One

1412 Words
"Oplan: Hanapin si Mr. Forever ko!" "Ano ba yan Joy! Ang korni naman niyan! Mas bagay yong, Mission Impossible!" Kontra ni Lyn kaibigan ko. Kinuwento ko kasi sa kanya ang plano ko. "Bes halika rito!" Tawag ko sa kanya. "Bakit?" "Kokonyatan kita ng sampu kasi masyado kang negatibo." "Bakit kasi kailangan maghanap ka! Darating yon! I told ya! Natraffic lang yon knowing sa traffic dito sa Pilipinas! So lala!" "Bes tagal niya eh! Inip na me! Tyaka hello! Thirty na ko! Mapapanis na ko!" "Ano ka ba ulam na kinamay?" Inirapan ko ito. "Bes intindihin mo naman ako okay! Thirty na ako sino na lang papatol sa akin? Bes paano ako magkakaanak? At gusto ko makamay!" Palibhasa bata pa ito. Twenty five pa lang. "Magpa artificial insemination ka na lang kung anak lang gusto mo!" "Duh! Syempre gusto ko rin kung paano ginagawa yon!" "Malandi!" Sigaw niya sa akin kaya natawa na lang ako. "Pero on the serious note. Just wait for him." "Ayoko na nga magwait! Hanapin na lang natin siya!" "Saan naman?" "Bes sigurado ka ba dito?" Tanong sa akin ni Lyn habang tumitingin sa paligid. "Kanina oo, ngayon parang hindi na." Ngiwi ko habang tumitingin din sa paligid. Nang tinanong niya ko kung saan namin hahanapin ang una ko agad na naisip ay bar. Unang una dahil maraming yummy na fafables dito. Kaya agad kaming nagbihis ng angkop na kasuotan sa pagbabar. Si Lyn naka little black dress na hangang kalahati ng hita. While me naka skater skirt syempre show off sa long legs ko at white spaghetti strap dress and killer heels. Ang kaso hindi kami sanay sa ganitong kasuotan. Maya't mayang humihila kami sa laylayan ng skirt naming kamusta naman. At medyo awkward kami maglakad. Hindi naman kasi kami sanay magsuot ng high heel shoes. At second time lang namin pumasok sa bar ang first time pa eh maaga kami umuwi kasi nahilo ako sa nakabanggaan ko sa dancefloor ng sumasayaw kami. Grabe yong amoy eh! Amoy mandirigma! "So nagsasayang lang tayo ng pagod at panahon dito?" Irap nito sa akin habang kumakamot ng very light sa kilay nito na eyebrow goals! Syempre nagmake up kami at nagplantsa ng buhok. Iyong plantsa ng damit! Kasi wala kaming hair straightener. "Syempre hindi. Tara tulungan mo kong maghanap ng gwapo tyaka mukhang mayaman!" "Yon lang ba hanap mo?" "And of course magmamahal sa akin ng tunay!" With dreamy eyes and hands clasped together ko pang sabi sa kanya. Kaso sinabunutan ako. "Gaga! Hindi tayo makakahanap dito non! Joy ang mga tao dito isa lang ang main goal! To get laid. Kaya nasa maling lugar tayo!" "Impossible naman na kahit isa sa mga lalaki dito hindi naghahanap ng pagibig!" "Kaya nga mission impossible tong oplan oplan mo eh! Wala kang mahahanap dito! Mukha bang naghahanap ng pagibig isa man sa mga yan?" Turo niya sa mga nagsasayawang tao. Nanlumo naman ako. Jusko. Mapapanis na talaga ako! "Sa iba tayo maghanap!" "Pero sayang yong tugtog!" Pigil ko rito ng hilain niya na ako paalis. Nilingon niya ako with matching taas kilay. "Enjoy muna tayo?" Bumaba ang nakataas nitong kilay sa sinabi ko. At tumawa. "Tara!" Agad kaming pumunta sa dancefloor at sumayaw. Sobrang galing nito sumayaw kaya nabuhay ang di patalong sarili ko. Pinakitaan ko ito ng moves ko. Nag robot dance ako. Nag step yes step no din ako! At nagtwerking pa ako. May mga taong tumatawa sa akin pero keber! Alam naman nilang nageenjoy ako. "Tangina Joy! Ang sarap maglagay ng sako sa ulo para di nila ako makilala na kasama kita." Tawa sa akin ni Lyn. Tumawa rin ako at inayos ng sumayaw. Yong tamang yugyog moves lang. Kumuha pa kami ng alak. "O tamang inom at saya lang baka parehas tayong gumapang pauwi." Babala ni bes. Tumango ako. Kaso mukhang gagapang talaga kami pauwi after taking a couple of shots. Ramdam ko na yong bigat ng ulo ko at yong urge na tumawa kahit wala namang nakakatawa. Putek nababaliw na yata ako! "Jilo na ko bes." Tumatawang tapik ko dito. "Hala same! Same!" Tawa rin nito. "Uwi na tayo!" Yaya ko. Tumango siya kaya magkahawak kamay na lumabas kami. "Wag ka magalala nagpasundo ako kay best friend. Susunduin niya tayo!" "Talaga? Buti naman!" Tawa ko rito kahit wala namang nakakatawa. "Oo! Nandito na yon!" Kaya ng makalabas ng bar hinanap ko agad ang itim na kotse ng best friend ni Lyn na si Douglas. Yes lalaki ang bessy niya. Kung ako ang best friend niya sa babae. Si Douglas naman sa lalaki. At feel ko sila yong perfect example ng magbestfriend na nagiibigan ng palihim kasi parehas bobo! Imbes jowain ang isa't-isa binestfriend ang isa't-isa. Ayan bahala sila sa love story nila! "Suka ko!" Sigaw ni bes kaya agad ko siyang binitiwan baka masukahan ako. "Bes diyan ka na!" Tawa ko dito at iniwan ng makita ko si Douglas na makakasalubong ko. Siya na bahala sa best friend niyang sukahin. At dumiretso ako sa itim na kotse. Sa backseat ako pumwesto at humiga. Kasi nga hilo na ako. "What the f**k?" Napamulat ako ng may sumigaw. Umayos ako ng upo at tiningnan ang nakadungaw na lalaki sa pagitan ng passenger at driver seat. Napakunot noo ako ng marealized na hindi si Douglas to. Sino to? Nanlaki ang mga mata ko. "Oh my god! Ikaw na yon!" Sigaw ko dito. Tinulak ko ang mukha nito at nagpumilit ako lumusot sa pagitan ng mga upuan at kumandong dito. I even hugged him. Napasinghot pa ako ng maamoy ang bango nito. "What the f**k woman!" Sigaw nito. Tiningnan ko ito at nginitian. Hinawakan ko pa sa mukha. Kahit ramdam ko pa ang hilo at antok. "Buti naman dumating ka na." Sabi ko. "What?" Sigaw nito. "Hindi na pala kita kailangan hanapin Mr. Forever." "What the f**k are you saying?" Kahit sinisigawan at minumura na ako nito nginingitian ko pa rin siya. Tinitigan ko rin ang mukha niya. Ang gwapo! Mula sa buhok na magulo pero mukhang style. Hanggang sa mapupungay nitong mata, mahahabang pilik mata, matangos na ilong at manipis na labi na parang ang sarap halikan. Grabe winner na winner ako sa pinadala ng diyos sa akin. Niyakap ko ito at sininghot kahit ramdam kong tinutulak ako nito. Kinakap kapa ko ang dibdib nito at tiyan. Matigas! Winner na winner talaga. Nakagold ako! Sana okay lang sa kanya ang tansan. "Hey get off me!" Sigaw na naman niya. Pero antok talaga ko. Kaya tinulugan ko ito. Napamulat ako ng mata ng makarinig ng bumagsak na malakas na bagay. Ano ba yon? Hindi ko na lang pinansin baka si Lyn na nakalaglag na naman ng kung ano. Next time talaga papalitan ko na to eh ayaw ko na siyang makasama sa apartment. Pero syempre joke lang. Nang may bumagsak ulit. Bumalikwas na ako ng bangon at sumigaw. "Kingina Lyn!" Sigaw ko kaso napatigil ako ng makitang may gwapong lalaki sa harapan ko. May hawak tong kaldero na sadyang ibinagsak ito. So he's the one doing the noise. "Sino ka?! Bakit nandito ka sa kwarto ko?" Tanong ko rito. Kahit gwapo to dapat di ako pakampante. Mamaya kumakain pala to ng tao. Lalo pa at may dalang kaldero. "Excuse me?" Tanong nito. "Dadaan ka?" Tanong ko. Nagulat ako ng irapan ako nito at damputin yong kaldero. "I should be the one asking you. Who are you?" Ay wow taray English! "And you are in my room." Agad akong napatingin sa paligid ko. At true! Hindi nga akin tong kwarto! Wala yong mga poster ni Kyungsoo ko. Pero anong ginagawa ko dito? Oh my god! Kidnap for ransom ba to? Pero wala kaming pera! Omg! Baka nangrerape to! Napahila ako sa kumot at binalot ang katawan ko. Jusko paano na lang ang paghahanap ko kay Mr. Forever. Mukhang hindi pa man ako nagsisimula tapos na agad kasi mamamatay na ako ngayon after niya ako gawan ng masama! Sasaksakin hanggang sa mamatay pagkatapos ay ichachopchop at itatapon ang iba't-ibang parte ng katawan ko sa iba't-ibang kalsada para hindi ako makilala at ang mga taong maghahanap sa akin habang buhay akong hahanapin dahil hindi nila ako makikilala. Oh my gosh! "Hey! Stop your imaginations!" Sigaw na naman nito. "I'm not a bad person. Because if I am you shouldn't be in my bed still unscathed." True! Kaya napabitaw na ako sa kumot. "Sino ka ba!" Sigaw ko. "I'm Cole. And I'm the owner of the car you hitch on last night." What? Anong nangyayari?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD