Chapter 37 "Babe, gising na. Meron tayong check-up ngayon." Napamulat ako bigla. Muntikan ko nang malimutan. "Tumawag ka na ba kay Pau?" Sabi ko gamit ang inaantok kong boses. Siya ulit ang magiging driver namin. At para hindi sila maghinala na. "Yes, Babe. Ang totoo papunta na siya." Napatingin naman ako sakaniya. Nakapagbihis na pala siya. Ang gwapo niya tingnan sa polo shirt niyang kulay maroon. Bakit lagi tong naka polo? "Ang gwapo mo, Jace." Ngumiti ako ng matamis. "Oo, alam ko Babe. Pero kailangan mo na po'ng maligo." Habang tinutulungan akong bumangon , pinatayo niya ako at niyakap. "Goodmorning sa baby natin pati nadin sa'yo Babe." "Paano 'pag walang baby?" Kuryoso kong tanong. "Edi gagawa agad tayo mamaya." Tumawa naman ako sa sinabi niya. Abnormal talaga 'to! "Ikaw talag

