Chapter 4

673 Words
Maagang gumising si Fir dahil magkakaroon ng programa para sa pagturn over ng managerial position sa kanilang kompanya. Baka mapagalitan naman siya ni Madam Lia kung late na naman siya. Di nga? Si Madam Lia nga ba ang dahilan o baka naman nais mo lang makita ang bago niyong boss? Tudyo ng isipan niya. Mabilis siyang nagbihis at hinintay niya ang kaniyang pinsang si J’dion. Nagtaka man kung bakit siya maaga ay hindi na lang ito kumibo. _____________________________________________ Maaga silang nakarating sa kompanya. Saktong saktong nagsisimula pa lang magsidatingan ang iba pang empleyado. Naupo sila ni J’dion malapit kina Britanny, ayaw sana niya duon dahil alam na niyang magiging maingay ito. Ayaw niyang makaagaw ng pansin lalo na’t nandoon ang bago nilang boss. Huwag sana niya akong makita. Lihim niyang usal sa sarili. Sa dinami dami ba naman ng tao sa mundo bakit ba ito pa ang laging nakakabangga niya. As in literal na bangga pa. Pasimple niyang tiningnan ang stage at agad na tumama ang kaniyang mga mata sa taong pinakaayaw niyang makita. Agad na binawi niya ang kaniyang tingin dito ngunit hindi nakaligtas sa kaniyang mata ang pag-angat ng sulok ng mga labi nito. “Pigilan niyo ang panty ko, malalaglag na yata.” patiling wika ng baklitang si Britanny. “Iyong sa akin din, nalaglag na yata.” wika naman ni Anne, isa ring staff ng Human Resource. Sabay-sabay na naghagikhikan ito na nauwi sa tawanan nang bigla pang magflying kiss si Britanny sa bago nilang boss. “Good morning, ladies and gentlemen. May I have your attention please. This program is to pay tribute to Mr. Delgado who gave his service to the company wholeheartedly and to give due recognition to his thirty years of dedication in maintaining this company. Also, this is to welcome our new CEO, Mr. dela Vega.” Pambungad na salita ng emcee. Nagpatuloy ang programa na hindi niya naiintindihan. Ramdam na ramdam niya ang pag-iinit ng mukha dahil sa lalaking matiim na nakatitig sa kaniya. Iniiwasan niyang mapunta dito ang kaniyang tingin dahil alam niyang nakatutok ang paningin nito sa kaniya. “Tinititigan ako ni Dale.” halos patiling bulong ni Britanny sabay na parang nang-aakit na tinitigan ang kanilang bagong boss. “Hoy, ako kaya ang tinitingnan niya.”agaw naman ni Ysa. “Parang close na close na kayo at first name basis na ang tawagan niyo ah.” Palki ni J’dion. “Excuse me, talaga. Siya kaya ang unang lumapit sa akin. Ako na magpapakilala sa kaniya. Siya si Randon Dale dela Vega. The only heir of RADA Philippines. Siya lang naman ang kaisa-isang apo ni Don Manolo dela Vega. Ang pinakamay-ari nitong kompanya.” Mahabang lahad nito. “Parang nagpabackground check ka na yata Britanny.” tudyo dito ni Anne. “Ako pa, mataas at mabilis kaya ang radar ko.” humahalakhak na sagot nito. Muli silang natahimik ng magsalita na si Mr. Delgado. They will surely miss this man. Naging napakabait nitong boss sa kanila. Maluha luha din itong nagbigay ng mensahe at halos maluha din silang lahat sa mga sinabi nito. Matapos itong magsalita ay ipinakilala nito ang kanilang bagong boss, si Randon Dale dela Vega. Ng tumayo ito ay kumindat pa sa kaniyang direksiyon, hindi niya alam kung para sa kaniya ba yun dahil. Napsinghap din ang mga kasamahan niya lalo na si Britanny. “Oh my, Nakita niyo ‘yon guys, kinindatan niya ako.” Halos naiihing turan na naman nito. Tinawanan lang ito ng kanilang mga kasamahan. Napatitig siya kay Dale habang nagsasalita ito. Makikita mo sa aura nito na hindi ito basta bastang tao. He has this dignified and authoritative look. Tiyak na mapapsunod nito lahat ng empleyado. His masculinity speaks power and confidence. Halata naman di ba? Sa ilang pagtatagpo nila ay Nakita na niya kung gaano ito kaconfident sa sarili. Aaminin niya sa sarili na kahit inis siya rito ay alam niyang nasa mabuting kamay ang kompanya. She can also feel that he’s hardworking and dedicated. Mukhang playboy lang nga ang gunggong.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD