Chapter 2

1209 Words
Chapter 2 "Waahhhhhhhhh.." Literal akong sumigaw mula sa pagkakahiga sa malambot at mabango kong kama. Gumising na naman akong maganda. Ngumiti ako at nag unat-unat para maehersisyo  ko ang mga kasu-kasuan kong natutulog. Tumayo ako habang humihikab. Nagpunta akong cr para mag mumog. Pagkatapos ay ngumiti ako at kumata sa harap ng salamin. "When I see you smile, I can face the world whooahh.. You know that i can do anything." Hindi ko alam kong bakit sobrang saya ko ngayon. 'Yong dapat ay magsusuklay ako, ginawa ko itong mikropono at kumanta ulit. Kitang kita sa salamin ang facial expression ko. Baka singerist talaga ako? "When I see you smile , I see a ray of light whoahh I see it shining through the rain. When i see you smile at me..." Umiling-iling ako habang pinipigilan ang ngiti dahil sa pinagagawa ko. Ako pa yata ang natatawa sa sarili ko. Mukang tangekks ako neto. Nagtoothbrush na ako pagkatapos ng walanghiya kong ginawa. Bigla akong napatitig ng matagal sa malinis na salamin. Tumibok ng husto ang puso ko habang nanlalaki ang mga mata ko sa nakikita, nangiginig pati  ang kalamnan ko. Grrrrrrr! Ano 'to? "Bakit sobrang ganda ko?" Ngumiti ako sa salamin at tiningnan kung gaano ka perpekto ang ngipin ko. Lumabas na ako ng Cr dahil gutom na ako. Naisipan kong magparoom service nalang total. Hindi pa naman ako naliligo. Tumawag ako sa front desk para magparoom service. "Hello. Goodmorning. Magpaparoom service sana ako." Magalang na sabi ko. Sinabi ko sa kaniyan kong ano ang oorderin ko pati nadin ang inumin ko. "2nd floor. Room 30. Yes. Yes. Thank you." Binaba ko na ang tawag at humiga sa malambot kong kama. Ang ganda ng kwarto ko. Ang ganda ng ambiance lalo na't malapit ito sa dagat. Sky blue ang kulay ng kwarto. Mukhang inspired ito sa kulay ng karagatan. Nakarinig ako ng isang marahang katok sa pintuan. "Ma'am, ito na po ang pagkain n'yo." Sabi ng manong bellboy gamit ang malaki niyang boses. Teka! Pamilyar sa'kin ang boses niya ah? Dahan-dahan kong binuksan ang pinto para ipasok ang pagkain. "Jace?!" Nagtaka akong makita siyang tulak-tulak ang cart na may pagkain. Ngumisi siya kaya napataas ang kilay ko sa kaniya. Hindi ako makapaniwala. "Bakit ikaw ang deliver nito? Ganun mo agad ako ka miss?" Pagbibiro ko sa kaniya. "Naramdaman ko kasing namimiss daw ako ni Kisz kaya ako na mismo ang nagdala ng pagkain niya." Sabay niyang itinaas-taas ang kilay sakin. Ako pa talaga?Naku. Naku! Itininaas ko ang kamay kong naka approve sign pantay sa mukha niya. "Okay na? Satisfied? Gumagawa ka ng storya eh." Tumawa siya sakin at napairap naman ako sakaniya, saka ko siya iginiya sa loob. "Diyan mo na ilagay, Jace." Turo ko sa maliit na kahoy na mesa. Nilagay niya ng maayos ang pagkain habang ako ay nakatunganga sa ginagawa niya. Kailangan pa ba 'yan? "So, bakit ikaw ang nagdala niyan?" Nakapa meywang kong tanong "Ah..kasi," Napakamot muna siya ng ulo bago nagsalita ulit. "Nagsakit kasi ang bellboy namin sa floor na ito, Kaya ako muna ang gumawa ng trabaho niya. Okay ba?" Ngumiti pa siya na halos kita ang dalawa niyang dimple. "Bellboy n'yo? N'yo? Sa inyo 'tong hotel na 'to?" Naguguluhan kong tanong. Bakit ba mukhang interesado ako? "Oo, kis. Nagulat ba kita? Tumango ako at lumapit sa pagkain ko. "Sige na. Shooo..shooo. kakain na ako." Tinulak ko siya hanggang sa pinto. "Aalis na ako. Tumawag kalang pag may kailangan ka." Ngumiti na siya at tumalikod dala ang cart niya. Tinanaw ko muna siya paalis hanggang sa sumakay siya sa elevator. Umupo na ako para kumain. Kinuhanan ko muna ng litrato gamit ang Cannon camera ko. Nakahiligan ko na ang pagkuha ng litrato kahit ano mang bagay at isa ito sa mga pinakagusto kong ginagawa. Inubos ko lahat ng pagkain. Walang kahit isang piraso ng manok ang natira. Busog na busog ako. Naglakad ako papunta sa veranda para tingnan ang magagandang tanawin. Nilibot ko ang tingin ko. Maraming puno ng niyog. Nahagip ng mata ko ang kapatid ni Jace na nakasakay sa swan na salbida na nakalutang sa pool. Nagbabasa siya ng libro  kaya habang nakahiga. Kinawayan ko siya mula dito sa veranda ko. Hindi niya ako nakita kaya sumigaw ako. "Joyyyyyy.." sigaw ko habang natatawa. Nakita kong nilibot niya ang tingin niya para hanapin kung saan nangaling ang boses. "Joyyyy.." Sigaw ko ulit. Nakita na niya ako kaya kumaway siya sakin at ngumiti. Kumaway ako pabalik. "Ang aga-aga niya naman sa pool." Pumasok na ako sa loob ng marinig kong nag ring ang telepono ko. "I got this fresh eyes, i never seen this before like you...-" Hindi na ako nag abala na tingnan ang telepono kung sino ang tumawag kahit panay ring nito. Iisa lang naman ang laging tumatawag sa'kin at alam na alam ko na kong ano nanaman gusto ng Dad ko. Dahil sa kagustuhan kong maging masaya ang bakasiyon ko ay kinuha ko ang simcard ng phone ko at itinago. Dala-dala ang cannon camera ko habang namamasiyal ay kumukuha ako ng mga litrato ng mga tanawin. Dagat, mga batang naglalaro at mga pamilihan ngunit natigilan ako ng makita kong masayang nagtawanan ang isang buong pamilya mula sa lola at lolo hanggang sa apo habang kumakain sa restaurant na malapit sa dalampasigan. "Sana ganyan din kami ni Mommy." Tumalikod ako at deretsong naglakad dahil sa insecurity ko. Hindi ko na napansin na nasa katapusan na pala ako ng resort na ito. Nakita ko ang naglalakihang bato kaya naisipan kong akyatin ito. Nasa kalagitnaan palang ako ng pag-akyat sa bato ay bigla akong nadulas sa hindi alam na kadahilanan, paunti-unti ay parang naging mabagal ang pagbagsak ko. Napapikit ako sa sobrang kaba baka mapano ako ng maramdaman kong tumama ang likod ko sa isang matigas pero hindi masakit. Pa isa-isa kong minulat ang mata ko para tingnan. Hindi 'to bato. Sinalo ako ni.... Jace. "Bakit kaba kasi umakyat dun?" Asik niya agad sakin. Pinatayo niya ako at inayos ko ang damit ko. "Bakit ka nandito?sinusundan mo ba ako?" "Oo mula ng kumukuha ka ng litrato, Kis. Hanggang sa natigilan ka at naglakad ka palayo na parang batang nagmamaktol." Paliwanag niya sa'kin na parang pinapagalitan ako. "You better go back, Jace. I wanna be alone." Kalmado kong sabi habang nakayuko. "Bakit kailangan mo pang mag isa eh andito naman ako." Turo niya sa sarili. Kakakilala palang namin pero kung makaasta kaming dalawa parang matagal na kaming nagkakilala. "I don't want anyone." I said calmly. "Ikaw na nga sinalo,Ikaw pa maldita." Pabulong niyang sabi na nadidinig ko naman. "Ano sabi mo?" Kahit narinig ko naman talaga. "Wala. Salamat sa pag salo ah?"  Sarcastic niyang pagkakasabi. Bago naglakad palayo. "Walang ano man, Jace." Tumawa ako sakaniya. Kinunan ko siya ng litrato habang nakatalikod. "Wow ang gwapo parin." patingin ko sa unang kuha. Ng hindi pa siya nakakalayo ay tinawag ko siya. "JAAACCEEE." Napalingon siya kaya. Ngumiti ako. Ang saya niya tingan, matangkad , sakto lang ang katawan bagay sakanya ang bohemian polo niya. Napaka ideal niya. Maputi, matangos ang ilong at maganda ang mga mata. Kaya hindi talaga makaka ila na minsang may mga babaeng titingin sa kanya. "You're making me happy, Jace." Habang naka tingin sa litrato niya. Sana makilala pa kita ng mas matagal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD