"Oh hello again, Liana." Muli na naman ako nakaramdam ng takot sa tono ng boses niya at sa way ng pagngiti niya saakin. Alam kong may binabalak siyang masama ngayong gabi. Pero bakit ngayon pa? Bakit? Bakit sa araw na ito pa? "Adalie, umalis ka na dito." Narinig ko ang boses ni Raze na ngayon ay nasa tabi ko na at kinuha ang kamay ko para hawakan yun. "Adalie? Oh! You really didn't want to call me mother?" Napailing pa ito at inihawi ang buhok niya sa likod ng tenga. Hinila na lang ako ni Raze paalis sa harapan ng mother dear niya at naupo sa sulok. Ito namang pamilya ko at pamilya ni Raze ay nakatingin lang saamin at nanonood. Hindi pa kami tulungan oh! "Liana, nakapagdecide ka na ba? It's been a month and still wala pa rin ako nakukuhang sagot mula sayo. You really want me to ruin y

