INIP NA INIP na si Kira sa kaniyang silid. Nagugutom na rin siya ngunit tiniis ang gutom. Hindi niya nais lumabas ng silid at makatagpo ulit ang lalaking kaniyang pinakasalanan. Hindi siya makapaniwalang ang tulad ng lalaking 'yon ang napili ng kaniyang mga magulang na ipakasal sa kaniya. She hates her parents so much!
Napatingin siya sa pintuan ng kaniyang silid nang bumukas ang pintuan.
Hindi ba't ini-locked ko 'yon?! Paanong....
"Good evening, Ms. Kiana, ipinagdala po kita ng makakain dahil kanina ka pa hindi lumalabas ng silid," bati ng parehong kasambahay na dinala siya sa silid. May dala itong isang tray ng pagkain.
Bumangon siya sa kama at hinintay itong mailapag ang pagkaing dinala para sa kaniya. Walang sali-salita siyang kumain dahil talagang gutom na gutom na siya. Maigi na lamang at dinalhan siya nito.
Bigla siyang may naisip. "Matagal ka na bang nagtatrabaho dito?"
Umiling ang kasambahay. "Bago lang po."
Tinapik niya ang ibabaw ng kama. "Maupo ka."
Sinunod naman siya ng dalaga. "Masarap po ba?" tanong nito sa kaniya nang nakangiti.
"So, hindi mo alam ang pangalan ng boss mo?" tanong niya rito pabalik na hindi pinansin ang tanong ng babae.
"Lissandro Moretti po ang pangalan niya. Ang ama ko ay nagtatrabaho sa pamilya niya bilang butler at nandito po ako dahil sa inyo."
Kumunot ang noo niya at huminto sa pagsubo ng pagkain. "What do you mean? Bakit dahil sa 'kin?"
"Ang utos po sa 'kin ay alagaan at protektahan ang lady. Ikaw na asawa ni Mr. Lissandro Moretti. Ang totoo n'yan ay hindi po ako isang kasambahay, isa po akong assasin."
Kinagat ni Kira ang ibabang labi upang pigilan ang pagtawa niya. Hindi niya mapigilang matawa dahil parang nasisiraan na ng ulo ang dalagang kaharap. Nag-iwas siya ng tingin at bumalik sa pagkain upang ibalin doon ang atensyon niya.
Bakit ba parang mga wala sa katinuan ang mga taong nasa bahay na 'to?
Tanong niya sa isip niya.
"May mga gusto ka bang malaman tungkol sa kaniya at pamilya niya?"
Napatingin siya ulit sa dalaga dahil sa tanong nito. Tumango siya. "Puwede ba? Lahat ng alam mo?"
Tumango ito. "Alam mo po bang ang pamilya ng lalaking pinakasalan mo ay hindi basta-basta? At dahil ikinasal ka sa kaniya ay para mo na ring inilagay sa kapahamakan ang sarili mo."
"A-ayos ka lang ba? Medyo kanina pa kasi 'di maayos yung mga sinasabi mo. Puwede ka nang lumabas ng kwarto ko. Tawagin nalang kita kapag tapos na 'ko. Salamat." Bumalik siya sa pagkain at hindi na ito pinansin pa hanggang sa makaalis. She finds the maid very weird. Even the things she says to her are weird. Lahat ng taong nakikilala niya ngayon ay weird. Even her husband.
Hindi niya alam kung anong gagawin niya. Habambuhay na lang ba siyang magkukulong sa kwarto na 'to?
***
HINDI NA KUMATOK pa si Lissandro at pumasok nang diretso sa unit ni David pagkatapos niyang i-type ang password nito. "David, what happened? Seriously?!" bulalas niya nang makitang ilang empty bottle na ng alak nasa harapan ng kaibigan. "What are you doing?"
"Lissandro, I need your help. I badly need your help. I need your connections, I need your men, I need your power." Para itong bata na paulit-ulit. This is the first time he has ever seen David act so strangely, like a child crying after losing his mother in a mall.
"I know, that's why I'm here. Calm down, David. I need to know what really happened. You have to tell me." Naupo siya sa isang stool na nasa harap ng counter ng mini bar sa silid ni David.
"I was about to get married today, you know that, right? That's why I couldn't attend your wedding. But my bride was kidnapped on her way to the church. I'm so lost, Lissandro. Her parents have no idea she's with me. Kailangan ko siyang mahanap agad. I hope she's safe." Tears streamed down his face
Lissandro frowned, hinawakan niya ang balikat ni David. "Calm down. Breathe. Tell me, may lead ka ba kung sino ang may gawa nito? May nakaaway ka ba? Did someone call you today?"
Napailing si David, halatang wala sa sarili.
"Wala. Walang message, walang tawag... nothing. Para bang bigla na lang siyang nawala. I'm frustrated."
"Then we don't waste time," seryosong sagot ni Lissandro. "We'll figure this out, but first I need to see your bride. Do you have her picture?"
Tumango si David at nagmamadaling nagtungo sa walkin closet nito, pagbalik ay isang buntong hininga ang pinakawalan. "I forgot. I lost it when my old house burned down. She's such a introvert, napakahirap niyang kuhaan ng litrato. Ang tanging picture pa namin ay nasama pa sa sunog. Napakamalas ko, God! It's draining me."
Napakamot si Lissandro sa kaniyang batok. "So, how can I help you find her?"
Nanghihinang naupo sa David sa katabi niyang high stool. "Pinakuha ko na ang nga CCTV footage sa condo at sa iba pang malapit na lugar, kaya lang mukhang malaking sindikato daw at kaagad nagawan ng paraan lahat." Inihilamos ni David ang palad sa mukha at tumungo sa counter. "I'm so frustrated. I love her. Hindi ko pa nga nasasabi sa kaniya. I'm so happy even if our wedding was fake. I can't lose her, Lissandro. I love her."
Matinding awa ang naramdaman ni Lissandro para sa kaibigan. Hindi ito magkakaganito kung talagang hindi mahalaga ang babaeng iyon kay David. He knew David, bolera ito at mahilig makipaglokohan sa babae ngunit batid niya ang tungkol sa long-time crush nitong kababata na sa dinami-rami ng babae ay dito lamang ito natorpe at hindi maamin ang nararamdaman.
"I can't ask for a picture from her parents directly. Baka anong magawa nila sa 'kin," dagdag pa ni David, malalim ang buntong-hininga.
"Hahanap ako ng paraan. I will show you her. Help me, Lissandro... I really need your help this time."
"Alright. Ibigay mo kay Fuego ang lahat ng kailangan, her picture, the time she was kidnapped, at kung may kasama siya o wala. I will tell Fuego to see you tomorrow. We will help you find her. Maasahan siya sa ganitong bagay, don't worry. I got you this time. We will find your bride."
Mas lalong dumagdag ang pag-aalala at frustration na nararamdaman ni Davi. "Does it mean lilipas ang araw na 'to nang hindi ko alam kung ligtas siya o nasa maayos na kalagayan?" Nagsimulang umiyak si David, hindi niya na mapigilan ang mga luha.
"David, you need to rest. It takes time to process everything and to find her. Lalo na't hindi ko alam kung ano ang hitsura niya. I need time to know every detail so I can give instructions to my men. Pero huwag kang mag-alala, I won't stop until we find her. We'll check every lead, every clue, hanggang sa makita natin siya. Kailangan mo lang maniwala at huminga ng malalim ngayon, para may lakas ka kapag oras na para kumilos. I got you, David... we will bring her back." Tinapik niya ang balikat ni David.
"You don't understand me, Lissandro."
"I do, David. I do. I understand you. I once lost someone really special to me, and it really takes time to process." Lissandro sighed.
"If she was kidnapped, we need to wait for the kidnapper to call you. Or, you might need to offer money to find her, that's usually the fastest way. Mas mapapabilis ang paghahanap sa kanya if we give Fuego everything he needs. He's an expert at this, and I'll have clear instructions for them once you give us all the details. So, I want you to breathe, rest, and trust that we'll work on it. Okay?"
Marahang tumango si David kahit na bahagyang labag sa loob nito.