V

2567 Words
CHAPTER V Ilang araw na akong hindi pumapasok dahil tamad na tamad ako. Wala akong ginawa dito sa bahay kung hindi ang manood ng movie, matulog at kumain. Nagagalit na nga si Amber dahil nauubos ko na daw ang stock naming dahil sa ginagawa kung kadepresan. "Hoy, Madam baka naman gusto mo ng magtrabaho diyan!” "Ano ba Amber ba’t ka ba namamato? Inaano na naman kita?" inis kung baling dito habang hinihimas yung noo kung tinamaan ng takip ng iniinom n’ya. "Kanina pa kasi kita tinatawag more tulaley kana naman. Te, ilang araw ka ng ganyan simula noong nawala ka.” Paliwanag niya habang nakaharap sa akin at nakalagay ang kamay sa ilalim ng baba. "Ano naman hindi ako pwedeng matulala? Ikaw Ambrosio ayusin mo ‘yang buhay mo at ‘yan pakialaman mo ah!" sabay ligpit ko ng gamit para bumalik na sa office ko. Pero pinigilan na naman ako ng haliparot na baklang ito. "Hoy! Hoy babaeng bastos ang bunganga! Amber is the name itatak mo d’yan sa magulo mong dyutaks. Tsaka nagpaplano nga tayo para sa anniversary ng resto kaya anong inaarte mo?" taas kilay n’yang tingin sakin mula ulo hanggang paa. "Ano na naman?" singhal ko sa kanya ng wala na naming tigil. "W-wag mong sabihin na may nangyari sa inyo noong lalaking nag-uwi sayo? Kaya ka nagkakaganyan?" nanlalaking mata n’yang sigaw sakin napatakip pa ng bibig ang gaga. Affected much? "Woi! Ikaw ang bastos ang bunganga. Kung ano-ano na naman imahinasyon mo saktan kita dyan ei." irap ko sabay talikod sa kanya. "Letseng ‘to d’yan kana nga marami pa akong trabaho at ikaw ipasa muna yung portfolio para mabigay na doon sa bago mong amo." Pahabol ko bago pumasok sa opisina ko. Iniwan ko syang bubulong-bulong doon sa labas. Bruhang ‘to dami insecurities. Nasa labas lang naman kasi yung table nya kaya pag bored ako lalabas lang ako sa pwesto niya. Hindi naman ako mahigpit sa mga under ko noh! Ang hirap kaya magwork sa isang lugar na grabi ang pressure na nakapaligid sayo minsan ang sarap nalang nilang ibigti! Ganern! "Ms. Violet pinapabigay daw po ng secretary ng CEO," bungad sakin ng secretary ko nang pumasok s’ya sa opisina ko. Ang pumalit kay Martha dahil napaaga ang leave n’ya nagagalit na daw ang asawa niya kakapasok niya pa rin ng trabaho. "Wow kelan pa kami naging close ng bagong CEO at pinapadalhan n’ya na ako ng ganito Alice?"-nakataas kung kilay sa kanya habang tinitingnan kung ano ang binigay nito. "Miss naman baka natutuwa lang s’ya sayo kaya ganon." Nakangiti nyang sagot sakin habang inaayos ang makapal n’yang eyeglass. "Naku ah kung matutuwa s’ya pera ibigay niya masyado na akong maraming naipong taba para bigyan nya pa ako ng pagkain,” sabi k okay Alice na ikinatawa niya ng husto. Kinuha ko ang box na inabot niya . "Tsaka akala ko ba magkocontact lense kana asan na? Nakikita ko parin yang salamin mong makapal pa ata sa make-up ni Amber ei." "Nakakailang kasi Miss Violet eh! Biro mo tinitingnan nila ako tuwing dumadaan ako hindi ako sanay." Maganda si Alice ang seksi din ito. Pero ang ganda niya ay hindi mo na kailangan lagyan pa ng makapal na kolorete para mapansin ito. All you just need to do is removed her eye glasses then voila. She’ll be as good as swan. "Oi, alangan may mata sila titingnan at titingnan ka talaga nila. Matakot ka kung kainin ka nila. And please don’t be shy Alice you’re too beautiful for that kaya ka nila tinitingnan kasi maganda ka sexy kaya napiplease mo ang mga mata ng mga taong nakakakita sayo. Compare mo naman sakin tinitingnan kasi nagsusumigaw ang taba sa katawan ko.” Bigay ko nang lakas ng loob sa kanya habang s’ya ay nahihiyang ngumi-ngiti lang sakin. Pero totoo naman kasing maganda sya lalo na kung walang salamin at maganda din ang hubog ng katawan nya. Kumpara naman sakin hindi ba? Maganda lang ako maganda lang talaga ako kaya doon nalang ako bumabawi. Maaga kaming bumaba for lunch ni Amber kasi marami pa akong proposal na gagawin nasa elevator palang kaming papalabas ng floor namin nagkakagulo na ang mga tao. Halos wala ka na ding pwestohan papasok ng opisina. "Hoy, mga babaeng hitad anong ginagawa nyo dito?" tawag ni Amber sa isang kakilala niya. Dapat kakain na kami pero heto kami ngayon at nakikisiksik sa mga taong nakaumpok dito sa harap namin. Dahil masyadong usisera ang kasama kung kaibigan kaya wala akong magawa kung hindi ang sumunod nalang sa kanya. "Eh kasi naman Amber saglit lang minsan lang namin makita si Sir na bumaba dito sa floor natin," sagot nang nakangiti habang nagkakamot ng ulo ang babae. "Oo nga Amber ang gwapo kaya ni Sir. Makakalaglag panty na ang bango pa. Yieeee" Tili noong kasama nya habang inaalog ang braso ng katabi niya sa sobrang kilig. Napapailing nalang ako sa mga ginagawa nila. "Nakakaloka! Ganon talaga kailangan ang reaksyon pag gwapo?"-wala sa loob kung sabi habang nakatingin sa kumpol ng mga babaeng maunang makasilip dito. "Oo bes. Ganon dapat kasi nga ang hunk si Mr.CEO diba sinabi kuna ‘yon sayo?" kinikilig niya pang yugyog sa akin. "Hala s’ya! Pati ikaw? Kayo na talaga akala mo naman sobrang gwapo nyang tinitilian nyo. Hmff" Irap ko dito. Tatalikod na sana ako para pumuntang pantry pero nahila na ako ng lukaret kung kaibigan. "Leche ka Amber! Ba’t ka ba nanghihila? Muntik na akong matapilok sayo. Pag may nabaling isa sa mga buto ko sa balakang idedemanda ko talaga lahat ng kamag-anak mo. Bwesit ka!” sabay hampas ko sa kanya ng bag ko. Buti nalang hindi nasira ang bag ko. Kakabili ko palang naman nito sayang ang Jimmy Choo kung bag. Pero wala na akong magawa dahil nandito na ako. Gaya nga ng sabi friends should stick together thru thick and thin. "Hoy Violeta, magtigil ka dyan tingnan mo yun oh! Ayan ang dakilang CEO natin ang pogi nya diba? Likod palang ulam na kumusta pa yung sa baba nyan? Hahaha.."-halakhak ng malanding bakla. Infairness maganda nga ang likod nya malapad at lalong naemphasized sa suot nyang fitted na long sleeve. At pinaresan niya rin naman ito ng maong pants nakasabit naman sa braso niya ang blazer nya siguro ‘yon ang ginamit n’ya nang may meeting sya to make his look more formal. "Ano namang gwapo dyan sa likod huh Amber?"-irap ko dito habang titingnan parin ang lalaki di kalayuan sa pwesto namin. "Good morning Mr. Armildrez! Anong ginagawa ng CEO dito sa floor naming.” Dinig kung bati ni Amber dito. Edi kayo na ang close! "Good morning din Mr. Ambrosio Alindog." Gusto kung tawanan ang pagtawag nya sa buong pangalan ni Amber pero halos mapako ako sa kinatatayuan ko dahil sa mga matang nakamasid sakin ngayon. Nandun parin ang mga ngiting nakaukit sa labi nya na mas lalo pang lumawak ng mapadako ang tingin nya sakin. "Oh god!" Tanging nasabi ko ng mahimasmasan ako habang naririnig ko si Amber kinakausap ito. "Sir naman. It’s Amber nalang po wag naman Ambrosio parang naduduwal ako ei!" Nakangiting sagot nito with paghampas pa sa braso. Feeling close talaga ang bakla. Bumaling sya kay Amber nang nakangiti kaya sinamantala ko na ‘yung chance para makaalis doon. Pero hindi pa ako nakakadalawang hakbang narinig ko s’yang tumikhim at nagsalita. Para akong tinulos sa sarili kung kinatatayoan dahil sa kanya. "Good morning Miss Violeta Masangsang!" Nakangiti niyang bati sa akin. Oh god! How can you be so cruel to give me that kind of name? Napahilamos nalang ako sa mukha ko sa narinig kung tawag nya sa akin. And he really knows me. What a coincedence right? It’s really f*****g annoying after what happened to us he knows me. "You’re the f*****g CEO?” kibit balikat itong sumagot sa akin. Oh god! I forgot my manners. Why do I f*****g cursing right now? “I’m sorry, Sir. Nice meeting you, anyway.” Balik kung bati dito ng humarap ako kahit pilitin ko ang sarili kung ngumiti hindi ko talaga magawa. "Sir, hindi namin alam na kilala n’yo pala ang mga nandito sa floor namin. Nakakatouch naman po na sinadya nyo pa kaming dalawin dito,” nakangiting lapit sa kanya ni Amber at inilahad pa ang kamay. Tahimik lang akong nakamasid sa kanya pero bigla akong kinawayan ako ni Amber pero ayoko ngang lumapit. Ano sya bale? Dadagdagan ko pa ang kahihiyan ko sa lalaking presko na 'to. Masyado na akong maraming pinagdaanan sa kanya ng malasing ako at ayoko nang dagdagan pa. "Yeah, and it’s my pleasure to know you all. At dahil dito sa company ko nagtatrabaho ang magagaling na editor at designer ng bansa. And I’m here to meet someone. She really owes me, bigtime," saad niya na walang pinapatungkolang tao pero sa akin ito nakatitig. Bulagin kita dyan sabihin mong bigtime. Bwesit sa dami ng araw na pwede ko siyang makita ngayon pa talaga. Hindi ko talaga makalimutan ang mukha ng pesting ‘yan wala sa itsura n’ya ang CEO ng kompanyang ito. Itulak ko kaya to sa hagdan ng makaganti man lang kaso syempre CEO kuno siya hindi ‘to maghahagdan may nakalaan ngang elevator sa executives diba. Bwesit! "A penny for your thoughts, Miss Masangsang?" Naku sir wag mo akong kausapin hindi ako natutuwa sayo. "I’m sorry Sir. But were kind of busy here for the presentation next week. I hope you could let us work and Violet is just fine.” Paliwanag ko dito habang inaabala ang sarili ko sa mga papel na nasa harap ko. Dahil ayokong tingnan ang lalaking nakatanghod sa harap ko. Parang may asong nakabantay sa harap ko ngayon at sasakmalin ako sa isang pagkakamali ko. " Akala mo model ng toothpaste nakakainis," bulong ko nang talikuran ko sya. Naramdaman ko pang siniko ako ni Amber at pinanlakihan ng mata. Bahala sila totoo namang nakakainis siya. Kung kailan marami pa kaming tambak na gawain saka naman siya dadalaw at magpapasikat. Sa totoo lang hindi siya nakakatulong. "I see sorry for disturbing you guys. I hope I could meet you all but maybe there's always a next time. And Violet don’t nagged to much your much beautiful when you smile." Natigilan ako sa sinabi bago ito lumabas. Narinig ko pa ang mga singhap mula sa buong paligid. Napangiwi pa ako ng maramdaman ko ang kurot ni Amber na nasa tabi ko. Dios ko lord, anong kahihiyan ba ito? "Bwesit na lalaking ‘to akala mo kung sino? Pesti ka talaga wag magtatagpo ng tayong dalawa lang ipapasalvage kita. Bwesit!" Inis kung pagyak ng mga paa. Hindi ko naman sya pwedeng bulyawan dito kaya sasarilinin ko muna ang galit ko. Ano tanga lang nang-aaway ng anak ng may-ari? Bwesit! "Masyado ka daw maganda kaya wag mo na itirik-tirik ‘yang mata mo, babe." Nakangising tukso sa akin ni Amber. Tinalikoran ko nalang siya dahil sa sobrang inis ko sa kanya. "Ano? Magdaydream nalang kayo maghapon at kiligin? Magsikilos na kayo!" singhal ko sa kanila bago ako pumasok sa opisina ko. Ginawa kung busy ang sarili ko gaya ng sinabi ko sa kanya kanina. Badtrip, kasi baka mamaya magkita pa kami sa labas pag pakalat-kalat na naman ako doon ei. Nakakaasar lang di’ba sa dami ng mga tao na pwedeng maging CEO ng hinayopak na kompanya na ito ‘yong walang hiyang lalaki pa na ‘yon. "Hello wag kayong tawag ng tawag kasi masyado akong busy pwede ba?" singhal ko sa kabilang linya ng sagutin ko ito. Kanina pa kasi tunog ng tunog ito at naririndi na ako hindi na ako makapagconcentrate. "So, ganyan kana makipag-usap sa nakakataas sayo?" sagot ng baritonong boses hapahampas na lang ako sa sarili kung noo sa nangyayari sakin. Sa dami ng kamalasan na dumadating sa buhay ko ay nakikisabay pa talaga ang lalaking ito. Talagang may gana pa syang tumawag sakin nakakaloka naman tung lalaki na ito. Ano bang gusto nya pati tahimik kung buhay inaabala nya? Bwesit! "Ahem. Sorry, sir. Akala ko po kasi si Amber sya lang po kasi ang tumatawag ng direct sa linya ko. May kailangan po ba ang CEO kaya napatawag kayo ng personal?" Tiim bagang kung sagot dito syempre in a nice way parin. Baka mamaya ay balikan niya na naman ako at barahin. By that time baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at lalaban na talaga ako sa kanya. Mamaya bigla ako nitong palayasin wala pa akong balak magbakasyon madami pa akong gastosin. Hindi pa ako nakakabawi sa restaurant na tinayo ko. Kahit marami akong sideline kulang pa rin ang kinikita ko. Siguro talagang naghihirap ako dahil sa mga lalaki ko. Baka ngayon mabawasan na ang gastosin ko dahil iiwasan ko na ang mga manggagamit na lalaking ito. "Okay. Sorry if disturb you i just want to hear your voice. Maybe it could lessen my stressfull day." He said while chuckling. Baliw ba ang lalaking ito? Anong nakakatawa para tumawa siya ng ganito? Stress… stress. Kailangan stress free ako pero sinusubok ng lalaking ito ang pasensyang meron ako. "Ginawa mo pa akong stress reliever Sir ah! Ako nga araw-araw stress di kita inaabala tapos kayo tatawag pa? Kakaloka naman ito bili kayo stress ball sir o kaya uwi kana mas maganda pa," bulong lang sana ang balak ko kaso ang bibig ko ay ayaw makisama sa balak ko. "Paano kung sabihin kung ikaw talaga ang stress reliever ko? Since the day you yell at me." Simple nyang litanya pero parang naputol ata ang dila ko. Pesting lalaking ‘to makapagsalita kala mo close kami. "The number you are calling is out of coverage at this moment try your call later. Toot.. tooottt..tooottt" Ang tanging nasabi ko sabay baba ng telepono. Pagkababa ko ay saka ko lang narealize ang katangahan ko. Pesti telepono pala ‘yong gamit ko at hindi cellphone. Ang talino ko talaga ei! "Argh! Nakakainis kang bwesit ka. Antipatiko ka! Waaahhhh..." sigaw ko habang napapadyak nalang ako sa sorbang inis ko sa lalaking ito. "Is that how you control your temper Miss Masangsang?" tanong ng isang boses kaya napalingon ako. Nakasandal ang isang lalaki sa hamba ng pinto habang nakacross ang dalawang kamay niya sa tapat ng dibdib niya. Nakatingin ito sa akin na may malaking ismid sa mga labi nito. "What the hell?" Ang tanging nasabi ko sa harap nya. “Why aren’t you happy to see me?” he grinned. He’s really testing my patience to its limit. Napaatras ako ng maglakad ito palapit sa akin. Napalunok nalang ako ng mabunggo ang hita ko sa table na nasa likod ko kakaatras. Bigla akong nakaramdam ng init at unti-unting pinagpapawisan. s**t! Bakit ba ako kinakabahan? This guy is really getting into my nerves. He’s intimidating the hell out of me. “A-ano bang ginagawa niyo dito sir? Bakit ba pilit niyong inuubos ang natitira kung pasensya?” kunot noo kung tanong sa lalaking halos ilang dipa nalang ang pagitan sa akin. “Did I? Nandito lang ako para kausapin ang mga tauhan ko. What’s wrong with that? Did I making you uncomfortable?” naikuyom ko ang mga kamao ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko at ilang beses na pinaalala sa sarili ko kung sino siya sa kompanya ito. At pilit ding pinapaalala sa sarili ko kung gaanong pasensya pa ang kailangan ko. Does this man doesn’t know the word space? Or even a f*****g privacy? Tang’na! Nag-uumpisa na akong kamuhian siya ng higit pa sa mga gago kung ex.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD