Ilang araw na ang lumipas at hindi pa rin nawawala sa isip ko yung letter. Ewan ko ba bakit ang lakas ng impact saakin non. Aalamin ko na lang yun sa ibang araw.
Day off ko kasi ngayon eh. Napagkasunduan namin ni Sir Raze na every weekend na lang qng day off ko. It's either Saturday or Sunday.
Nandito naman sa kwarto ko si Luke. As usual nanggugulo.
"Wala kang pasok?" Tanong niya.
Nakahiga naman ako sa kama dahil tinatamad akong tumayo.
"Ano sa tingin mo?" Nagiisip pa talaga siya.
"Meron? Wala? Malay ko!" Sus!
"Hihilata ba ako dito kung meron? Edi wala akong pasok!"
Minsan minamana talaga ni Luke ang pagiging tanga ko eh.
"Bakit tulala ka kanina pa?" Hindi lang naman ako kanina pa tulala.
Nung isang araw pa yan. Simula nung mabasa ko yung letter. Ano kayang meron sa letter na yun?
Taray diba! Pati yun pinoproblema ko pa.
"Wala naman. May nasagap kasi akong chismis tungkol sa boss ko." Kumunot naman ang noo ni Luke. Umupo na ako sa tabi niya.
"Pati yun problema mo?" Ewan ko nga ba!
"Hindi naman. Slight lang."
"Ano ba yun?" Tanong niya ulit.
"Basta it's none of your business." Nagulat naman siya sinabi ko.
"Wow ah!" Inggit lang yan.
"Nakuha ko yun kay Sir yun kasi palagi niyang sinasabi pagtinatanong ko siya."
Sinamaan niya ako ng tingin at hinagisan ng unan sa mukha.
"Gaya-gaya!" Sigaw niya saakin.
Hinagisan ko din siya ng unan. Yung malakas na malakas na pagbato.
"Ano pq bang aasahan mo saakin?" Hindi pa ba siya sanay saakin?
Dahil wala din namang magandang gagawin dito si Luke. Pinaalis ko na muna at naalala niya din kasi na may trabaho siya. Oh diba! Ang tanga!
Since sikat na sikat nga sila Sir Raze dito sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Nag try akong mag search tungkol sa kompanya nila.
Number 1 yung perfume line nila sa buong Pilipinas. Wow! Kabilang din sila sa mga pinakamayaman dito sa buong Pilipinas.
Puro achievements ng kompanya nila yung nababasa ko.
Walang nakalagay na family background. Sayang! Napaka-private naman nilang tao. Kung ako siguro, ilalagay ko pati paborito kong unan, kumot, damit, pagkain at marami pang iba.
Para kapag birthday ko, edi magugulat na lang ako may regalo na akong pagkarami-rami. Kaso hindi naman yun magkakatotoo no. Alam niyo naman sigurong ambisyosa ako.
Nag-aya ng kumain sila Mama ng tanghalian at habang kumakain kami, hindi ko maiwasang hindi i-share sa parents ko yung nalaman ko kay Sir Raze.
"Ma, Pa. May chika is me." Sabay naman silang tumingin saakin.
"Ano yun?" Dahil nga mag-asawa sila. Sabay din silang nagtanong.
"Si Sir Raze, yung boss ko po." Tinignan nila ako ng may halong pagtataka.
"Oh? Ano namang kinalaman namin doon?" Tanong ni Mama.
"May nakuta po akong letter. May sumira daw po sa buhay niya." Binaba naman ni Papa yung tasa ng kape na iniinom niya kanina.
"Anak, ganito." Umupo ako ng maayos at nakinug kay Papa.
"Try mong huwag manghimasok sa buhay ng may buhay. Masisisanti ka lang sa ginagawa mo eh." Ayy!!
Akala ko naman may ipapayo siya kung anong dapat kung gawin para malaman kung sino yung kaaway ni Sir Raze.
"Tama ang Papa mo." Pagsasang-ayon ni Mama dito kay Papa.
"Basta magiimbestiga ako!" Pinitik naman ng kapatid ko ang kamay ko na nakataas. Ang sakit ah!
"Ate, Di ka naman NBI. Secretary ka. Incase na nakalimutan mo."
Itong kapatid ko talaga kahit kailan! Katapos kong kumain, napagpasyahan kong linisin ang buong kwarto ko.
Hindi naman siya madumi pero syempre kailangan ko pa ding linisin. Ang turo saakin ni Mama, dapat palaging malinis ang mga gamit ko, ang paligid ko, ang loob ng bag ko, at lahat lahat ng mga bagay.
Ang sabi niya din, kung babae ka matuto kang maglinis. Dapat malinis ka sa lahat.
Nag ring naman ang phone ko.
Syempre yung pangalawang epal sa buhay ko. Sino pa ba? Edi yung boss ko tumatawag.
"Hello Sir?"
[Go to the Company]
"Sir, day off ko po."
[Sinong boss mo?]
"Ikaw po."
[Then go to my Company now! I need those documents for my report. Nasa loob ng office ko sa may table]
"Istorbo po ah!"
[Kukunin mo ba o-]
"Kukunin na nga po eh. Pero diba po pwedeng iba na lang po ang kumuha?"
[Ikaw ang secretary ko diba?]
"Yes Sir! Maliban na lang po kung tanggalin niyo ako."
[Matatanggal ka talaga kapag di mo kinuha yun!]
"Si Sir naman, hindi na mabiro. Ito na po. Kukunin na."
[I'll text you the address kung saan mo yan dadalhin]
"Okay po! Bye!!"
Nagbihis na muna ako kahit labag sa kalooban ko. Inis na inis akong nagpalit ng damit. Istorbo! Day off ko eh!
Katapos kong magbihis, nakatanggap ako ng text galing kay Sir.
From: Sir Sungit
Faster! Your time is running out!
-end
Pati ba naman sa text? Si Sir talaga! Lumabas na ako ng kwarto ko.
"Ma, Pa. Alis po ako." Tinignan naman nila ang suot ko.
"San punta mo?" Tanong ni Papa.
"Si Sir Raze po may inuutos."
Wala naman akong magagawa. Kung tatanggi man ako, sisanti ako.
"Diba day off mo?" Tanong nila.
"Opo Pa. Aalis na po ako. Baka naguusok na yung ilong ni Sir Raze sa galit."
Nakakainis! Nakakainis talaga! Hindi man lang marunong rumespeto si Sir Raze. Respeto naman oh! Day off nung tao! Nasaan ba kasi siya at bakit hindi na lang siya ang kumuha?
Nagvibrate ang phone ko at malamang sinend na saakin ni Sir yung address.
Habang naglalakad ako may humarang saaking kotse. Binukas nito ang bintana ng kotse.
"Papatayin mo ba ako?" Nakita kong si Luke ang nagdadrive. Di mag ingat!
"Sakay! Sigaw nito.
Dali-dali akong sumakay sa shotgun seat.
"Sorry na. San ba kasi punta mo?" Inayos ko muna ang buhok ko dahil nga na-stress ako kanina.
"Company. May inutos si Sir." Saglit niya akong tinapunan ng tingin pero binalik niya din ito sa daan.
"Bakit hindi sa iba? Day off mo eh."
Nag-echo naman yung sinabi saakin ni Sir kanina. Na kesyo secretary niya daw ako.
"Kasi nga secretary niya daw ako." Anong laban ko doon? Eh boss siya? Maganda lang ako.
"Pumayag ka naman?" Tanong niya.
Kung hindi ako pumayag malamang wala na akong papasukang trabaho bukas. Yun pa!
"Wala naman akong choice."
Nakadating na din kami sa kompanya nung boss kong panay ang utos.
"Hintayin kita dito." Luh! Masyado naman siyang mabait.
"Wag na! Kaya ko na!"
"Sure ka?"
Hindi eh. Di ko naman alam kung saan banda yung sinend na address ni Sir.
"Oo! Sige na!" Pagsisinungaling ko.
"Sige!"
Agad na akong pumasok sa loob. Buti na lang at may iba pang empleyado na pumapasok dito. Sabagay, hindi naman saaby-sabay day off naming lahat.
Bakit kasi wala sa opisina si Sir?
Buti na lang at meron akong susi ng opisina niya. Hindi ako nahirapan. Kinuha ko lahat ng mga papel dito sa office niya tsaka na ako umalis ng mabilis na mabilis.
Para makapagpahinga ako kaagad, sumakay na lang ako ng taxi. Gagastusin ko na muna yung ipon ko. Para mabilis akong makauwi.
Nakauwi din sa wakas!!! Makakapagpahinga na ako. Hindi pa ako nakakahiga sa kama ko na malambot, nag ring na naman yung phone ko.
"Sir, nakuha ko na po."
[Then, give it to me. Where are you now?]
"Bahay po."
[WHAT?! UMUWI KA? ANONG SINABI KO SAYO KANINA?!]
"Eh hindi po ako familliar sa address."
[Pwede ka naman kasing magtanong! Siguro naman may map diyan sa phone mo, diba? Pwede mo din naman yun gamitin!]
"Malay ko po ba."
[Fine! Ako na gagawa ng paraan!]
"Bye Sir!"
Istorbo naman! Edi siya na gumawa ng paraan. Humiga na ako ng maayos sa kama at nagtaklob ng kumot.
Ipipikit ko pa lang sana yung mata ko kaso kumalabog yung pintuan ko.
"Anak, may bisita ka!" Sigaw ni Mama habang kinakatok katok ang pintuan.
"Sino daw po?" Nakakawalang gana makipagkwentuhan sa bisita ko.
"Boss mo daw!"
Teka! Tama ba ang narinig ko? Anak ng Pating! Boss ko nga ba?
"Ano po Ma? Pakiulit nga!" Baka mamaya pandinig ko lang yun.
"Boss mo nga! Raze Adler Montereal!"