bc

I Married My Ex

book_age18+
1.7K
FOLLOW
7.0K
READ
playboy
drama
tragedy
bold
childhood crush
friendship
sassy
virgin
gorgeous
seductive
like
intro-logo
Blurb

Mula sa pagiging magkaibigan ay nadevelop ang feelings ni Reymund at Ana sa isa't isa. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nagbago ang kanilang magandang pagtitinginan na naging dahilan ng kanilang hiwalayan. Matapos ang limang taon ay nagkita sila muli. Bumalik ang damdamin nila para sa isa't isa ngunit panibagong pagsubok uli ang kanilang kinaharap. Naaksidente si Reymund at nagka amnesia na naging dahilan para makalimutan nya ang lahat kay Ana na nang panahon na yun ay nagdadalang tao. Dahil sa ipinagbubuntis niya ay napilitan si Reymund na pakasalan siya.

-------

Ito ang ikalawang kuwento na isinulat ko. Sana ay magustuhan po ninyo ☺️

--------

This story contains s*x scenes, drug use and some inappropriate language. Please read at your own risk as a trigger warning will not be designated at each chapter.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Naglalakad pauwi galing eskwela ang magkakaibang sina Ana, Reymund, Suzet, Darwin, Marc at Dexter. Pare pareho silang edad kinse anyos at nasa iisang eskwelahan sila. Habang naglalakad napatingin si Ana kay Darwin na bitbit ang lahat ng gamit ni Suzet at parati pang nakaalalay dito. Napatingin din siya kay Reymund na panay ang pindot sa cellphone at para bang walang pakialam. Maya maya ay meron syang naisip. "Reymund ang sakit ng balikat ko dito oh!" sabi ni Ana na kunyari ay iniinda ang balikat. "San banda?" Tanong ni Reymund "Itong right shoulder ko, ang bigat kasi ng bag ko eh" sabi ni Ana "Talaga. Kawawa naman ang bestfriend ko" sabi ni Reymund sabay kuha ng bag nya at ipinatong sa kaliwang balikat ni Ana. "Oh ayan para pantay na" sabay tawa nito at nagtatakbo. "Walanghiya ka talaga Reymund bwisit ka" galit na galit na sigaw ni Ana habang hinahabol si Reymund. Nagtatawanan ang kanilang mga kaibigan. Si Ana at Reymund ay magkaibigang matalik. Bukod kay Suzet na bestfriend ni Ana, si Reymund ang madalas din nya kasama. Hanggang sa hindi nila namamalayan na unti unting nahuhulog ang loob nila sa isa't isa. May paliga ng basketball sa Baranggay at kasali ang mga kaibigan nyang lalake na sina Darwin, Dexter, Marc at Reymund. Si Suzet ang napiling muse. Habang nakaupo sa side court si Ana at naghihintay, tinawag ang team nila Reymund at lahat ay natulala sa maladiyosang ganda ni Suzet habang ito ay naglalakad. "Ang ganda talaga ng bestfriend ko!" Naisip nya kapag kasama nya ito halos lahat ng kalalakihan ay napapatingin dito na kahit ang mga kaibigan nilang lalake ay may paghanga din dito. Magkaibang magkaiba si Suzet at Ana kung si Suzet ay litaw na litaw ang ganda at babaeng babae tignan. si Ana naman ay kabaliktaran. Boyish. Gusto nya parating nakatali ang buhok nya o nakasumbrero. Pati sa pananamit ay ganun din mas gusto nya ang mga tshirt na maluluwag. Siguro ay dahil sa puro lalake ang mga kapatid nya at pati mga kaibigan ay pawang mga lalake din si Suzet lang ang tanging kaibigan nya na babae. Pero kahit ganun ay hindi din maitago ang angkin nyang ganda. Nang tapos na ipakilala ang team nila ay umupo si Suzet sa tabi ni Ana. Maya maya ay lumapit si Darwin at binigay ang jacket nya para pantakip sa mga hita ni Suzet. "Okay ka lang Zet sabi ko kasi huwag ka na pumayag mag muse eh tignan mo puro lalake dito" sabi ni Darwin na bakas ang pag aalala sa mukha. "Okay lang naman suporta ko na to sa inyo at nandito ka naman din" nakangiting sabi ni Suzet. "Basta huwag ka aalis jan. Huwag mo tatanggalin yang jacket" sabi ni Darwin. "Oo na sige na Darwin ako na bahala kay Suzet" sabi ni Ana sabay taboy kay Darwin. "Tignan mo bes ikaw yung pinakamagandang muse dito" sabi ni Ana sabay turo sa ibang muse na nandoon. "Bestfriend talaga kita noh" natatawang sabi ni Suzet. Natapos ang basketball ng gabing yun at nanalo ang team nila Darwin. Sabay sabay na umuwi ang magkakaibigan. Habang naglalakad napatingin si Ana kay Suzet na nakakapit sa braso ni Darwin. "Tingin ko may gusto si Darwin kay Suzet" sabi ni Ana kay Reymund. "Si Darwin?? Ngayon mo lang nahalata. Hindi lang basta gusto, in love na nga. At lahat naman may crush kay Suzet" sabi ni Reymund. "Bakit ikaw may crush ka din ba sa kanya" tanong ni Ana kay Reymund. "Nagagandahan ako kay Suzet pero iba yung crush ko mas maganda pa sa kanya" sabi ni Reymund na nangingiti. May crush na si Reymund? Sino kaya?? baka si Sofie o si Andrea o si Jeana. Eh mas maganda pa si Suzet sa mga iyon. Hindi nya maintindihan pero naiinis syang isipin na may crush na si Reymund. Isang araw napagkasunduan nilang magkakaibigan na manood sa live band na pupunta sa isang mall na malapit sa kanila. Mag geguest kasi ang isang sikat na boy band group doon at gusto nila itong makita. Hinihintay ni Ana si Suzet sa kwarto nito habang nagbibihis. Habang naghihintay ay kumakain sya ng chips. Nang iinom sya ng tubig ay hindi sinasadyang natapon ito sa damit nya. "Hala basang basa ang damit ko uuwi muna ko sa bahay magpapalit ako ng damit" sabi ni Ana na palabas na ng kwarto ni Suzet. "Ano ka ba huwag ka na umuwi gamitin mo na lang ang damit ko. Heto oh mamili ka dito sa cabinet ko" sabi ni Suzet sabay bukas sa cabinet nya "Ay ayoko ng mga damit mo masisikip sakin" pagtanggi ni Ana "Anong masikip eh mas malaki nga ko sayo kasyang kasya sakin hindi ka lang kasi sanay sa mga damit pambabae gusto mo parati mga damit na panlalake. Sa mga kuya mo pa yata mga sinusuot mo. Dalaga na tayo ngayon bes kaya dapat magpakababae ka na. Dali na mamili ka na lang dito anong oras na malamang naiinip na sila Darwin sa baba" sabi ni Suzet habang isa isang binibigay kay Ana ang mga damit nyang pagpipilian nito. Walang nagawa si Ana kundi sumunod kay Suzet. Pinili nya ang isang blouse at skirt na bulaklakin. Pagkasuot noon ay naisip ni Suzet na pahiran ng pressed powder at konting lipstick si Ana at plantsahin ang buhok nito. Nilagyan din nya ng clip ang gilid ng buhok ni Ana. "Wow Ana ang ganda mo talaga" tuwang tuwang sabi ni Suzet kay Ana. Napatingin si Ana sa salamin at nagandahan sya sa sarili nya. Naisip nya malamang magagandahan sa kanya si Reymund. Naexcite sya bigla sa naisip. Pagkalabas ng bahay habang naghihintay ang mga kaibigang lalake sa labas ng gate natulala na naman ang mga ito sa ganda ni Suzet. Maya maya ay napansin nila ang babae sa likod nya. "Sino sya Zet pinsan mo?" tanong ni Dexter. "Ano ka ba si Ana yan" sagot ni Suzet. "Ha si Ana ba yan?? tang*na Ana babae ka pala" sabi ni Dexter na namamangha sa ganda ni Ana "Ana bakit ka nagtransform"? Pang aasar ni Marc "Ewan ko sa inyo noh. Nabasa kasi yung damit ko kaya nanghiram ako kay Suzet ng damit" sabi ni Ana sabay tingin kay Reymund na nakatitig sa kanya. Habang naglalakad papunta sa mall. Panay ang papansin ng mga kalalakihan kila Suzet at Ana habang naglalakad. "Hi ms pwede makuha ang name mo sa sss add kita" sabi ng isang lalake kay Suzet. "Ikaw din Ms pakisulat dito ang name mo" sabi ng isang lalake kay Ana sabay abot ng papel at ballpen dito. Maya maya ay biglang sumigaw si Dexter sa likuran. "Tang*na nyong mga lamok kayo umalis kayo jan" sigaw ni Dexter sa mga lalake. "Umalis na kayo bubugbugin kayo nyan" natatawang sabi ni Suzet sa mga lalake. At maya maya ay nagsialisan ang mga ito. "Maya maya ay lumapit si Darwin kay Suzet. "Zet wag kasi kayo mauna maglakad. Kumapit ka lang sakin" sabi ni Darwin na kinapitan naman agad ni Suzet. Maya maya ay si Reymund naman ang lumapit kay Ana. "Ikaw din oh" sabay angkla ng braso nya. "Ano yan" sabi ni Ana. "Basta kumapit ka na lang gayahin mo Suzet" sabi ni Reymund "Pagkapit ni Ana sa braso ni Reymund ay parang nakuryente ang pakiramdam nya dito. Hindi nya maintindihan pero ang sarap ng pakiramdam nya. Nangingiti ngiti sya habang naglalakad. Pagkatapos magperform ng band group sa mall. Nagdesisyon silang magmeryenda muna sa food court bago umuwi. Nakaupo sina Suzet at Ana habang naghihintay sa mga kaibigan nilang lalake na umorder ng kanilang pagkain. Mga ilang minuto ay nakita sila ng mga schoolmate nilang sina Steve at Bryan. Lumapit si Steve kay Suzet at si Bryan kay Ana. Habang nakapila sina Reymund sa counter napansin nya si Ana na kausap si Bryan at nagtatawanan pa ang mga ito. Bigla syang nakaramdam ng pagkainis ng mga oras na yun kaya pinuntahan nya ang mga ito. Nakita din ito ni Darwin kaya dali dali din nyang pinuntahan si Suzet. "Zet lipat tayo dun oh mas malaki yung table" sabi ni Darwin kay Suzet sabay hawak sa kamay nito. "Halika dito Ana" sabay akbay naman ni Reymund sa balikat ni Ana. Bago makaalis ng tuluyan ay tinapunan muna ng masamang tingin ni Reymund si Bryan. "Namumuro na talaga tong mga abnoy na to eh may paglalagyan talaga yang mga yan" sabi ni Bryan kay Steve at nagtawanan sila. Pagkauwi ng bahay ni Ana ay tinignan nya ang itsura nya sa salamin naisip nya bigla na gusto na nya yung ganoong ayos. Naalala nya na parati syang kinukulit ng mama nya na magparebond ng buhok. Hinanap nya ito sa bahay. "Mama tignan mo itsura ko" nagmomodel pa sya sa harap ng mama nya at kuya pagkakita sa mga ito. "Mama sino ba yan?" pagbibiro ng kuya Ethan nya. "Wow ang aning ko dalagang dalaga na. Ang ganda mo anak bagay sayo ang ganyan. San ba galing yang damit mo?" Sabi ng mama nya na namamangha sa ganda nya. "Kay Suzet to ma pinahiram nya sakin. Gusto ko din ma ng ganito. Tska mama diba sabi mo paparebond mo buhok ko" sabi ni Ana sabay yakap sa mama nya. "Bakit? gusto mo na magparebond? matagal ko na nga sinasabi sayo yan ayw mo naman" "Gusto ko na ngayon ma" sabi ni Ana na tuwang tuwa. "Oh sige bukas pupunta tayo sa salon ni Mercy" "Naku lalong maiinlove sayo si Reymund nyan" panunukso ng kuya nya. Kinabukasan ay nagparebond nga ng buhok si Ana . Pinalitan din nya ang iba nyang mga damit at kumilos na kagaya ng isang ganap na dalaga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
70.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook