TBWB - 8

1545 Words
NAGLAKAS LOOB si Kira na lumabas ng kaniyang silid. Hindi siya papayag na magkulong lang habambuhay sa kwarto niya. Lahat ng taong madaanan niya sa loob ng bahay ay binabati siya bilang 'Lady Kiana'. Tumatango na lamang siya at nilalagpasan ang mga ito. Pagliko niya sa hallway ay napatili siya sa gulat nang makabangga ang kaniyang asawa. "Why are you screaming?! You're freaking annoying!" iritableng wika ni Lissandro at balewalang binato sa kaniya ang dala nitong paperbag. Maigi na lamang at maagap siyang nasalo ito. "Ano 'to?" "Get dress, lalabas tayo." Bigla siyang napangiti. "Talaga? Saan tayo pupunta?" Mas lalong nagging irritable ang mukha ni Lissandro nang makita ang ngiti. "Stop smiling." Sumimangot si Kira. Simula ngayon hindi na siya ngingiti sa harap ng lalaking ito! "So, pwede bang malaman saan tayo pupunta, mahal kong asawa?" Hindi siya sinagot ni Lissandro at nilagpasan lamang siya nito. Kira rolled her eyes and sighed. Ikinuyom niya ang kamao. Gustong-gusto niya nang sapakin ito, maigi na lamang at nakakapagpigil siya. Binuksan niya ang laman ng paperbag. Mga damit. Kaagad siyang bumalik sa kwarto at nagpalit. Humarap siya sa salamin. "Napakawalang taste naman ng namili nito! Kulay green talaga. Ginawa akong manang!" Hindi niya sana gusting suotin ito kaya nga lamang ay wala naman siyang ibang damit bukod sa wedding gown niyang hanggang bago siya magpalit ay suot ito. Natiis niyang matulog nang suot iyon. Nagmukha tuloy siyang sleeping beauty. Bumaba siyang muli sa sala at sakto namang naghihintay sa kaniya si Lissandro. Nakapagpalit na rin ito. Nang makita siya ng lalaki ay tumayo saka lumabas ng bahay. Dali-dali naman siyang sumunod. "So, saan tayo pupunta?" tanong ni Kira nang makasakay sa sasakyan. "Mall," maiksing tugon ni Lissandro at kaagad nagmaneho paalis. Hindi nito alam kung bakit kahit naiirita sa tuwing tatanungin ni Kira ay nagagawa pa ring sumagot. Tumango si Kira at napangiti. Bigla niyang naisip mag-shopping. Matagal-tagal na rin simula nang huli siyang nakapag-shopping. Tamang-tama at wala na siyang masuot. Pagdating sa mall, kaagad niyang tinungo ang mga paborito niyang brand. "Halika, sumunod ka sa 'kin," aniya sa lalaki. Lissandro frowned. "What? Did she just order me to follow her?" Hindi siya makapaniwalang inutusan siya nitong sumunod. Wala siyang nagawa nang magpatiuna itong pumasok sa isang store ng mamahaling brand. Binalewala ni Kira ang pagmamasid ni Lissandro sa kaniya, basta ang mahalaga sa kaniya ngayon ay magagawa niya ulit mag-shopping. Matagal-tagal na rin. Marami-rami siyang nagustuhan at sinukat na damit habang naupo ang asawa sa sofa. Hindi siya nito pinigilan o inabala man lang. Hinayaan siya nitong mamili kaya naman masayang-masaya siya. In-assist siya ng staff hanggang sa ma-scan at ma-pack ang lahat ng napili niya. "Four hundred twenty-five thousand and thirty cents, Ma'am. How would you like to pay—cash or card?" ani ng counter habang malapad ang ngiti. Biglang napaisip si Kira nang maalalang wala siyang wallet, ang kaniyang bank ay naka-hold sa kaniyang parents at ang perang dinala niya sa pagtakas ay inilagay niya sa bangko gamit ang ibang pangalan. Napalunok siya ng laway at bahagyang pinagpawisan nang malamig. Marahan siyang tumalikod at tinignan si Lissandro. Mabibigat ang mga paa niyang lumapit sa lalaki. "P-pupwede bang humir—" Nahinto siya sa nais sabihin nang iabot nito ang black card sa kaniya. Nakahinga nang maluwag si Kira at napangiti. Nag-iwas ng tingin si Lissandro. Kaagad niyang tinanggap ang card at bumalik sa counter. Iniabot ito sa counter. Isang store palang ang napuntahan niya pero tila napasobra na ang mga damit at sapatos niyang binili. Kailangan niya ring mag-withdraw at ibalik ang perang nagastos ngayon kay Lissandro. Kailangan niya ring kausapin ang mga magulang niya tungkol sa pag-hold ng kaniyang mga bank accounts. Kinuha niya ang napakaraming paper bags ng pinamili. Medyo marami at mabigat ang mga ito. Inaya niya si Lissandro at kaagad naman sumunod ang lalaki sa paglabas. Bumuntong hininga si Kira habang naglalakad at bahagya siyang nahihirapan sa dami ng dala. Hindi niya naman gustong linungin si Lissandro na nasa kaniyang likuran at nakasunod. Hindi man lang talaga ako tulungan? Sumimangot siya. Kung alam niya lang ay hindi na siya namili ng ganito. Huminto muna si Kira sa gilid at inilapag ang mga hawak sa sahig. "Do you need help?" tanong ng isang lalaking huminto sa kaniyang harapan. Guwapo ito, mistiso at matangkad. Tumango siya at ngumiti. "Please?" Nakahinga nang maluwag si Kira dahil pakiramdam niya ay may savior siya. Hindi naman niya kais in-expect na hindi siya tutulungan ng lalaking kasama niya. Iritang-irita na talaga siya sa ginagawa nito. Ngumiti ang lalaki. "Sure. Saan ka ba nag-park?" "She's with me." Kaagad na dinampot ni Lissandro ang mga paper bag na nasa sahig at naglakad paalis. "Teka, sandali!" tawag ni Kira. Humarap siya sa lalaking gustong tumulong sa kaniya. "Pasensya na, nagbago yata ang isip niya at gusto na niya akong tulungan. Thank you!" Mabilis siyang yumuko bilang pasasalamat at patakbong hinabol si Lissandro. "Sandali! Hintayin mo 'ko!" Lissandro continued walking with long strides, as if trying to make sure Kira wouldn't catch up. Hingal na hingal si Kira dahil sa bilis at malalaking hakbang na paglakad ni Lissandro. "Puwede ba bagalan mo lang?" tanong niya pero parang hindi siya nito naririnig. Bumuntong hininga si Kira na panaka-nakang tumatakbo kapag malayo-layo na ang agwat nilang dalawa. Ganoon ang ginawa niya hanggang sa makarating silang dalawa sa parking at mailagay ni Lissandro ang lahat ng ipinamili sa likod ng dala nilang sasakyan. "Thank you, Lord!" wila ni Kira at hingal na hingal na naupo sa shotgun seat. Pumasok si Lissandro sa sasakyan at dinabog ang pinto nito pasara. "Galit ka ba?!" "Obviously!" Kira sighed. Tumahimik na lamang siya. Nagagalit siguro ito sa malaking perang inutang niya. Kailangan niya itong maibalik agad. "I just found out that you don't have a personal bank account. You should open one for yourself so I can transfer your monthly allowance. Keep the card I gave you—you can use it to buy anything you need." Napatingin si Kira sa lalaki. "No, hindi mo kailangang gawin 'yon. Kakausapin ko ang parent—" "Enough. Bigyan mo 'ko ng katahimikan, kahit ilang oras lang." Kira rolled her eyes and leaned back against the seat. Umakto siyang isinasara ang bibig na parang may zipper. Palagi na lamang pinuputol ng lalaking ito ang mga sinasabi niya. Naiinis na talaga siya. Maigi na lamang at nakapag-shopping siya ngayong araw, kahit papaano ay mababawasan ang inis niya. Tuwang-tuwa si Kira nang makarating sa bahay at maiakyat sa kaniyang kuwarto ang mga pinamili. Matagal-tagal na rin mula nang huli siyang makapag-shopping. Kaunti pa nga ito kumpara sa kung paano siya mag-shopping noon tuwing nai-stress siya. Maya-maya ay naupo si Kira sa gilid ng kaniyang kama matapos maisukat ang ilang damit. Bigla ay may naisip siya. Hindi na-detect ni Lissandro ang mga bank accounts na meron siya sa pangalang Kira. Nananatili siyang kilala ng lalaki bilang Kiana. Hindi niya alam kung bakit, pero kung tama ang iniisip niya posibleng hindi alam ni Lissandro ang totoong pagkatao niya. Hindi kaya kagagawan din ito ng kaniyang mga magulang? Sinadya nilang ipakilala siya bilang Kiana na isang middle class na babae at hindi bilang Kira na anak ng isang Windsor? Napatango siya sa lalim ng iniisip. Is it possible that her parents are trying to make Lissandro believe she comes from a poor family, to see if he and Kira would fall for each other without the influence of family wealth and power? Is it their plan to play matchmaker and make them fall for each other? Natawa si Kira sa naiisip. Hanggang ngayon ay purong kalokohan pa rin ang mga magulang niya. Ngayon ay napagtanto niya na. Hahayaan niyang maniwala si Lissandro na isa siyang mahirap na babae at ipapakita niya sa kaniyang nga magulang na kahit anong gawin nila ay hinding-hindi siya magpapakasal at mahuhulog nalang basta-basta sa kahit sinong taong gusto nilang ipares sa kaniya. Tumayo siya. "Pero pa'no ko 'yon gagawin kung grabe ako mag-shopping kanina? Hindi kaya nakahalata na siya?" tanong niya sa sarili at kinagat ang ibabang labi. *** NAGKAKAPE sa balkonahe si Lissandro habang nakatingin sa malayo. Hindi niya maiwasang pumasok si Kira sa isip niya, lalo na sa mga inasal nito kanina. "What a gold-digger," wika niya, at napailing. Nakikita niya ngayon si Kira bilang isang babae na puro pera niya lamang ang gusto. Ngunit ano pa nga ba? Ito naman talaga ang dahilan kung bakit pumayag siya kay Fuego na magpakasal sa kaniya. Tila sanay na sanay itong mamili ng mamahaling gamit. Siguro ay dahil marami na itong lalaking naloko noon at nautong bilhan ng mamahaling mga gamit. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Humihop siya ng kape sa tasa. Palilipasin niya lamang ang ilang buwan sa oras na maipasa sa kaniya ang trono sa mafia world, at tuluyan niyang aalisin ang babae sa buhay niya. Naiirita siya rito. Maingay, puro pera ang iniisip, at kung kumilos ay parang inuutos-utusan siya. Wala pang kahit sino ang gumagawa nito sa kaniya. At ito pa lamang. Hindi niya lubos maisip kung bakit siya pa ang napili ni Fuego. Maganda si Kira—aminado naman siya doon. Siguro ito ang pangunahing dahilan. Ngunit ganon pa man, wala siyang pakialam. He only sees Kira as a paid wife. Bayarang asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD