IV

2268 Words
VIOLET Ilang minuto na akong nakaupo dito sa harap ng bahay ko pero hindi pa ako makapasok dahil nasa labas palang ako ng gate ay kita ko na ang mga sasakyan nilang nakaparada. Kayapaano ako papasok nito sa loob? Siguradong gigisahin nila ako ng walang tigil. Kinuha ko ang telepono ko at bumungad sa akin ang sunod-suno na mensahe mula kay Amber at sa iba pang kaibigan ko. Hinanap ko ang numero ni Amber at tinawagan ito. "Impaktita kang babae ka! Saan ka nanggaling? Bakit ngayon ka lang sumagot?" sigaw agad pagkasagot n’ya ng tawag ko. Siguro simula kagabi hinahanap na nila ako ang daming text at tawag na meron ngayon sa telepono ko. "I’m sorry nalasing ako. Pauwi na ako and Amber ako ang tumawag not you." I corrected him kahit na parang nanghihina pa ako. Inubos ko ata ng alak lahat nang lakas ko lintik na hangover ‘yan. Di na ako iinom. Charr lang! "Pareho lang ‘yon. Bilisan mo at wag mong ibahin ang usapan dito aantayin ka namin bilisan mo,” asik nito sabay pinatayan ako ng tawag. Di man lang ako pinagtanong kong sino ang kasama nya. Tsk "Makapagmadali akala mo ako yung driver ei! Manong pakibilisan ‘ho emergency lang. Salamat,” kunwari ay sabi ko nalang para matigil si Amber. Sino kaya ‘yong nakasama ko kagabi? S’ya rin ba ang sinasabing Kuya ‘nong batang ‘yon? Wala akong maalala sa nangyari kagabi kundi nalasing ako ng bongga. Pesti kasing sakit na ‘to! Tuwing iinom ako laging present ‘di ba ‘to nababago? Tsk. Pagkatapos ng ilang minuto ay tumayo ako at kinuha ang kapatos ko. Hindi kuna sinuot pa ang sapatos o inayos ang suot ko basta bumaba na ako at dire-diretso papasok ng bahay. Naabutan ko ang magagaling kung kaibigan na busy sa pag-entertain sa sarili nila sa kusina. "Uggghhhh..." sabay hinga ng malalim at binagsak ko ang sarili ko sa sofa napatingin sila sa gawi ko. At tinitigan ako na para bang nagbagong anyo ako. Mga pesting ‘to akala ko ako pa ang mali ang bahay na pinasok kung makatingin sa akin ay para akong estrannghero. Samantalang sila itong nakikikain lang sa bahay ko. "Ano pagod te? Saang bahay ka nagpalipas kagabi at hindi kami na inform?" Mataray na tanong sa akin ni Amber habang hawak ang hotdog palabas ng kusina. Habang ang iba naman ay nakatayo sa harap ko tiningala ko sila na halatang inaantay ang sagot ko. Kaya napailing na lang ako sa mga itsura nila na parang ngayon palang ay hinuhusgahan na ako. "Bawal kumain sa sala bumalik ka nga don," asik ko dito at umayos ng higa. Akala ko hindi na nila ako papansinin pero narinig ko ang mga yabag nila papalapit sakin. "Zia can you please turn off the stove? Thank you Babe," narinig kung utos ni Duke hindi ko sila pinansin sa halip tinakpan ko pa ang mukha ko ng unan ng mahiga ako sa sofa. Inaantok pa kasi talaga ako idagdag pang ang sakit ng katawan ko. "Care to explain where the hell you slept last night?" Narinig kung tanong ni Duke naramdaman kung may naupo pa sa ulunan ko at hinaplos ang buhok ko. Hindi ko sila sinagot dahil kahit ako ay hindi ko alam kong saan ako natulog at kung sinong hudas ang kasama ko. Alak pa more Violet. "Babe we’re waiting. Nag-aalala kami sana naman naisip mo yun kagabi ng mahimbing kang natutulog kung saan mang lupalop." Malumanay na sabi ni Zia habang haplos parin ang buhok ko. Pero alam kong konti nalang ay sasabunotan niya na ako. "Ano hindi ka magsasalitang babaita ka? Huhubaran kita dito bibilangin ko na ba kung may hickeys ka?" bulyaw ni Amber kaya binato ko sa kanya ang unang hawak ko. "Manahimik ka diyan ikaw ang lagyan ko ng hickeys dyan baka mabaliw ka," inis kong baling dito napaka-exagerated talaga nitong baklang ‘to asar. "Magdamag ka naman hinanap sa bar kagabi. Hindi ka rin napansin ng mga guards na lumabas. Are you with someone last night?" mahinanong tanong pa rin sakin ni Duke. Sabagay ito ang unang beses na bigla nalang akong nawala habang nasa bar kami. "I’m fine, nakatulog lang talaga ako kagabi kaya hindi ako nakauwi. So, pwede tigilan n’yo na ako? Gusto kung matulog at magpahinga kaya please tantanan n’yo kakatanong." Tatayo na sana ako ng biglang nagsalita ang malditang bakla. "So talagang may kasama ka kagabi ‘nong umalis ka? At hindi mo man lang inisip na nag-aalala kami sayo kung saang impyerno kana nakarating? Na akala mo wala kang kaibigang nag-aantay at nag-aalala sayo. Kung sabihin ko kaya kay Tita Adelle ‘yang nangyayari sayo o kaya sa Kuya mo ng maiuwi kana ng Canada at tigilan lahat ng kagagahan mo dito." Padabog n’yang walkout at naglakad papasok ng kusina. Hay naku, as if naman matitiis ko sila or s’ya na magalit sakin ng ganito sila na nga lang ang pamilya ko dito. "Fine I’m with someone kagabi nang umalis ako ng bar." Pagsuko kung sagot sa kanila kaya napabaling lahat ng attention nila sakin pati si Amber na papasok na ng kusina ay napahinto. "You're with someone?" Zia asks me na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Tango lang sinagot ko sa tanong n’ya. Ano may definition pa ba dapat? Masakit pa kaya ang ulo ko, for heaven's sake. "Sino? Babae?" umiling lang ako. "Then it’s a boy kung hindi lalaki? Sino Violeta?" Amber added. Sabi na nga ba never ending na tanungan na naman ito daig ko pa ‘yung batang babaeng mawawalan ng virginity sa mga tanong nila. My life is not perfect and usually its full of chaotic noise from this friends of mine. But they are all I have. "Fine, eto na magkukwento na dami tanong ei! Oo lalaki kasama ko s’ya nagbuhat sakin papunta sa hindi ko alam na lugar basta lasing ako at nakatulog-" "Oh my ghad... Hindi ka na virgin? May nangyari ba sa inyo?" biglang sigaw ni Saffy akala mo naman s’ya mawawalan ng virginity arte. "Hindi ko alam pero feeling ko naman wala kasi wala namang masakit sakin. And noong nagising ako sa kwarto I’m with a girl and a woman so I guess walang nangyari." "So panatag kana ‘non?" tanong ni Amber na sinagot ko naman ng magkakasunod na tango. "Of course. Hindi ko na rin kasi sila natanong o nakita ulit ‘yong lalaki na nagdala sakin doon kasi nagmamadali akong umalis kanina. Pwede na ba akong magpahinga?" Nagkatinginan muna sila bago iiling-iling na tumango sakin sign na pwede na akong umakyat ng kwarto ko. SA WAKAS... "Next time, you’re not allowed to drink alone or to be with someone without any of us. I don't want Amber to call me looking for you, Violet, and I don't want this to happen again. Get it?" seryosong pahabol ni Duke kaya napahinto ako sa pag-akyat bago tumango. "I will. Thank you for reminding me that I'm not a good drinker. Anyway, Amber can you check-in the team after I’m still on a meeting with my team later? Please check the resto and Saffy please do follow up the flowers for the wedding next month. Thanks, guys,” mahabang bilin ko bago ako pumasok ng kwarto. Pabagsak akong nahiga at saglit na natulala sa kisameng nasa taas ko. Ito ang kinaiinisan ko kapag nakakainom ako at iniiwan madalas na sentimental at lutang. Pero dahil sa lalaking ‘yon saglit kung nakalimotan ang problema ko. At sa dami din nang nakilala kung lalaki siya lang din ang taong trumato sa akin ng kakaiba sa nakasanayan ko. Nag-aalala, pero hindi rin naman nito pinapababa ang sarili niya dahil doon. Akala ko nga ay magagahasa na ako ng wala sa oras at ang iniingatan kung bataan ay masusuko ko ng biglaan. “Hey, ayos ka lang?” Nilingon ko si Duke na naupo sa tabi ko. “Ayos lang. Umuwi na si Saffy?” “Tulog na. Kaya wala ka ng maaaway pa,” ngisi niya sa akin. Lagi kung inaaway ang girlfriend niya pero hindi ko man lang siya narinig na magreklamo dahil doon. At ni minsan din ay hindi niya ako iniwan sa ere o pinabayaan lalo na kung may problema ako. Kahit gaano ako katopak at katigas ang ulo ay lagi silang nandito para sa akin. “Bakit naman kasi sa dinami-dami ng gugustohing babae ay ang isang gaya pa ni Saffy? Pero sabagay wala ako sa lugar para kwentyonin ang lahat ng desisyon mo at mga bagay na gusto mo.” “Wag kang mag-alala. Darating din ang taong ipaglalaban ka sa lahat at mamahalin hindi base sa itsura mo o sa kung ano ang kaya mong ibigay sa kanila.” Matipid akong napangiti bago sumandal sa balikat ni Duke. Pareho naming pinapanood ang langit dito sa rooftop ng bahay ko. Kung sana ang bawat araw ko ay ganito kapayapa hindi sana ganito kagulo ang isip at puso ko na parang may kung anong bagyo sa loob nito. “Mula ngayon hindi na ako umaasa pa. Makukuntento na siguro ako sa kung ano ang meron ako ngayon at kayo ‘yon,” saad ko bago pumikit. Nang magising ako ay nasa kwarto na ako at maliwanag na. Pero tinatamad akong bumangon kaya muli akong natulog. Pero may isang impaktang kakapasok lang sa kwarto ko at ngayon ay inaabala na ako. “Saan tayo pupunta?” “Magmo-mall para malibang ka naman. Hindi ‘yon mukhang tanga ka doon sa bahay.” Napasimangot nalang ako sa sinabi ni Amber habang nakasunod ako sa kanya. Nandito kami sa mall ngayon pinaligo niya lang ako at hinila na papunta ditto. Kahit pa mukhang basahan ang itsura ko ay hindi niya ako tinigilan kanina. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga tao sa itsura ko nakashorts lang ako at nakasuot ng malaking tshirt at pinaresan ito ng tsinelas. “Hindi ako lutang pagod lang talaga ako. Magka-iba ‘yon!” Ingos ko kay Amber na tinawanan lang din ako. “Oo nalang, Violet. Wala na akong sinabi. Tara samahan mo ako bumili ng bago kung laruan. Nasira kasi ni Jorge ang laruang dala ko noong nagkita kami.” “Kilabotan ka nga sa sinasabi mo Ambrosio! Napakabastos ng bunganga mo,” singhal ko sa kanya pero tinawanan lang ako nito. Hindi man lang marunong mahiya ang gago kahit alam niya na nasa pampubliko itong lugar. Ang bibig niya ay balahura pa rin talaga at hindi na nagbago. Sabagay sa ilang taon ko siyang kasama ay ganito na ang bunganga niya mas malala pa nga before compare ngayon. Ang nag-iisa kung kaibigan na matiyagang sinasamahan ako kahit gaano pa ako kaingay at kastress kasama sa dami ng problema ko. Sila ang matuturing kung tunay na kaibigan at ang mga taong nagmamahal sa akin kahit anong mangyari. BLAKE ALMINDREZ Inayos ko ang suot kung kurbata bago lumabas ng kwarto ko at napapailing akong napangiti ng makita kagat na nasa braso ko. Walang hiyang babaeng ‘yon siya ang unang babaeng kumagat sa akin. Ngayon mukhang magmamarka ito nang husto. Kinuha ko ang suit ko bago tuloyang lumabas at nagpasyang daanan ang maligalig na babaeng inuwi ko. "Mom, kumusta sya?" tanong ko ng lumapit sakin sila mommy. "Ayos lang anak." Simpleng sagot nito kaya napabaling ako sa kanilang dalawa nang hindi na ito muling nagsalita. Kanina lang parang sinilihan sa sobrang ingay ng mga bibig nilang dalawa ay halos hindi na bumuka. "What happen? May nangyari ba sa kanya?" tanong ko. Bago dali-daling tumayo hindi pa ako nakakalabas ng kusina nagsalita na ang kapatid ko. "Kuya, she left na,” malungkot imporma bago nilantakan ang ice cream na hawak. "What? You let her leave? Baka naman may ginawa kayo? Ikaw Ayesha may ginawa ka ba? Tinakot mo ba s’ya?" nag-aalala kung tanong. Pano naman kasi sa kulit ng dalawang ‘to for sure narindi na yung babaeng ‘yun mukha pa namang mainitin ang ulo. Hindi ko pa nga s’ya nakakausap tapos umalis na. Mabuti sana kong makikita ko ulit s’ya doon sa bar. "Haist, Kuya pag umalis ako agad reason? Di pwedeng si Mommy?" napalingon ako kay Mommy pero umiling lang s’ya. "O kaya sila yaya or baka you’re the main reason. Why she's running away when she woke up?" napatitig s’ya sakin kaya napakunot lalo ang mata kung kanina pa nakamasid at nag-aantay ng sasabihin nya. "Siguro Kuya hinarass mo sya kagabi noong tulog s’ya noh? Aray ah!” napakapasaway talaga kaya lagi nakukurot ni Mommy kasi ang daming tumatakbo sa isip niya. "Tumigil na kayo! Nagmamadali s’yang umalis nang magising parang may hinahabol o natatakot ata-" "See Kuya natatakot nga s’ya sayo. Ayaw kasi maniwala. Tsk" singit n’ya agad sa sinasabi ni Mommy kaya pinanlakihan ko nalang ito ng mata para manahimik naman. "Tumigil kana Brenna kumain kana may school ka pa," sita ni Mommy sa kanya. Sana naman kaya pupunta ang babaeng ‘yon? Sabagay makakauwi naman siguro s’ya ng maayos di man lang nagawang magpasalamat. Tsk "Actually, anak nagpasalamat naman sya kaso nagmamadali nga sya sa sobrang pagmamadali n’ya hindi na sinuot ang sapatos nya nag-paa nalang s’ya nang lumabas ng gate." Nakangiting imporma ni Mommy na para bang natuwa pa sa ginawa nito. Narinig nya pa ako grabi din akala mo naman close sila kung makapagreminisce. Naku babaeng amazona may utang ka sakin ‘di ka man lang marunong magpasalamat kung iba nakadampot sayo nagahasa kana. Tsk. Napapailing akong dumiretso sa kotse ko dahil may trabaho din kasi ako. Idagdag pang ililipat sakin ang kompanya ni Dad kaya siguradong marami akong gagawin. But let see if will, crossed path again. By that time I’ll make sure you’d remember me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD