"Who are you?" Kasabi niya non, umikot ang upuan niya at humarap saakin.
Oh my gulay! Wow! Ang pogi mga sis! Napakaamo ng mukha. Tapos yung tipong isang ngiti niya lang mahihimatay ka talaga sa kilig.
Ang gwapo gwapo niya! Matangkad siya. Kahit seryoso ang mukha niya eh ang gwapo pa din niyang tinitignan. Sana all!
"Your secretary." Sumagot na ako.
Medyo na distract ako sa itsura niya ah. Pero di ko siya type. Nagwapuhan lang naman ako. Wag nga kayong judgemental!
"Seriously? With that clothes you wear?"
Akala ko mabait siya parang ang sungit naman.
"Bakit kailangan po ba may nakalagay sa damit ko na secretary po ako?"
Ano bang gusto niya? Arte ah! Gwapo sana eh kaso parang ang sungit at maarte. Sayang naman!
"No, look at yourself."
Dahil nga masunurin akong bata, sinunod ko kung anong sinabi niya.
"Maganda po ako." Walang pagaalinlangan kong sagot.
Eh yun naman talaga ang nakita ko eh.
"Sa tingin mo ang isang secretary magsusuot ng ganiyan?" Tanong niya at nanatiling nakataas ang kilay niya.
Taray! Kilay on fleek ang peg?
"Malay ko po."
Tatanungin pa ako wala nga akong alam tungkol sa secretary eh. Maliban sa dapat sexy ka. Para sexytary. Tawa naman kayo diyan.
"Anyway, pmease introduce yourself."
May pa ganon pa siyang nalalaman. Mapapagod lang niyan ako nito eh. Pero di bale na nga.
"Goodmorning Sir! I'm Luana Kyrie Buenaventura, your secretary. Ganda po ng pangalan ko no? Pangmayaman!" Todo ngiti pa ako eh.
Nakita ko naman ang pagirap niya. Bakla lang?
"Enough. What's my schedule for today?" Tanong ng tanong.
"Ahh Sir. You'll have a meeting with your dearest grandfather at 7:00am." Pinaglalaruan niya naman ang ballpen na hawak niya.
"That's all?"
"No, Sir."
Muli na naman siyang napairap.
"I said tell me my schedule for today. Lahat lahat. Wag isa lang!" Galit agad? Luh!
"I understand Sir. I'm not bobo. Yun lang po sinabi ko kasi po malapit na po mag 7:00. Magready na po kayo."
Hindi ko na mabilang kung ilang beses siyang umirap sa harapan ko.
Gwapo nga masungit naman. Dinaig pa ang mga babae. Akala ko mabait. Sayang! Gwapo pa naman. Hindi ko keri ang taglay niyang kasungitan.
Nakichismiss ako kanina nung lumabas si Sir sa office niya oara puntahan yung Lolo niya. Nalaman ko ma hindi pala dapat ganito ang suot ko. Corporate attire pala.
Bago niya ako iniwan, binilinan niya ako na linisin ang office niya para may magawa naman daw akong matino.
"Welcome back Sir! Kasambahay po pala ako dito."
Agad na naman tumaas ang kilay niya.
"Stop!"
Edi stop. Sabi ko naman sainyo masunurin akong bata kaya muli kong sinunod ang inutos niya.
Hakatang iritado saakin. Ramdam ko eh. Masyado niya kasing pinapahalata.
"Kunin mo nga yung mga fi-fill out kong form." Utos niya.
Bahala nga siya diyan! Inutusan niya akong huminto eh. Hanggat hindi niya sinasabing 'Go' hindi talaga ako gagalaw dito. Papanindigan ko ito.
"Hoy! Inuutusan kita!" Sigaw pa nito na ikinagulat ko.
Hinampas niya pa ang lamesa gamit ang kamay niya. Buti hindi siya nasaktan?
"Bakit hindi mo ako pinapakinggan?"
"Sabi niyo po stop kaya hindi po ako gumalaw."
Mas lalo yata siyang nainis sa sinabi ko. Nagsabi naman ako ng totoo ah.
"Paano ka natanggap bilang secretary ko?" Hindi ba siya ang tumanggap saakin?
Ay oo nga pala, yung babae nung isang araw ang naginterview saakin at yun din siguro ang tumanggap saakin.
"Simole lang po. Nag-apply po ako."
"I don't care!"
"Eh tinatanong niyo po ako tapos sasabihin niyo po ngayon I don't care."
"Shut up!"
Ang gulo ni Sir ahh. Sumasakit ang utak ko sakaniya ahh. Mukhang mapapalaban ako dito eh.
Habang busy si Sir Raze sa kung ano-ano, iniwan ko muna siya sa office niya para magtimpla ng kape.
"Secretary ka ni Sir?" Tanong ng isang babae hindi masyado kagandahan dahil nga ako lang talaga ang maganda sa mundo.
"Oo, bakit?" Nagtataka pa ako kung pano niya nalaman.
"Ang swerte mo. Palagi mo niyan siyang kasama."
Luh! Swerte na ba ako non dahil kasama ko yung boss namin? Parang hindi naman.
"Malas nga eh." Nagulat naman siya sa sinagot ko.
"Luh? Ang gwapo kaya ni Sir."
Porket gwapo maswerte na ako? Ganon na ba ngayon ang batayan kung swerte ka?
"Gwapo nga masungit naman."
Well, that's a big big truth!
"Basta crush ko siya."
Tignan mo nga naman ang gaga. Crush niya daw. Hindi na siya bata para sa mga ganiyan eh.
"Ganon ba kababa ang standard mo?" Kumunot naman ang noo niya sa tanong ko.
"Hala! Hindi. Ang taas kaya."
Mataas na yun? Yun na yun? Over na yun?
"Sa sobrang taas doon ka pa sa boss natin nagkagusto."
Aba! Kinikilig pa ang gaga.
"Mabait naman si Sir ah."
Bakut hindi ko naman makita ang kabaitan non?
"Nandito ba si Dora?"
Tumingin naman siya saakin na paeang nagtataka.
"Huh? Bakit?"
"Para hahanapin namin kung saan banda." Kasabi ko non tsaka siya humagalpak ng tawa.
Luh! Baliw?
"Funny mo girl! Sige. Work na me."
Anong funny doon? Ganon kababaw ang tawa niya? Luh!!
Katapos kong makipagchikahan doon sa babaeng chismosa pumasok na ulit ako sa office ni Sir.
"Kanino yan?" Tanong ni Sir kapasok ko.
"Ito po Sir?" Inangat ko ng kaunti ang tasa ng kape.
"Hindi. Itong hawak ko."
"Aba! Malay ko po Sir. Hawak kayo ng hawak eh hindi naman po yata sainyo."
Si Sir, di alam kung kanino yung mga hinahawakang gamit.
"Tch. Hindi ito, yang hawak mo."
Ang gulo niya talaga eh.
"Ahhh. Hehehhe. Sakin po."
Nanlaki naman ang mata niya.
"Diba ako ang nagpatimpla niyan?"
Siya ba nagpatimpla non? Di ko maalala eh.
Ulyanin na yata is me.
"Nagutom po ako eh."
Gutom na talaga ako mga sisters. Kumukulo na yung tiyan ko.
"Hindi pa oras ng pagkain."
May oras ba ang pagkain dito? Di ko kasi knows.
"Biro lang po. Sainyo po yan."
Syempre it's prank time! Gusto ko lang siyang galitin talaga. Inabot ko ma sakaniya ang kape at agad niya naman ininom.
"Masarap po? May lason po yan."
Agad-agad niyang naibuga ang iniinom niya. Buti na lang at walang mga papers s harap niya at hindi din ako nabasa.
"WHAT?" Gulat na gulat ang reaksyon niya.
Sarap kuhanan ng litrato.
"Joke!" Nagpiece sign pa ako para cute.
"It's not funny." Inayo niya ang damit niya at pinunasan ko naman ang table niya gamit ang tissue.
"Takot po kayong mamatay?" Tanong ko habang tinapon ko ang tissue na pinagpunasan doon sa kape.
"No." Tipid niyang sagot.
"Bakit hindi pa po kayo mamatay kung hindi po kayo takot?" Agad niya akong sinamaan ng tingin sa sinabi ko.
"Bakit hindi ikaw ang mauna?" Tanong niya saakin.
"Bakit hindi na lang po tayo magsabay?"
Para naman hindi ako lonely no.
"Tch. Take your lunch now."
Nadali niya din! Yun talaga yung hinihintay kong sabihin niya saakin ehh.
Sana talaga nilagyan ko ng lason ang kape niya kanina para pagna-deads siya, edi ako magmamana ng kompanya niya. Kaso hindi ko nga pala siya kadugo.
Habang kumakain ako dito magisa syempre hindi talaga mawawala ang mga epal sa mundo. Ito at tumatawag na ang bestfriend ko.
"Hello? Napatawag ka, miss mo na ako?"
[Hindi ba pwedeng nangangamusta lang?]
"Bawal yun."
[Ang ayos mong kausap. Ibababa ko na nga ito.]
"Biro lang."
[Kamusta trabaho? Okay ba si boss?]
"Ayun. Napatay ko na, kanina pa."
[Huh? Bakit mo siya pinatay? Nakulong ka ba?]
"Ang over! Pinatay ko siya sa isip ko."
[Masama ba siya?]
"Kung ipagkukumpara mo yung ugali naming dalawa,syempre mas masama ako."
[Sira ka talaga!]
"Matagal na! Di mo knows?"
[Pero okay naman work mo?]
"Oo kaya naman. Mali nga lang ang suot ko. Corporate attire pala."
[Sino kasi nagsabinh magsuot ka ng white t-shirt at pants with matching white rubber shoes pa?]
"Eh malay ko ba?"
[Sige na bye na!]
Pinatay ko na kaagad ang tawag dahil isang subo na lang eh matatapos na ako sa pagkain.
"Ehem!" Napalingon ako ng dahan dahan.
Si Sir Raze! Diba! Alam ko na pangalan niya. Ako pa! Eh dakilang chismosa yata ako.
"Kanina pa po kayo Sir?" Tanong ko habang nililigpit na ang pinagkainan ko.
"Ako? Hindi naman."
"Aahh." Nagpatuloy ako sa pagliligpit.
"Don't you know the word sarcastic?"
"Alam po Sir."
Ano ako? Bobo?
"Alam mo naman pala eh."
"Yup Sir!"
"Wear this, then go to my office."
Inabot niya saakin ang paper bag na naglalaman ng damit.
Dali-dali akong pumunta sa restroom para magpalit ng damit. Ano ito? Dress? Black Lace Cocktail Dress? Wow! Tsaka Black Stilleto heels? Oh diba! May pa ganon!
Hindi ko na lang tinali ang buhok ko. Maganda naman ako!
"Sir, how do I look?" Kapasok na kapasok ko sa office eh lumabas din kami.
Tinignan niya ako ng maigi at nilagay ang kamay niya sa baba niya.
"Still the same. Hmmm. Mukha pa ring tanga."
Ang akala ko naman maayos ang sasabihin niya.
"Aba!" Napareact tuloy ako ng pagka-bongga-bongga.
"Angal?" Tanong niya.
"Di po."
Baka sisantihin pa ako kapag sinagot sagot ko siya.
"May event tayong pupuntahan."
Yung tipong kakapasok ko lang tapos may event na kaagad. Yay!
"Wow! Bongga ba yun Sir? May foods po ba?" Nakakaexcite naman!
"Wala."
"Ayy. Sayang!!"
Huminto siya at muling hunarap saakin dahil nauuna siyang maglakad kaysa saakin.
"Wag ka na lang kayang sumama?"
Grabe naman si Sir ahh.
"Joke lang po Sir. Hehehe."
"You need to go with me." Nagpatuloy na ulit siya sa paglalakad.
"Why Sir? Hindi po ba kayo mabubuhay pag wala ako? Kikiligin na po ba ako?"
Luhh! Si sir naman. Bakit hindi niya sinabi saakin kaagad?
"Are you crazy? Kaya kong mabuhay ng wala ka. Sino ka ba?"
"Yun naman po pala eh."
Itong si Sir naman. Akala ko talaga may crush na siya saakin ehh.
"Tara na! Oras na!"
Nagmamadali na siya ngayong maglakad.
"Akala ko po bang kaya niyong mabuhay ng wala ako?"
Halatang iritado at inis na inis na siya.
"Hihintayin mo pa bang mainis ako?"
Nagtanong pa siya. Malamang oo pero not now.
"Sabi ko nga po tara na."
Nagmamadali na din akong maglakad para maabutan siya.
Pumunta kami sa isang napakalaking parking lot. Daming kotse ah. Sarap nakawin. Minsan nga gagawin ko yan
Sumakay kami sa isang mamahaling kotse. Pagani Huayra yung kotse niya. Sosyal!
Oh diba! Alam ko yun! Ako pa! Diba nga matalino ako.
"Woah! Sainyo po ito?" Manghang mangha talaga ako dito.
"Hindi, hiram lang."
Wow! Sana all! Buti pa siya pwede manghuram ng kotse. Eh kapag ako nanghiram malamang ipapapulis ako kaagad.
"Owws? Buti pinahiram po ito sainyo?" Tanong ko ulit.
Bihira lang kase ang mga nagpapahiram ng mga ganitong klase ng kotse.
"Hindi mo talaga alam ang salitang sarcastic."
Luh! Di ko daw alam yun. Paano niya naman nasabi?
"Luhh! Sinasabi niyo po bang bobo ako?"
Napairap na naman siya kahit na sa daan siya nakatingin.
"Kind of."
"Ang over! Saan po ba tayo pupunta?" Tanong ko.
Ano kayang event yung pupuntahan namin
"May event ang isang kompanya. Family friend namin ang may ari. My grandfather will attend the event, so I need to be there too."
"Bakit naman po?"
Nakakacurious naman.
"Because I am the President of the company."
May ganon?
"And so?" Try ko ngang sungitan itong si Sir Raze.
"Shut up!"
Luhh!! Ang sungit!!
Nakadating din kami kaagad sa isang hotel. Napakagara naman ito. Sobrang daming designs na pangmayaman. Bongga!
"Okay, listen to me." Pinark niya muna ito tapos ay bumaba na kami.
"Yes po I'm listening." Tumango tango pa ako. Para cute.
"Kailangan mong maitikom yung bibiv mo sa event."
"Ayy. Ang hirap po ah!"
"Always stay behind me. Mahirap na baka mawala ka pa. Hindi kita hahanapin. Kaya tandaan mo yan."
"Ang sama!"
Pumasok na kami sa loob. Bongga! Ganda ng interior design. Mamahalin ang mga gamit. Carpet palang, parang mahihiya kang tapakan dahil sa sobrang ganda. Sarao ngang nakawin eh.
Napansin ko lang na lahat ng bisita eh naka formal wear. Yung mga babae naka formal dress. Yung mga lalaki naman naka pang business suit o kaya naka americana.
May sumalubong saamin na isang lalaking matangkad na nasa mid 50's. Gwapo naman siya kahit na matanda. Kahawig ito ni Sir Raze.
"Good to see you here, my grandson."
Grandson? Ibig sabihin apo niya? Luhh!
"Grandpa, sorry were late."
Tama nga! Lolo niya pala, akala ko kapatid niya. Kahawig niya kase.
"It's okay."
Parang ang bait naman ng Lolo niya.
"Hindi mo sinabing may pinupusuan ka na pala." Tumingin naman ako sa pakigid at tinitignan kung saan ang girlfriend ni Sir Raze.
"What?"
Luhh! Arte ni Sir ahh. Di pa talaga umamin.
"She's your girlfriend right?" Tumingin saakina ang Lolo niya at ngumiti ng parang may pinahihiwatig.
Luh! Mukha ba akong girlfriend ni Sir Raze? Mukha ba kaming magjowa? Luhh! Magiging fans pa yata namin ni Sir Raze si Lolo niya.
Pero ako girlfriend niya? Luhh!!!
Ano kayang isasagot ni Sir Raze?
Pwedeng 'Yes, she's my one and only' bongga yun!
Pwede din namang 'sorry grandpa, hindi ko pa siya nililigawan. Maybe soon.'