"Liana, umuwi ka na ngayon!" Sigaw ni Mama sa kabilang telepono. Nagkapalitan kami ng tingin ni Raze. Nakaramdam ako ng matinding kaba sa tono ng boses ni Mama. Ramdam na ramdam ko ang takot niya. Hindi siya tatawag ng ganito kung wala namang nangyaring masama. Pabilis ng pabilis ang t***k ng puso ko at lalo pa akong kinabahan sa mga posibleng nanguari na pumapasok sa isip ko. "Let's go!" Wala ng pakialam si Raze at basta basta na lang tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo sa tabi ko. Tumayo na din ako gaya niya at nagmamadaling pumunta kung nasaan ang kotse ni Raze. Sandali akong natigil sa kakamadali ng may maalala ako. Muli kong tinignan ang lugar kung saan kami nakaupo kanina. Tumakbo ako para kunin ang mga pagkain na kanina'y kinakain namin. Kinuha ko na din ang blanket na nilatag

