MATAPOS MAG-AYOS ni Kira ng sarili ay naupo muna siya saglit sa kama at nagmuni-muni. Halos hindi nakapagpahinga si Kira sa kanilang silid. Pagkatapos ng dinner ay ang pagtulog naman kasama si Lissandro sa iisang silid ang sunod na problema niya. Pinagsalikop niya ang nanlalamig na palad. Kinakabahan siya. Kaya nang kumatok si Maria makalipas ang ilang oras, halos mapatalon siya sa kama. “Ma’am, dinner is ready po.” Napalunok siya. “O-okay. I’ll be there.” Nagmamadali siyang humarap sa salamin kung ayos na ba ang ayos niya. Simple lamang ang suot niya dahil ayaw niyang maging over dressed. Paglabas niya ng silid, nadatnan niya si Lissandro na papalapit na mula sa hallway. Hindi niya alam kung saan ito galing pero umalis ito kanina at ngayon lamang bumalik. Siguro ay pinagpahi

