Chapter 4

1021 Words
Chapter 4 Matapos naming kumain ni Jace hindi talaga dumating kahit anino ng kapatid nito. Kahit nga picture wala eh. Inindian kami hay naku!. Na iistress ako. Pero pwedi nadin nabusog ako eh. Masarap talaga pag libre. "Alam mo jace pangalawang araw ko pa lang ito pero naging close na agad ako sa inyo. Thank you ha?" Sabi ko ng naka ngiti. "Ano ka ba! wala 'yon." Grabeng ngiti. Kita pati dimple. Required bang ilabas ang dimple 'pag nakangiti? "So, p'weding mag tanong related ng personal?" Gusto ko kasing makilala siya ng husto. "Oo, pero 500 pesos kada tanong. Mahal akong interview'hin eh." "Ano?!Grabi ka naman. Magtatanong lang may bayad agad?Libre nga lang yung pagkain eh." Gulat na sabi ko. "Joke lang!" Tawang tawa siya sarili niyang biro. Nagpeace sign siya bago tumigil. "Sige, mag tanongan tayo. Gusto din naman kitang makilala ng husto?" "Engot. Sige since alam ku naman ang full name mo. magpakilala ka nalang kaya?" Tumango siya. Patuloy kami sa paglalakad sa hindi mainit na parti ng buhanginan. "I'm 25. 5'11 ang height. Graduate ng Bachelor of science in Business management. So, ako 'yong nagmamanage ngayon ng hotels namin dito sa boracay. Mama at papa ko ay nasa manila, do'n kasi talaga kami nakatira. Dalawa lang kami dito ng kapatid ko.Well, I love summer and will always love it because i met you." Kumindat siya. Ganun lang 'yon? Napa kurap ako sa huling sinabi niya habang naka hawak sa dibdib ko. Tumibok ng mabilis ang puso ko. Ano daw? Ha? Hakdog, hangin. "Ahmm." Wala akong maisip sabihin. Na speechless ako ampta. "Ikaw na." Sabi niya na parang wala lang sa kanya 'yon. "Natasha kiz Bermudez, I'm 24 . 5'9 . Graduated as Bachelor of Science in Accounting and ofcourse photography. Im actually from states pero minsan dito nalalagi sa pilipinas. Okay na ba 'yon? Nakatitig lng siya sakin hindi ko alam sa kong anung dahilan. Anyare? "Huyy! Ayos kalang?" Tanong ko. "Ang ganda mo. Ay este okay lang ako. Nasan ang mga magulang mo?" Hindi ako makapagsalita sa biglang tanong niya. Ayaw kong ishare,Hindi pa ako handa. "Ha?Hindi ko alam. Tara na nga." Hila-hila ko siya hawak ang kamay niya. Napatingin ako sa aking aming dinadaanan, bakit parang ang daming tumitingin sakin? Sobrang ganda ko naba talaga? Natatawa ako sa pinag iisip ko. Ohmygosh! parang huminto ang mundo ko ng narealize ko na...na narealize ko na hawak ko pala yung kamay niya shemmay naman! Napa bitaw ako agad kaya pala andaming tumitingin samin. "Sorry, Jace." Napayuko ako sa hiya. "Okay  lang, kisz. Kahit hawakan mo pa hanggang sa magsawa ka. Pweding-pwedi. Kahit ibigay ko pa sayo ang kanang kamay ko para hawakan mo lagi, ibibigay ko." Ang ggong to! Putulin ko kaya ang dalawa mong kamay? Napasimangot naman ako sa sinabi niya. Sino ba namang magbibigay ng isang kamay para lang hawakan lagi."Engot ka! Parang siyang-siya ka ah?" Ngumisi siya at hinawakan ako sa balikat."Tingnan mo, Kisz. Parang mangangain ng tao ang mga babaeng 'yon oh." Gamit ang isang daliri niya ay tinuro niya ang nagkukulpulang babae na naniningkit ang matang tumitingin sa'kin. b***h! "Happy kana n'yan? Kapag ako nasabunutan naku, naku! makaka tikim ka sakin." Pagbabanta ko. "Bakit ako? Ba't parang kasalanan ko? Kasalanan na bang maging gwapo ngayon? Ha?" Nagiinarte niyang sabi sakin. Kumunot ang kilay kong tumingin sa kaniya. "Eh ano ang pinalalabas mo?" Tiningnan ko siya ng malapitan sa mata at dahan-dahang humakbang. Napaatras niya ng konti dahil sa ginawa ko. "Wa-wala naman!" Pautal-utal niyang sagot Inihakbang ko uli ang isa kong paa sa mabuhanging parti  at biglang sumigaw. "BOOM! Hakdog." Tumawa ako ng malakas, nakita kong napatalon siya ng konti dahil sa gulat. Hanggang ngayon nakahawak padin siya sa dibdib niya. "Jace, nagulat ba kita?" Habang nakahawak ako tiyan sa kakatawa. Nakita kong namutla si Jace at hindi nagsasalita. Nakatulala lang  siyang tumingin deretso sa isang direksyon. Biglan kumabog ang dibdib ko dahil sa kaba. "Jace!" Niyogyog ko siya sa balikat balikat para matauhan siya pero hindi siya gumagalaw. Natataranta akong  napasabunot sa sarili kong buhok. "Jace, Jace!" Tawag ko sa kaniya. Napaiyak ako dahil sa sobrang kaba at pagsisisi. "Tulong! Manong, tulong po!" Sigaw ko habang umiiyak. Lumingon ako ng marinig kong tumawa si Jace. Pero pagkatingin ko ganon padin. "Tulong!" Sigaw ko ng nakapagpatawa ng totoo sa gonggong na to! Nagpapanggap lang pala. "Aray! Aray! Kisz, tama na!" Pinagpapalo ko siya sa braso dahil sa sobrang inis. Pinag alala niya ako ng husto. Kaya pala walang lumalapit para tumulong sa'kin. Tumawa siya ng tumawa habang umiilag sa mga hampas ko. Nakakainis! Nakakahiya, parang tanga ako kanina na umiiyak. "Nakakatawa ba?" Asik ko habang masama ang loob. Natigilan siya dahil sa sinabi ko. "Kisz, Sorry." Hinawakan niya ako sa kamay. "Sobrang nag alala ako, Jace. Akala ko totoo!" Madamdamin kong asik sa kaniya. "Sorry na. Hindi ko na uulitin. Joke lang naman 'yon eh. Umiyak ka kasi, ang cute mong tingnan." Pinisil niya ang kamay ko at ngumiti. "'Pag cute dapat ba gina'ganon?" "Hindi naman. Masaya lang ako na nag alala ka din sakin." Niyakap niya ako. Marahan ko siyang tinulak mula sa pagkakayakap."Hep! Kakakilala lang natin kahapon, hinahawakan mo na ang kamay ko? Tapos niyayakap mo pa ako? Chansing ka dre ah?" "Friends naman tayo ah?" P'wedi na palang maghawak kamay ang mag kaibigan ? "Oo nga! Ewan ko sa'yo." "Sorry kanina hindi ko na uulitin." Guilting-guilty yata siya.  "Okay na. Nilibre mo naman ako kanina eh. Aalis na ako ah? Sumasakit na ang paa ko." "Sige, mag ingat ah?'Wag kang lalabas 'pag gabi." Tumango ako at kumay na paalis. Pagkadating na pagkadating ko sa kwarto ay humiga agad ako sa kama. "Its a wonderful day." "Ang sakit ng paa ko." Sabi ko habang hilot-hilot ang kaliwa kong paa. Nabugbug yata sa kakalakad kanina. Naka tulogan ko ang p*******t ng paa. Nagising ako na Gabi na. Napuyat yata ako sa kaka lakad. Bigla nalang ako nangulila sa Mommy ko. Miss na miss ko na siya. Hindi ko manlang siya nakaka usap ng maayos dahil ayaw ng Daddy ko. Hindi ko alam pero hindi talaga ako gusto ng Daddy ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD