Chapter 3

1007 Words
Chapter 3  Sobrang init na ng sikat ng araw. Kailangan ko ng bumalik. Bumaba ako sa malaking bato at naglakad pabalik ng hotel na hawak ang camera ko. Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng may makita akong maliit na kung ano. "Wow! Ano to?" Hindi ko alam kong ano siya pero may shell siyang pabilog sa likod tsaka may dalawang sungay. Napamangha naman ako na naglalakad  ng gumalaw ito. "Saan ka pupunta munting insekto ha?" Ngumiti ako while pushing towards the beach. Makalipas ng ilang minuto ay nakapunta na ito sa tubig. "Parang ako yata ang napagod kanahintay sa'yo munting insekto." Pinahid ko ang pawis na tumulo mula sa noo. "Hohhh! Pinagpawisan ako dahil sayo." Tingin sa insekto na inaanod ng alon. Dumeretso na ako ng lakad habang tinitingnan ang mga litratong kuha ko kanina. "Ganda nito. Idedevelop ko 'to." Para akong tanga na kinakausap ang sarili ko. Simula high school palang ako ay naka hiligan ko ng kumuha ng mga litrato. Palagi akong napapasama sa mga contest.  Minsan natatalo, Minsan nanalo din. Pinasok talaga ako sa photography class para mahasa ang talento ko sa photograpiya. Maghahanap na sana ako ng makakainan ng makita ko si Joy na ngumingiti sa'kin. "Asha! Asha!" Nag sisigaw si joy sa kakatawag sakin. Lumapit ako sa kaniya at kumaway sa kaniya. Nandito na pala ako sa tapat ng hotel nila. "Bakit ka sumisigaw?" Natatawa kong sabi. Napakamot siya ng leeg at ngumisi. "Sa'n ka pupunta, Ash?" "Maghahanap ng makakainan. Sama ka? Wala akong kasama eh!" Nahihiya kong sabi sakaniya. Gusto kong may kasamang kumain. Nakakalungkot kasi 'pag ako lang, nag-iisa. "Sa amin ka nalang kaya sumabay? Total manananghalian na din kaming dalawa ni kuya. Tatawagin ko lang siya okay?" Tumango ako bago ngumiti. "Kuyaaaaa!" Napatakip ako ng tenga dahil sa boses niya. Bakit palagi nalang yata siyang sumisigaw. Hobby niya ba 'yon? Napatingin ako sa dagat habang naghihintay sa kanila. "Sana ganyan din kapayapa buhay ko. Sana masaya din kami." Nanubig ang mga mata ko habang sinasabi 'yon. Bakit ba kasi ganito. "Asha!" Tawag ni Joy. Dali dali kong pinunasan ang tumulong luha sa pisngi ko at lumingon sa kanila at ngumiti. "Tara?" Aya ko. "Umiyak ka ba, Asha?" Seryosong tanong ni Joy. "Hindi ah. Napuwing lang ako kasi biglang umihip ang hangin may mga buhanging lumipad napunta sa mata ko." Pagpapaliwanag ko sa kaniya. "Okay!" Napipilitang saad niya. Napakunot ang noo ko nang makita kong titig na titig sa'kin si Jace, bakit nakatitig siya sakin? Sobrang ganda ko ba talaga? charrot .Anong problema nito? "Sa'n tayo kakain, Joy?" Tanong ko. "Do'n tayo sa chicken wings stool. Masarap do'n promise." Sabi niya habang naka promise ang kamay. Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad ng biglang magsalita si Joy. "Hala! Naiihi ako bigla. Kuya! Ikaw muna amg bahala kay Asha ah? Sandali lang ako." Sinundan ko siya ng tingin. "Sige, dalian mo ah? Sinasabi ko sa'yo!" Sagot ni Jace sakaniya. "Okay, Kuya." Lumingon siya at kumindat  saka ngumiti sa'min. "Ang cute niya." Komento ko. "Syempre mana sakin eh." Habang naka pogi sign pa. Pinagtawanan ko siya. "Amfeeling. Parang wala naman sa itsura mo." Biro ko. "Patingin nga!" Hinawakan ko ang baba niya at masinsinang tiningnan ang mukha nito. Napansin kong namula siya at  umiwas tingin. " 'Wag ka ngang ganyan." Tumawa ako sa mukha niya. "Uyyyyy... Namumula ka, Jace." Kiniliti ko siya sa tagiliran. "Wala naman ah?" Tinabunan niya ang mukha niya na mas lalong nakapag pangiti sakin. "Kitang-kita ko kaya." "Tumahimik ka nga! Nandito na tayo oh?" Turo niya. Ito na nga. Pumasok kaming tahimik sa loob at nag hanap ng mauupuan. "Ako nalang mag order d'yan kalang." Sabi niya at tumalikod na papuntang counter. Umupo ako sa isang kawayang bangko. Binuksan ko nalang ang camera ko habang wala pa siya. Naisipan kong kunan ng litrato ang buong resto. Maganda at artistic ang pagkakagawa. Lahat ng gamit ay gawa sa kawayan at kinulayan para mas maging attractive. Hango yata sa bahay kubo ito. Maaliwalas at mahangin kaya hindi na kailangan ng aircon. Maganda pa sa sementadong mga gusali. At hindi pa magastos. Nakita kong paparating na si jace dala yung napaka daming order. Tinawag ko siya. "Jace!" Sigaw ko. Ngumiti ako ng kinunan ko siya ng litrato habang dala ang pagkain. "Isa pa ngumiti ka." "Ang ganda ng kuha. Isesend ko nalang sa'yo, Okay?" Tumango siya at nilapag lahat ng pagkain sa mesa namin. "Naka hiligan mo nang kunan ako ng picture ha?Baka pagpantasyahan mo 'yan gabi-gabi." Tumawa siya ng napakalas . "Ay langya! kung pagpapantasyahan lang naman ang dami ko doong litrato ng mga gwapo, Jace.'Wag kang mag alala." Malakas kong sabi. Marami na kasi akong nakuhanan ng mga litrato noon. Ikaw ba naman ang maging photographer ng pageant for men. Bigla siyang napasimangot at nagsimulang ayosin ang mga pagkain. "Teka! bakit wala pa si Joy?" Nagtataka kong tanong habang hinahanap siya sa labas. "Hindi na 'yon pupunta dito. Napagtripan yata tayo. Hayaan mo siya kumain na tayo." Napabuntong hininga ako bago naglagay ng kanin sa pinggan ko. "Salamat sa pagkain. Amen." Sabi ko at nag simula ng lumamon. Madami-dami na ang kinain ko ng mapansin kong huminto si Jace sumubo. "Bakit?" Tanong ko "Puwedi bang hinay-hinay lang? Hindi naman mawawala ang pagkain, Kisz." Napatanga ako. Sobrang takaw ko ba talaga? Hindi naman ah? "Sobrang sarap kasi Jace. Bawal bang masarapan?" Maamo kong sabi. "Hindi naman, Kisz. Tingnan mo oh? Pati pisngi mo may kanin." Para siyang tatay na nagagalit 'pag may masamang ginawa ang anak. "Oo na. Dadahan-dahanin ko na po." Malumanay at malambing kong sabi. Andami ko ng naubos na chicken wings. Iba-iba kasi ang flavor, may maanghang, matamis at sakto lang. Ginanahan akong kumain. Parang patay gutom yata talaga ang itsura ko kanina. Dumighay ko ng malakas sabay himas ng tiyan ko. "Busog na busog ako." Sabi ko. Napatitig si Jace sa'kin. Actually kanina pa siya tapos. Ako nalang ang hinihintay niya. "Ewan ko nalang talaga sa'yo, Kisz." Umiling-iling siya sa'kin na parang hindi kapani-paniwala. A/N: Any reaction? Comment lang kayo. Sana matakaw din ako:< charrot Haha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD