"Oh bilisan mo namang mag-ayos diyan!" Reklamo ni Bruhang Marphy saakin. Palagi akong minamadali nito eh. Akala mo naman eh may lakad siya. Kung makapagmadali sa ginagawa ko ehh. May party ngayon ehh. Celebration for Christmas daw. Ang dami kasing pakulo ni Chairman. Maaga yung party namin dito sa company kasi nga mamaya na ang noche buena. Ang gusto ni Chairman ay i-celebrate ang Christmas ng magkakasama dito sa company. After ng party dito eh pinapauwi niya na kami kaagad para makasama daw namin family namin. Oh diba? Ang bait bait ni Chairman saamin. "Babe! What are you doing here?" At ito na nga. Dumating na nga ang pinakagwapong nilalang sa paningin ko. Tignan mo nga naman, nagtataka pa siya kung anong ginagawa ko dito. "Malamang dito ako nagtatrabaho, kaya ako nandito. Ano pa b

