TINUNGO ni Kira ang silid ng lalaki dahil may naisip siyang sabihin dito. Huminto siya sa tapat ng pinto ng silid. Malalim na bumuntong hininga habang nagdadalawang isip kung kakatok ba. Sa huli ay napagdesisyunan niya na lamang tuluyang kumatok.
"Lissandro?"
Walang tumugon sa loob. Kaya naman kumatok siya ulit at medyo nilakasan niya na ito.
Biglang bumukas ang pintuan at nagulat siya doon kaya naman napapitlag siya. Lumitaw si Lissandro na bahagya pang basa ng tubig ang buong katawan at nakatapis lamang ng tuwalya sa pang-ibaba.
"What do you want?" tanong nito nang nakalukot ang mukha. Palagi nalang lukot ang mukha nito sa tuwing makikita siya.
Hindi kaagad nakatugon si Kira. She couldn't stop herself from staring at Lissandro's masculine body, now bare and still glistening with water. Malapad ang balikat nito, droplets slowly tracing down his skin, following the lines of his well-defined torso. Minsan lang ma-attract si Kira sa katawan ng isang lalaki at masasabi niyang suwerteng nilalang itong si Lissandro at nabiyayaan ng magandang pangangatawan kahit pangit ang ugali nito.
"Titig ka nalang ba sa katawan ko or magsasalita ka?"
Napalunok si Kira ng laway. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa katawan ng lalaki nang marinig niyang magsalita ito. "K-kailangan ko ng cellphone, dahil nawala ang phone ko. Kailangan kong kontakin ang friends and relatives ko. They might be worried about me," tugon niya sa lalaki habang pilit iniiwas ang tingin.
"No, you can't have your phone."
"What?!" Napaharap si Kira, pero parang napaso rin agad dahil sa wet na wet nitong katawan, mabilis niyang iniwas ang tingin at kinagat ang ibaba niyang labi. "At bakit?!! Kung hindi mo 'ko bibilhan, uuwi ako sa 'min!" bulyaw niya, pero sa dulo ng hallway siya nakatingin, na para bang may ibang kausap doon.
Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Lissandro, sabay iling. "As if you can escape my men."
"Hindi mo 'ko prisoner dito ah!" Halos manginig sa galit si Kira, pero hindi pa rin siya lumilingon. Para siyang ewan, nakikipagbangayan pero sa gilid nakatingin, pilit iniiwas ang sarili sa presensya ng lalaki at sa katawan nito.
Bakit ba kasi ito nakahubad?
Syempre galing shower at kumatok-katok ka!
Napailing si Kira dahil kausap niya na ang sarili niya sa isip.
Kahit hindi siya tumitingin, ramdam na ramdam niya ang titig ni Lissandro, steady, intense, parang sinusukat ang bawat kilos niya.
"Kung wala ka nang sasabihin, you may go now," utos ng lalaki at umalis. Iniwan nitong nakabukas ang pintuan at bumalik sa bathroom.
Tumingin si Kira sa loob at doon niya lihim pinagmasdan ang katawan ng lalaki mula sa likuran habang naglalakad ito palayo.
Pinag-ekis niya ang mga braso sa dibdib. "Maganda lang katawan mo pero maliit ang utak mo," bulong niya, "Nakakainis!"
Padabog siyang bumalik sa kaniyang silid. Inip na inip na siya sa kuwarto niya.
Humiga siya sa kama at bigla ding naupo nang may maisip. "Sasama nalang ako sa kaniya kahit saan siya magpunta hanggang mainis siya sa 'kin at pabayaan akong umalis. Yes, tama 'yan, Kira. Iinisin ko nalang siya hanggang siya sa sumuko! Ha!" Ngumisi siya sa naisip at dali-daling nag-asikaso.
Nauna siyang pumasok sa loob ng sasakyan at doon naghintay. Alam niya na halos ang oras ng pag-alis nito idagdag pang naliligo ito kanina.
Maya-maya ay nakita niyang lumabas ng bahay si Lissandro at kaagad sumakay sa isang sasakyan nito.
Nagmamadaling bumaba si Kira sa kotse at binuksan ang pintuan ng sasakyan kung saan sumakay si Lissandro. Naupo siya sa tabi nito.
"What are you doing?" tanong ng lalaki.
"Sasama ako. Naiinip na 'ko sa bahay."
Hindi nagsalita si Lissandro. Pinagmasdan lamang siya.
"What?" iritableng tanong niya rito dahil sa titig sa kaniya.
"I already knew you were in my other car, kaya nga hindi 'yon ang ginamit ko," wika ni Lissandro at napahawak sa dulo ng ilong. "And then you still followed me here...?" saglit na napahinto, parang naghahanap ng tamang salita. "Hindi ba obvious na ayoko makasama ka? I'm avoiding you."
"Seriously? Let me remind you na ikaw nagpakasal sa 'kin at kahit saang sulok ng bahay magkikita at magkikita tayo dahil we're living on a same roof."
Lissandro shook his head in disbelief. Hindi na ito nakipagtalo pa sa kaniya at nagmaneho na lamang paalis.
"Saan tayo pupunta?"
Lissandro sighed. "Hindi mo ba talaga kayang tumahimik kahit isang segundo lang?"
"Hindi, kaya sagutin mo na 'ko."
Hindi tumugon ang lalaki. Palagi nalang siya nitong dinededma. Pinag-ekis niya ang mga braso sa dibdib at isinandal na lamang ang likuran sa backrest ng upuan. Maya-maya ay hindi niya namalayang nakatulog na siya.
Nang makita ni Lissandro na natutulog na siya ay nakahinga ito nang maluwag dahil sa wakas ay tatahimik ang mundo nito.
Tumunog ang cellphone ni Lissandro kaya naman agad nito iyong sinagot habang nagmamaneho gamit ang isang kamay at ang isa ay hawak ang cellphone malapit sa tenga.
"How's David's bride? I can't contact him. I'm worried about him," tanong ni Lissandro sa tauhan na si Fuego.
"Wala pa rin po kaming maayos na lead. It's complicated."
"What do you mean?"
"Paano po namin mahahanap ang bride nang hindi namin alam ang hitsura? He doesn't have any picture to show. Kaya inuna naming hanapin ang pangalan, It's Kira Windsor. Mahaba pa po itong proseso."
"I see, pakilusin mo nang mabilis ang mga tao. David needs to see his bride soon. This is the only way I can help him right now." Gustohin man ni Lissandro na tulungan nang personal si David ay hindi niya magawa dahil marami rin siyang trabaho at problemang inaasikaso sa ngayon, kaya naman ipinapaubaya niya ang lahat sa kaniyang mga tauhan.
"Mr. Moretti, hinihintay ka ng iyong papa sa casa kaya napatawag ako sa 'yo."
Kumunot ang noo ni Lissandro. Nagulat siya sa sinabi ni Fuego. "Nakauwi na siya ng Pinas?"
"Yes, and he wants to see you right now. Hinihintay ka niya."
"Alright, thanks." Kaagad niyang ibinaba ang tawag at mabilis na ikinambyo ang manibela pakaliwa. Halos mag-ingay ang mga gulong sa mabilis na kabig niya pakaliwa at pagkaskas ng mga gulong sa semento.
Napapaisip siya sa biglaang pagbalik ng ama sa Pilipinas gayong isang buwan higit pa ang expected niyang itatagal nito sa US gawa ng ilang transaksyon ng organisasyon. Napatingin siya sa nahihimbing na natutulog na si Kira. Nang makita niya ang babae ay nagkaroon siya ng ideya.
Nang iparada niya ang sasakyan ay sakto namang paggising ni Kira "Nasaan tayo?" tanong nito.
"'Wag ka nang maraming tanong. Bumaba ka."
Walang lakas si Kira makipagtalo kaya naman sumunod na lamang sa kaniya. Nagulat pa ang babae nang hawakan niyang bigla ang palad nito.
"Anong ginagawa mo?" tanong nito.
Hindi siya sumagot at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi niya binitawan ang palad ng babae hanggang makapasok sila sa casa.
Mabilis na iniwasan ni Lissandro ang isang suntok na kamuntik nang tumama sa kaniya. Hindi lamang iyon isa at nasundan pa hanggang sa sunod-sunod na siyang inataki ng lalaking nakaitim na sumalubong sa kaniya.
Binitawan niya ang palad ni Kira at itinulak ito palayo sa kaniya upang hindi matamaan.
Gulat na gulat si Kira sa nangyari. Natulala siya sa unang segundo, pero napasigaw sa takot nang makita si Lissandro na nakikipagbuno sa isang lalaking nakaitim.
Hindi iyon simpleng suntukan at sipa. Every move was precise, controlled, calculated. The man lunged forward, mabilis at agresibo, pero sinalubong iyon ni Lissandro ng isang malinis na sidestep, sabay hawak sa braso nito. In one swift motion, he twisted it, forcing the man off balance.
Napaatras si Kira, nanginginig, habang pinapanood ang eksena. Hindi malaman ang gagawin. Unang beses itong nakakita ng ganitong gulo at walang katao-tao sa paligid upang humingi ng tulong. Matinding pag-aalala para kay Lissandro ang naramdaman ni Kira.
The attacker recovered quickly, throwing a sharp punch aimed at Lissandro's jaw but he blocked it with ease. Mabilis ang galaw niya, parang sanay na sanay. A solid counter followed, a strike to the ribs that made the man grunt in pain.
Hindi pa doon natapos. The man tried to retaliate with a kick, pero nasalo iyon ni Lissandro, hinatak pababa, at tuluyang ibinagsak sa sahig. The impact echoed through the space.
Everything happened so fast.
Hindi na iyon mukhang ordinaryong away, this was trained combat. Every hit had purpose. Every movement, may technique.
"L-Lissandro..." Halos pabulong lang ang boses ni Kira, nanginginig sa tako. Iyon lang ang nagawa nitong banggitin.
In one swift movement, Lissandro closed the distance between them. Hinatak niya si Kira palapit sa kaniya, wrapping an arm tightly around her just as a sharp crash echoed above them.
Isang mabigat na babasaging bagay ang bumagsak mula sa ulunan ni Kira, eksaktong sa pwesto kung saan siya nakatayo kanina.
Napasinghap si Kira, nanlalaki ang mga mata habang kumakabog ang dibdib. Nanginginig ang buong katawan niya, halos mawalan ng lakas. Nanlambot ang mga tuhod.
She was so close to death.
Mas lalo niyang naramdaman ang higpit ng yakap ni Lissandro, his grip firm and protective, as if letting go wasn't an option.
"Are you okay?" mahinang tanong niya, halos pabulong, habang mas hinihigpitan ang yakap kay Kira nang maramdaman ang panginginig ng katawan nito. "You're safe."
Maingat siyang kumalas at walang pag-aalinlangang binuhat si Kira, saka marahang ibinaba sa sofa. Hinawakan niya ang palad ng babae, his touch firm yet gentle. Kahit naiinis siya rito, hindi niya mapigilang mag-alala, hindi niya rin maintindihan kung bakit. He had just saved her... without hesitation.
Biglang umalingawngaw ang isang mabagal pero malakas na palakpak sa buong silid.
Pareho silang napalingon.
Marahang bumaba ng hagdan ang ama ni Lissandro, patuloy sa pagpalakpak, may halong aliw ang ngiti sa mga labi nito. "You did a great job, Lissandro," wika ng ginoo, tila nanonood lang ng isang palabas. "Mabuti at hindi nagbago ang mga galaw mo." Bahagya itong huminto, saka ngumisi. "You've remained a good fighter."
Tumayo si Lissandro at tuluyang binitawan ang palad ni Kira. Tumigas ang ekspresyon niya habang humaharap sa ama. "Papa, you don't need to greet me that way. You almost killed my wife, Kiana!"
"Greet?" mahinang tanong ni Kira, nanginginig pa rin ang boses, litong nakatingin sa mag-ama.
Tinulungan ni Lissandro ang lalaking kanina'y kalaban. Maingat niyang itinayo ito at tinapik ang balikat. Batid niyang tauhan ito ng kaniyang ama.
"I just wanted to see how you'd react," mahinang paliwanag ng ginoo, may halong aliw sa tinig. "If I tried to kill your wife... would you save her or not? Knowing my son Lissandro... who doesn't care about anyone."
Lissandro shook his head and sighed, running a hand through his hair. "This... this is pointless," he muttered, his voice low but firm. "Papa, enough with the games. Kiana isn't a test."
"What are you guys talking about?! I almost killed! Ganoon ba talaga kayo magbatiang mag-ama?!" Hindi makapaniwala si Kira.