Chapter 36 Magdadalawang araw na si Jace sa kwarto ko. Parang taong bahay siya na ayaw lumabas. Nagtataka sila kung bakit sa kwarto daw ako kumakain, lagi ko nalang sinasabi na. "Ayaw ko kayong kasama." "Nawawalan ako ng gana sa itsura n'yo." "Wala kayong pakialam. Edi kumain din kayo sa kwarto n'yo." Pero si Kim? Minsan ko na siyang nakikita na sumisilip sa kwarto mukhang hindi siya kumbinsido sa sinasabi ko o chismosa lang talaga siya? Naglalakad ako ngayon dala-dala ang tray ng pagkain mas lalong lumaki ang tyan ko, hindi ko alam kung bakit pero napapansin kong lagi nalang akong nagugutom tapos sobrang haba ng tulog ko. Hindi naman masyadong napapansin kasi malaking damit lagi ang suot ko. Naudlot ang pag-iisip ko ng magsalita ang bruha. "Alam kong may tinatago ka." Mataray niy

