabae. Pinagbigyan na raw siya ng mga ito ng pagkahaba habang panahon.
"Dad!" sigaw niya ng makita ang kaniyang ama.
"Hijo, Dale." wika nito habang palapit sa kaniya. "Welcome back. Okay naman ba ang biyahe?." turan nito habang niyayakap siya.
"Yeah, fine Dad. Thanks. So, where's Mommy?. I thought she'll be here. Mukhang sobrang excited yun simula nung tumawag ako?"
"Hay naku Hijo. Hindi na nagpumilit sumama, hihintayin ka na lang daw sa bahay at sobrang abala sa paghahanda ng makakain mo. Parang may piyesta na yata sa bahay." natatawang turan nito.
"Tsk, I can already imagine it Dad." natatawa ring wika niya.
"Come on Son, let's go home bago pa mailuto ng Mommy ang lahat ng Filipino dishes." muling pakli nito sabay kuha ng iba niyang gamit.
----------
"Welcome Home anak!" Masiglang salubong ng kaniyang Mommy habang nakabukas ang mga kamay para yakapin siya. Lumapit siya dito at agad itong binigyan ng yakap.
"Hmm. I miss you so much Hijo. Di mo man lang kami dinadalaw ng madalas." nakalabing wika nito.
Heto na naman po kami. Agad niya itong tinawanan. "Hindi ba madalas ang buwan buwan, Mommy? Halos buwan buwan kayong pumunta sa akin at buwan buwan din akong umuwi. Parang ginagawa ko lang ngang Manila ang US eh."kontra niya sa sinabi nito.
"Pasok na tayo sa loob, hinihintay ka na ng lolo mo." pag-iiba nito sa usapan.
Agad niya itong inakbayan papasok sa bahay.
Wala namang pinagbago ang bahay ng kaniyang lolo. Sumisigaw ang bawat sulok nito ng karangyaan. Mula sa mga muwebles na meron ito papunta sa bawat istruktura nito. Dagdagan pa ng mga mamahaling koleksiyon ng paintings ng kaniyang Lolo. Hobby nito na mangolekta sa bawat bansang pinupuntahan nito.
"Apo, how are you?. Kumusta ang biyahe?" Masiglang wika nito sa kaniya.
Yumakap siya dito. Malambing siya dito dahil kahit istrikto hindi siya pinakitaan nito nun, palibhasa nag-iisang apo siya nito.
"Okay naman po Lo. Medyo nagutom lang ako sa haba ng biyahe." wika niya.
"Tamang, tama ipinagluto ka ng Mommy mo ng pagkarami-raming putahe. Kain na tayo't nagugutom na rin ako."yakag nito sa kanila.
Agad silang dumulog sa hapag habang ang kaniyang Daddy naman ay inaakyat ang kaniyang mga gamit sa kwartong kaniyang ookupahin.
"Wow, ang daming foods. Lahat to hinanda mo, Mommy?."
"Yup hijo, para sayo. Siguradong namiss mo kasi ang lutong Pinoy." nakangiting turan nito sa kaniya.
"Kain na tayo!" ani ng Lolo niya. Magana nilang linantakan ang pagkaing nakahain sa hapag.
----------------------------
Maaga siyang nagising kinabukasan. Pupunta siya sa kanilang kompanya. He personally requested to make his presence unknown to the employees. Gusto na muna niyang makita ang presenteng sitwasyon sa kanilang kompanya. At mas magagawa niya yun kung hindi siya kilala ng mga ito. Saka na siya mgrirequest ng formal introduction and turn over ng company, sa tamang panahon ika nga.
Halos isang oras na niyang iniikot ang kanilang kompanya. Mas nakaagaw ng pansin niya ang kanilang canteen. Maraming mga empleyado ang kumakain dito. Siguradong masarap ang pagkain nila dahil kung hindi tiyak na pupunta ito sa mga restaurants na nasa paligid.
Habang naglalakad. Hindi niya nakita ang bulto ng babaeng agad na lumiko sa pasilyo. Hindi niya napaghandaan at nabunggo siya nito. Buti na lang at agad niya itong nahawakan.
"Oooppss, what the-" turan niya.
Agad niyang natitigan ang mukha nitong mala-anghel. He had never seen such beautiful facial feature. Nakakabighani ang mukha nito.
Naamuse siya sa paraan ng pagkakapikit nito, parang inihanda ang sarili sa pagbagsak. Imbes na hayaan itong makawala, hinigpitan niya pa lalo ang pagkakayapos dito.
Ng imulat nito ang mata sinalubong niya din ito ng titig. God, those were the most expressive eyes he has ever seen. Nakakahipnotismo kung tumitig. Captivating and mesmerizing eyes that express different desires.
Hindi niya napaghandaan ang sumunod nitong ginawa. Itinulak siya nito ng pagkalakas. "Miss, I preferred hugging than pushing." tudyo niya rito. Nakita niyang namula ang mukha nito.
Hmm. Mukhang empleyado ito sa kanilang kompanya. Pasimple niyang tiningnan ang ID nito, nakumpirma niyang sa kanila ito ngtatrabaho dahil sa ID jacket nito ngunit hindi niya makita ang panngalan nito. Interesting. Napangiti siya sa loob. Mukhang magiging maganda ang stay ko dito sa company.
Muli niya itong sinulyapan habang nagmamadaling umalis. Her face and body are perfectly proportional. Tamang tama lang ang katawan nito para sa height nito. And damn, she's so sexy. Akmang akma ang bawat kurba at hubog ng katawan nito. Ang beywang nito'y Saktong sakto sa pagkakapulupot ng kamay niya. Parang hinulma silang dalawa sa bawat isa. Napapangisi siya sa sarili habang muling inaalala ang naganap kanina kanina lang.
See you around Miss Gorgeous. I'll make your everyday brighter and happier. Anas niya sa sarili. Muli na namang sumibol ang ngiti sa kaniyang labi.
---------------------------
Mister Delgado had turned over his office to him. May sarili itong sekretarya, si Miss Katya. Matandang dalaga. Buti naman. Kahit palikero siya, he doesn't want to mix business with pleasure. Baka kasi kung bata at dalaga pa eh mahumaling sa kaniya. Oh, come on Dude, over confident lang? Kutya ng sarili niya.
Kahapon ay agad niyang hinanap ang files ng mga empleyado. Syempre bukod sa nais niyang makilala ito ay hinanap niya ang babaeng nakabangga sa kaniya. And he learned that she's Fireworks del Mundo. Secretary ni Madam Lia ng HR department. Hmmm. Very unique name. He loves it more than he loves fireworks. He's very fascinated sa fireworks parang mas lalong dumoble yun ngayon dahil sa babaeng may pangalang ganun.
Napapangiti siya sa sarili habang nagtatrabaho. Sigurado nan siyang single ito dahil sa bukod sa single ang nakalagay sa profile nito, wala itong singsing at ramdam niyang wala pa itong asawa.
Kailangan ko ng inspirasyon dahil sa gabundok na trabahong ito. Ows, di nga? Baka naman kailangan mo talaga ng babae?. Pang'aasar naman ng loob niya.
Yeah. He's a playboy. Halos di na nga mabilang ang mga naging babae niya sa Amerika. Pero wala pa siyang naging permanenteng karelasyon hindi sa ayaw niyang magseryoso marahil hindi pa niya natatagpuan ang babaeng karapatdapat seryusohin.
Muli siyang tumungo at pinagpatuloy ang pagtatrabaho. Lumipas ang ilang oras na hindi niya namamalayan. He looks outside. Madilim na pala. Haayys.
Tumayo na siya at kinuha ang susi ng kaniyang kotse. Dali dali na siyang lumabas habang chinicheck ang cellphone. Sigurado siyang nakailang text at tawag na ang kaniyang Mommy. Ibinilin pa naman nitong maaga siyang umuwi dahil magluluto ito nga kare-kare. Ng maisip ito agad na kumulo ang kaniyang tiya. Gutom na siya. Nakalimutang niyang magmerienda.
Dali dali siyang naglakad palabas ng bumukas ang elevator. Ng biglang-
"Oopps, sorry." Hinging paumanhin ng taong nakabangga o binangga niya.
Biglang umangat ang sulok na kaniyang labi nang mapagsino ang nakabangga niya. Hmmm. Not bad for an overtime work huh?
"So, it's you again Miss del Mundo?" Mariing turan niya dito. Kita niya ang pagpiksi nito at pag-awang ng mga labi.
Lihim siyang napangiti. Masarap siguro itong asarin.
"Should I thank you for saying sorry this time?" pang-aasar niya rito.
Padaskul nitong hinawi ang kaniyang kamay at sinalubong ang mata niya habang tinatanong kung sino siya at kung paano siya nito nakilala. Hindi pa rin niya ito tinantanan. Muli niya itong inasar- "Someone you don't know, kaya ka nga nagtatanong di ba?" nakakalokong wika niya rito.
Muli itong namula. Halatang lalong nainis. "Ewan ko sayo!" sigaw nito habang nagmamadaling tumalikod at naglakad palayo.
Tatawa tawang sinigawan niya ito ng pikon. Iiling iling siyang naglakad na rin palabas. Ang sarap nitong asarin. Hmm. You make me more curious Miss del Mundo. I can't wait to know you better.