"She's your girlfriend right?" Tumingin saakina ang Lolo niya at ngumiti ng parang may pinahihiwatig.
Mukha ba talaga kaming magjowa? Naks! Ganda ko talaga!
"No way! She's not my type and I don't have a time for that."
Luhh! Ang over ah! Wala daw siyang time para sa ganon? Baka bakla si Sir.
"Owws? Di nga?" Sinamaan niya ako ng tingin.
"She's my weirdo secretary."
Weirdo daw ako? Weird ba yung nakatapos ng college? Weird ba yung secretary? Weird ba yung? Ahh. Basta!
"She's beautiful!" Nagulat ako sa sinabi ng Lolo ni Sir Raze.
Maganda daw ako. Grabe! Mukhang magkakasundo talaga kami ng Lolo niya ah.
"Ay bet!! Ano pong f*******:, Ig, at twitter ninyo?" Tanong ko sa Lolo ni Sir Raze.
Napakunot naman ang noo niya na parang hindi alam ang mga apps na sinabi ko.
"Bakit naman iha?" Tanong ng matanda.
"Gusto ko po kayong pasalamatan via social media."
Mahanap nga mamaya ang mga social media accounts niya. Mangi-stalk ako mamaya.
"For what?" Muli niyang tanong.
"Sabi niyo pi maganda ako kaya kailangan ko po kayong pasalamatan ng bonggang-bongga dahil na-appreciate niyo po ang taglay kong kagandahan."
Todo ngiti pa ako sa harap niya para makita niya talaga ang tunay kong ganda.
"See? She's weird and crazy." Ito namang si Sir Raze ang KJ!
"No, I like her." Sabi ng Lolo ni Sir na siya namang ikinagulat ko.
Ibig sabihin may gusto saakin ang Lolo niya? Hala!
"Hala! Sorry po hindi po ako pumapatol sa matatanda. Mahirap na po baka kapag pumatol ako, agad akong i-chismis ng mga kapitbahay po naming chismosa't chismoso." Tawa naman ng tawa yung matanda.
May nakakatawa ba sa sinabi ko? Wala naman ah. Nagsasabi lang naman ako ng totoo eh.
"It's not what you think, iha. I like you to be my grandson's secretary. She's funny, Raze."
Palusot pa si tanda, gusto niya din naman ako. Ayaw niya lang talagang aminin.
Palagi namang funny ang mga sinasabi saakin ng mga nakakasalamuha kong tao. Eh hindi naman nakakatawa yung mga pinagsasabi ko.
"I don't need a comedian. I need a secretary."
Aba! Ayaw niya yun? Comedian na, secretary pa?
"Choosy pa po ah!" Sinamaan niya lang ulit ako ng tingin.
Minsan ang sarap din tusukin ng tinidor ang mga mata ni Sir Raze buti na lang at nakakapagpigil pa ako kasi kung hindi, baka mamaya eh wala na yang mata at wala na din akong trabaho dahil malamang ay sisisantihin ako ni Sor kapag ginawa ko yun.
Nagstart na din ang event ng kabilang kompanya. Tungkol lang siya sa pabango. Lahat ng mga bisita ay mayayaman. Halata naman kasi sa suot nila at kung magusap parang hindi Pilipino. English ng english.
Pero bet ko yung mga pabango nila. Wag kayong maingay ahh. Atin-atin lang ito. Adik ako sa mga pabango. Nangongolekta ako ng mga pabango pero hindi yung aabot sa milyon-milyong presyo yung kaya lang ng budget ko.
Kaya nga kapag birthday ko ang palaging regalo saakin ni Luke ay pabango. Minsan niya na din akong niregaluhanng mamahaling pabango. Last year niya lang yun binigay saakin
Isang beses ko nga lang yun ginamit dahil ayaw kong ubusin sa sobrang bango.
"Let's go!"
Nagulat naman ako ng mag-aya na kaagad si Sir Raze. Bitin!
"Aalis na po tayo?" Tanong ko. Tumango naman ito.
"Ay ang aga naman po yata?" Tumayo na din ako since nakatayo na siya.
"Kung gusto mong maiwan, okay lang."
Ayun naman pala eh!
Mabait naman pala ngayon si Sir.
"Sige po Sir." Bumalik ulit ako sa pagkakaupo.
"Pero, wala ka ng babalikang trabaho."
"Wag na po pala akong maiwan." Agad na akong tumayo.
"Oh? Saan kayo oupunta?" Hinarangan kami ng Lolo ni Sir Raze.
"We'll have to go. I have something to do."
Panay naman ang page-english ni Sir Raze. Nakaka nose bleed tuloy.
"Stay for a while. Let's eat first."
Ayun oh! Buti naman at nagayang kumain ang Lolo niya.
"But-" magsasalita pa sana si Sir Raze, kaso pinigilan siya ng Lolo niya.
"No buts."
"Ay Taray! Narinig niyo po bang tumunog ang tiyan ko kaya po nag-aya kayong kumain?"
Nakakaexcite naman! Talagang magkakasundo kami ng Lolo niya.
"Kasama ka?" Tanong saakin ni Sir Sungit.
"Ay hindi po ba? Pasensiya na assumera lang po."
Nag-bow pa ang bida ninyo. Ito yung mga nakikita ko sa mga drama sa korea eh.
"She's coming with us." Buti naman at gusto akong kasama ng Lolo ni Sir.
"Tch." Inis na inis talaga saakin si Sir kahit na wala naman akong ginagawa sakaniya.
"Sir, wag niyo naman pong pahalatang ayaw niyo akong kasama. Magplastikan na lang po tayo." Tawa naman ng tawa ang Lolo niya.
Maya-maya lang ay magpapa-fansign na saakin itong Lolo ni Sir. Kanina pa siya tawa ng tawa sa mga pinagsasabi ko eh.
Dito na lang kami kumain sa mismong event dahil may pakain ang may-ari nito.
Masasarap naman ang mga pagkain.
Halatang pangmayaman dahil wala akong alam kung ano itong mga kinakain ko.
Naubos ko na ang pagkain ko. Nauna pa akong matapos kumain kila Sir Raze. Pero, bumalik ulit ako doon sa mga nagbibigay ng pagkain. Buffet style.
Katapos kong kumuha ulit ng pagkain ay bumalik ako sa table namin nila Sir.
"Sir, wait lang po." Aalis ulit ako bitbit ang plato ko.
"Anong gagawin mo diyan sa pagkain mo?" Tanong ni Sir habang nakaturo sa hawak kong plato.
"May pagkachismoso din po pala kayong taglay. Nice!" Kinindatan ko pa siya dahil nagawa niyang maging isang chismosong kapitbahay.
"Bumalik ka kaagad!" Itong si Sir, mamimiss niya kaagad ako.
"Si Sir naman, miss ako kaagad." Nagtawanan kaming dalawa ng Lolo niya.
"Umalis ka na nga!" Gustong gusto niya talaga ako no? Ako talaga yung favorite niyang secretary.
"Babalik din po ako kaagad."
"Kahit wag ka ng bumalik."
Ang sweet sweet talaga ng boss ko. Lumabas ako sa hotel. Hinahanap ko ang mga batang nakita ko kanina dito. Kanina kasi nung kababa namin ng sasakyan nakita ko sila na parang nagugutom at walang makain.
Syempre itong bida ninyo eh naawa kaagad dahil nga mabait ako at maganda.
"Mga bata! Sainyo na lang itong foods pero wag pati plato ah. Masyado naman kayong abusado't abusada kapag ganon."
Nakita ko din sa wakas ang mga bata. Kitang kita ko sa mga mata nila kung gaano sila kasaya ng makita ang pagkain na dala ko.
"Salamat po Ate." Sambit nila lahat. Parang may naisip akong magandang gawin.
"Dahil binigyan ko kayo ng pagkain, baka pwede niyo ako tawaging 'Ate Ganda?"
Habang kumakain sila ay tumingin sila saakin at tumango tango pa.
"Oo naman po Ate Ganda."
Yun oh! Sabi na nga ba kapag pinapakain mo ang mga bata ay susunod sa mga sasabihin mo.
"Galing ko talaga mang-uto ng bata." Napangisi naman ako.
May pagka-uto-uto palang taglay ang mga batang ito.
"May sinasabi po kayo?"
"Ako? Wala no."
Sa mga hindi nakakaalam diyan, gawain ko talaga ang mamigay ng pagkain. Sabi din daw kasi nila kapag matagal ka daw bago nagkaroon ng kapatid hindi ka madamot. Gets niyo?
Ang turo din saakin ni Mama at Papa, wag kang madamot. Matuto kang mamigay. Kasi once na nagbigay ka sa iba. Malamang eh mas madami pang blessings na dadating sayo kapag nagbigay ka.
Napansin kong may lalaking naglalakad papunta sa gawi namin.
Si Sir Raze!
As usual nakakunot na naman ang noo niya at malamang nagagalit na yan dahil ang tagal ko.
"What are you doing here? Kanina pa kita hinahanap ah. Sabi mo mabilis ka lang."
See? Galit na yan kaagad. Sabi ko na nga ba eh.
"Miss mo na po ako Sir."
Malay natin may gusto pala saakin si Sir ayaw niya lang pahalata diba?
"Tch. We need to go." Asar na asar na talaga si Sir.
"Si Sir scam."
Naalala ko yung sinabi niya kanina bago kami puamsok sa event kanina.
"Huh? What?" Taray ni Sir no?
"Scam ka po. Sabi niyo hindi niyo po ako hahanapin. Uyy si Sir! May lihim na pagtingin saakin!"
Ang sarap din palang asarin ni Sir Raze. Yung mukha niya parang lalo siyang magagamit.
"Baka ibang lihim." Nakataas na naman ang kilay ni Sir Raze.
"Ano pong lihim?" Syempre dapat kong alamin yun.
"Palihim kitang papatayin!"
Ang hrash ni Sir ah.
"Si Sir naman, ang over!"
Nagulat ako ng hawakan ni Sor ang kamay ko.
"Mga bata! Ibalik niyo na lang yang plato ninyo ah! Aalis na ako eh!"
Mas lalo pang hnigpitan ni Sir Raze ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Hinila niya pa ako. Ang sama sama talaga ni Sir Raze!
"Sir, gusto niyo po ako?" Napatingin naman siya saakin sa tanong ko.
"Huh?" Puro naman huh? At tsaka what? Ang sinasagot saakin ni Sir ehh.
"Bakit niyo po hawak ang kamay ko?" Tanong ko ulit.
Napatingin naman siya sa kamay namin.
Sparks na this!
"Wag kang assuming! Baka mamaya mawala ka na naman at hindi ko alam kung saan kita mahahagilap."
Ayaw talaga akong mawala sa paningin ni Sir.
"Sir, uuwi na po tayo?" Pansin ko kasi na papunta kami sa parking lot.
"Hindi pa tapos trabaho mo tapos uuwi ka na?"
Ito namang si Sir galit agad? Hindi muna magdahan dahan.
"Luh!! Galit agad ah!"
Sumakay na ulit kami dito sa napakaganda niyang kotse. Ang sarap sarap talagang sumakay dito. Malamig. Maganda. Feeling ko tuloy driver ko si Sir Raze tapos ako ang boss niya.
"Give me your number." Nagulat ako sa sinabi ni Sir Raze.
Kaya ilang beses nagpabalik-balik ang tingin ko sakaniya.
"Uyyy Si Sir! Gusto niya ako maging textmate. Alam ko na yan! Tapos kapag nakuba mo na number ko after ilang months or week. Magtatapat ka na gusto mo ako. Manliligaw ka na. Sasabihin mo mahal mo ako tapos magpapakipot pa ako pero sasagutin din kita sa huli. Tatagal tayo ng isang buwan tapos bigla mo na lang akong kakausapin. Sasabihin mong itigil na natin ito. Sasagot ako ng bakit? Akala ko bang mahal mo ako? Sasagot ka ng 'akala ko din mahal na kita pero hindi pa pala ako ready mag commit. Gusto ko muna fling-fling lang. Sorry talaga.' Makikipag break ka. Iiwan mo akong luhaan. Kung sasaktan mo lang ako. Wag na!"
Lalo pang sumama ang tingin ni Sir sa kalsada. At mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Katakot!
"What are you saying?" Oh diba! Magsusungit na naman siya.
"Ay Sorry po Sir. Hehehe."
"Gusto mo bang tumagal sa trabaho mo?"
Ano bang klaseng tanong yan? Itong si Sir talaga.
"Opo Sir, Sino po ba naman ang may ayaw diba?"
"Edi kung ganon ayus-ayusin mo buhay mo!" Makasigaw itong si Sir wagas eh.
Sarap salpakan ng manibela yung bibig niya.
"Bakut po Sir? Magulo po ba buhay ko?"
Sabi niya kasi ayusin ko daw buhay ko.
"Ewan ko sayo!" Sigaw na naman niya.
Sa huli ay binigay ko na din ang number ko sakaniya. Kawawa naman kung hindi ko ibibigay diba. Sabi ko nga sakaniya alagaan niya ng mabuti ang number ko at wag ipamigay sa iba.
Maswerte siya at siya palang ang binigyan ko ng number niya.
Nakadating din naman kami kaagad sa kompanya dahil sa sobrang bilis magdrive ni Sir Raze.
Hawak-hawak ko na ulit yung schedule ni Sir ng bigla kong maalala na may meeting pa pala siya ulit.
Shocks! Bakit ko pa kasi nakalimutan? Papagalitan niya niyan ako!
"Sir," Panigurado magsasabi-sabi na naman niyan si Sir Raze.
"What?" Ang sungit sungit pa man din niya.
"May meeting po pala kayo." Ayan na! Sasabog na yan! Uusok na yung ilong niya.
"Meeting with?" Tanong niya ulit.
"Mr. Gutierrez."
Hala ayan na! In 3.......2.......1.......
"Bakit ngayon mo lang sinabi?! Napakaimportante ng meeting naming dalawa!"
See? Galit na siya. Patay ako!
"Hindi niyo naman po tinanong eh."
"Tch! Let's go! Faster!!"
Nagmamadali na kaming pumunta sa conference room kung saan gagawin ang meeting nila.
Nagtataka ako kung bakit sila nakatingin saamin ni Sir Raze. Pagkakamalan na naman ba kaming magjowa? Napaka-issue talaga ng mga tao sa panahon ngayon.
"Sir, ganon po ba ako kaganda para pagtinginan?" Bulong ko kay Sir.
"Hindi ikaw ang tinitignan. Ako. Wag assuming." Ouch! Natamaan ako doon ah.
"Maganda ka po Sir?"
So confirm? Bakla nga si Sir? Hala! For sure magwawala ang mga fans niya kapag nalaman ito.
"Tch. I'm late."
"Na-late ka lang pinagtinginan ka na?"
Ang over naman ng mga tao dito. Napaka big deal naman sa kanila ang ma-late.
"Malamang. First time kong ma-late sa meeting at kasalanan mo ito."
Umupo na si Sor sa upuan at ganon din ako. Magkatabi kaming dalawa.
"I'm sorry for being late." May pa ganon pa si Sir.
Masyado siyang plastik ah.
Magla-launch pala sila ng bagong perfume flavor at pinaguusapan na nila ito kung ano bang mas papatok ngayon sa mga kabataan at syempre sa mga matatanda na kagaya ng Lolo niya.
Sobrang dami nilang napagusapan. Ako naman ay nakikinig lang at nag te-take notes sa mga sinasabi nila. Para may silbi din naman ako dito.
"The meeting adjourned." May pa adjourned pang nalalaman si Sir Raze.
"Bumalik ka na muna sa office ko. May kailangan lang akong kausapin. Linisin mo yung office ko."
Inuutusan niya na naman akong maglinis.
Hindi naman ako katulong eh.
"Okay po Sir."
Pakanta-kanta akong pumasok sa office. Gusto ko kaseng may makarinig sa boses ko na napakaganda.
Kapasok ko sa office ni Sir, tinignna ko muna ang buong paligid.
Medyo magulo siya pero hindi naman yung aabutin ako ng tatlong araw para malinis ito. Kaunting ayos lang naman.
Habang busy ako sa pagaayos ng mga gamit niya sa book shelf may nahulog. Ano kaya yun?
Dahil nga dakilang chismosa ako, syempre titignan ko yun. Pupulutin ko para tignan.
Isang litrato.
May isang binatang lalaki dito. Mga nasa teenager stage. May kasama siyang babae na hindi ko din kilala kung sino.
Teka! Namumukhaan ko itong lalaki ahh. Saan ko nga ito nakita? Bakit di ko maalala? Wait lang! Isip! Isip! Isip!
Aha!
Si Sir Raze ang kamukha niya.
Teka nga!
Pinakatignan ko ulit itong maayos.
Si Sir Raze nga!
Bakit dito nakangiti siya at parang sobrang saya niya habang kasama niya yung babae.
Sino naman ang babaeng ito?
Girlfriend niya? Baka. Hindi. Oo. Ewan ko!
Sino kaya yung kasama niya?
Si Sir Raze nga kaya ito?
Baka naman kamukha niya lang.
"Sino nagsabing pakialaman mo yan?"
____________________________________________
So, if you've enjoyed reading this chapter, share your thoughts on twitter using the hashtag #NTICLY
May pa-hashtag at share ng thoughts pa tayo sa twitter para naman makita ito ni Liana at malaman natin kung ano ang sasabihin sakaniya ni Sir Raze.