"Sino nagsabing pakialaman mo yan?"
Hala! Lagot na!
Agad kong binaba ang litrato sa lamesa.
"Hi Sir! Huh? Hindi ko naman po pinakialaman." Dali-dali siyang lumapit saakin.
Kitang kita ko kung gaano siya kagalit saakin.
"That's mine!" Sigaw pa nito.
Nakakatakot siya ahh.
"Hindi ko naman po inaagaw."
Kinuha niya ang litrato at tinignan yun. Muli na naman niya akong tinignan pagkatapos niyang makita ang litratong hawak ko kanina.
"Next time wag kang mangingialam ng mga gamit ko. I told you to clean my office. That's all you need to do here! Wala ka ng papakialaman!"
Hala! Mas lalo siyang nagagalit.
"Ano po bang meron sa picture na yun? Bakit parang napaka-big deal po sainyo kapag may nakakitang iba?" Tanong ko dahil nga chismosa ako.
"It's none of your business." Ay taray!
May pa business pa siyang nalalaman.
"Share niyo naman po." Pangungulit ko pa.
"Were not friends." So kapag nagshe-share ng story dapat friends kayo?
May ganon bang rules? Baka sakaniya ganon yun.
"Edi let's be friends po." Pwede naman kasing gawan ng paraan diba?
Buti na lang napakatalino ko talaga at naisip ko yun.
"Your not funny!" Sungit nito!
Wala naman kasi talagang nakakatawa sa sinabi ko eh.
"I'm not funny, I'm your secretary."
Eh totoo naman kasi. Bakit ba ang daming nagsasabing funny ako. Pero buti na lang si Sir sinabihan akong hindi nakakatawa.
Ang dapat kong gawin ngayon eh asarin si Sir Raze. Since wala na din naman kami masyadong ginagawa.
"Sir, girlfriend niyo pi ba yung nasa picture? Uyyyy! Si Sir! Pumapagibig!!! Akala ko bang wala kayong time para doon?"
Itong si Sir talaga ang hilig manloko. Lokohin ba naman ang Lolo niya kanina na wala siyang time sa love. Baka tinatago niya lang yung relasyon niya doon sa babae.
Oo tama nga!
Mahilig palang magtago ng sikreto si Sir Raze.
"Hala! Isusumbong po kita sa Lolo mo Sir. Lagot ka kapag nalaman po na may girlfriend ka."
Inis niya naman akong tinignan.
"I'm scared." Sarkastiko niyang sabi.
"Susumbong po talaga kita."
Pananakot ko sakaniya.
Parang hindi naman effective eh.
"Are you sure that she's my girlfriend?" Tanong ni Sir saakin.
Ano naman klaseng tanong yan? Syempre Oo!
Kahit hindi sila magakbayan o maghalikan sa picture alam ko na girlfriend niya yun.
Iba kasi yung ngiti doon ni Sir Raze. Yung ngiting inlove! Alam niyo yun? Yung once na tinignan mo lang sa mata yung tao alam na alam mo ng inlove siya.
Yung ngiting abot hanggang langit. Yung pati ikaw mapapangiti kapag nasilayan mo yung ngiti niya.
Ganon yung feeling kapag may nakita kang taong inlove na inlove.
"I'm very very sure Sir. Ako pa! Wala pa po akong naging maling sagot. Knowing that I'm a Suma Cumlaude graduate. Sisiw sakin yan!" Oh diba! Hindi naman sa mayabang ako.
Sabi nga ni Demi Lovato, what's wrong in being confident? Eh sa confident lang naman ako na magaling akong mangilatis. That's me! That's Liana!
"Ang yabang!"
Ako daw mayabang? Hindi kaya! Sinasabi ko lang naman. Dapat mo din namang ipagmalaki ang mga achievements mo diba? Kaya ganon lang naman ang ginagawa ko.
Lumipas na ang maraming-maraming taon. Dis-oras na ng gabi at nandito pa din ako sa kompanya. Ayaw akong pauwiin ni Sir.
Baka kasi mamiss niya ako kaagad. Baka hindi niya masilayan ulit ang kagandahan ko.
Uwing uwi na nga ako eh. Yung ibang mga empleyado nakauwi na. Ako na nga lang yata yung nandito.
"Sasabihin ko sayo lahat ng ayaw ko at panigurado lahat ng iyon ay nasa iyo."
Ang over talaga ni Sir Raze saakin. Kung hindi ko lang siya boss malamang eh kanina pa yan namatay.
Hindi na ako nagsalita pa dahil baka mamaya ay hindi na ako makauwi.
"Una, ayaw ko ng epal."
Epal ba ako? Hindi naman ah. Sakto lang naman.
"Pangalawa, makapal ang mukha."
Hala! Buti na lang manipis lang mukha ko. Pero paminsan-minsan syempre kumakapal din ito.
"Pangatlo, ayaw ko ng palaging nale-late sa pagpasok."
Pero pag siya yung na-late eh okay lang? Nasaan ang hustisya?!
"Pang-apat, ayaw ko ng tanga."
Buti na lang hindi ako tanga no? Buti na lang talaga.
"Panglima, ayaw ko sayo."
Dalawang beses akong nagpabalik balik ng tingin kay Sir Raze.
"Ang sama!" Singhal ko. Tinaasan niya naman ako ng kilay.
"Kung ayaw niyo po saakin, edi ayaw ko din po sainyo."
Edi pareho kami ni Sir. Ayaw namin sa isa't isa. Edi maganda!
"Ano pang ginagawa mo dito? Since ayaw mo ako mas mabuti ng sisantihin na lang kita."
Agad naman akong nagulat sa mga pinagsasabi niya. Syempre iiral na naman ang pagkaplastik ko.
"Luhh! Sir naman. Hindi naman po kayo mabiro. Syempre po gusto kita. Ang gwapo niyo po kaya. Mabait. Matangkad. Matalino. San ka pa?"
Mas lalo niya akong sinamaan ng tingin.
"Ang plastik mo!" Ayy? Halata ba?
Parang hindi naman eh.
"Edi gayahin niyo po ako Sir. Sabi ko naman po sainyo eh mag plastikan na lang po tayo. Yun ang magandang gawin."
Ang sarap talagang tusukin ng tinidor o stick yang mata ni Sir nang matigil kakairap.
Tatanggalin ko din yang kilay niya para hindi niya na mataas.
"Umuwi ka na nga! Wala ka namang nagagawang maayos dito!" Kung ipagtabuyan nga naman ako oh.
Akala mo talaga wala akong nagawang mabuti sa kompanya niya eh. Pero ang totoo niyan wala naman talaga akong nagagawang mabuti dito no.
Buong oras ko yata dito sa trabaho eh puro panlalait at pangaasar lang ang ginagawa ko.
"Sir, matanong ko lang po. Puro sira ba yung mga ginagawa ko?" Napatayo naman si Sir sa tanong ko.
Kinuha niya ang makapal na libro na nakalagay sa bookshelf.
"Hindi ka pa aalis? Ibabato ko ito sayo!" Hala! Nagbanta na ang mabait kong boss.
"Naku! Sabi ko nga po aalis na ako eh. Sir goodbye! Love lots!"
Sinamaan niya na naman ako ng tingin.
"Magtigil ka nga!" Sigaw niya.
Hala! Siya na nga ang sinabihang love lots nagiinarte pa. Parang babae!
"Arte ah!" Sige lang. Mainis ka lang Sir.
"May sinasabi ka ba?" Hindi lang pala masungit ang boss ko may pagkabingi ring taglay.
"Wala po! Bye!!"
Kumaripas ako ng takbo palabas ng office niya. Baka hindi na talaga ako makauwi ng buhay eh pag tumagal pa ako doon.
Habang naglalakad ako palabas ng kompanya, hindi ko pa din makalimutan yung reaction ni Sir nung makita ko ang litrato na yun. Hindi ako maka-get over!
Parang ayaw na ayaw niya talagang may makakita sa litrato na yun. Ano bang meron doon?
Ayan tuloy! Gusto kong makichismiss tungkol kay Sir.
Pero baka wala ring nakakaalam non sa mga empleyado niya.
Sumakay na ako ng jeep since wala naman akong pera pang-taxi.
Ganon talaga kapag maganda. Sumasakay ng jeep.
"Nakauwi ka na din. Kanina ka pa hinihintay ni Kuya Luke." Nasa labas ng bahay yung kapatid ko.
Gabing gabi na hindi pa siya tulog. At ajo raw ang sabi niya? Si Luke nandito? Ano namang ginagawa niya?
"Hoy! Gabi na lalabas ka pa? Matulog na!"
Nagmana yata itong kapatid ko doon kay Sir Raze. Sinasamaan niya ako lagi ng tingin eh.
"Dito lang ako. Mag star gazing." Tumingin tingin pa sa itaas.
Aba! May star gazing pang nalalaman.
"Daming alam! Pumasok ka na sa loob pagkatapos mo diyan. May pasok ka pa bukas eh."
Ang bait-bait ko kayang panganay. Inaalala ko palagi yung kapatid ko. Pero syempre may halong kaplastikan yun.
Para kunwari mabait talaga ako at makita iyon nila Mama at Papa.
"Wag ka ng maingay, Ate. Tulog na sila Mama at Papa."
Maingay ba ako? Hindi naman ah.
Pumasok na ako sa loob ng bahay. Nakita kong nakahiga sa sofa si Luke.
"Hoy! Bawal matulog dito! Bangon na diyan! Hoy! Dito na me, wake up na you!" Pag-gigising ko sakaniya.
Luhh! Ayaw magising. Pumunta muna ako sa kusina para maghanap ng makakain.
May nakabalot na pagkain sa lamesa. Baka galing ito kay Luke. Yan pa! Kapag pumupunta siya dito hindi pwedeng wala siyang dalang pagkain.
Kinuha ko yun at bumalik ulit sa sala para doon kumain. Baka magising na din yun eh.
Hindi ako kuamin ng kanin. Ulam lang. Diet kasi ako. Mahirap na at baka tumaba ako. Baka mabawasan ang beauty ko.
"I like you."
Totoo ba yung narinig ko? Nagsalita si Luke? Wala naman sigurong multo na magkakagusto saakin diba? Wala naman akong third eye. Hindi naman siguro multo ang nagsalita.
Mas lalong hindi naman din yung kapatid ko ang nagsalita.
Kaming dalawa lang naman ni Luke dito sa sala.
So ibig sabihin............
Si Luke nga!
Jusko!!! Kelan pa ako nagugustuhan ng bestfriend ko? Kelan pa?
"I like you."