CHAPTER IX Naalimpungatan ako sa malambot na biglang tumama sa mukha ko. Akala ko may nahulog unan pala ang humampas sa akin. Kagagawan ng herodes na baklang kasama ko dito sa bahay. "HOY VIOLETA MASANGSANGGGGG BAKA NAMAN GUSTO MO NG BUMANGON DYAN TANGHALI NA!" Labas litid nyang sigaw sa akin. Napatalukbong nalang ako sa ingay niya hindi ko na talaga kailangan ng alarm clock pag kasama ko siya. Bumangon ako at binato rin sya ng unang nasa tabi ko. Baka sakali kasing tumahimik man lang siya kaso hindi mas lalo pa s’yang nagkandirit na akala mo binayo ng sampung lalaki. "Wah! Oh, my God, ‘yong face mask ko walang hiya ka talagang baboy ka!" Balik niya pang sigaw. "Pwede ba tigilan mo ako? Antok pa ako at masakit ang ulo ko hindi ko alam kung bakit? Nastress na yata tala

