"Iisa lang si Kiara at Kira?" Tumango si Fuego sa sinabi ng isa mga mga tauhan niya. Maging sila ay naguluhan na sa mga nalalaman nila at nakukuhang data. "And this Kira is a Windsor, umalis siya sa mansion ng mga Windsor at nagtago sa pangalang Kiana, kaya ito ang data na mayroon tayo. Fantastic story," aniya at mahinang tumawa. Pinagmasdan niya ang mga picture na nasa ibabaw ng lamesa. "And she's the real bride of David?" Tumango si Fuego. "Nagkamali tayo ng nadukot, kaya hindi pupwedeng malaman ito ni Mr. Moretti, kung hindi ay lahat tayo mawawalan ng trabaho, or worst tayo mismo ang mawawala." "Fvck! This is a big mess, bro! Look, magkaibigan si David at si Mr. Moretti, magkikita at magkikita sila. Malalaman din ang totoong nangyari," wika ng isa pa at halatang-halata sa m

