II

2356 Words
"Loving you is happiness but holding on to you is worthless.." "Hoy Violeta Masangsang! Baka naman gusto mo ng bumangon jan at magtrabaho te!" sigaw sakin ni Amber. Ang aking bestfriend/kasosyo/kaututang dila/sisteret/kasama ko dito sa condo. We're friends since high school actually apat kami ung dalawang hitad kasi naming friend parehong malandi ayun nag-asawa kaya iniwan kaming mga magaganda. Kahit minsan gusto ko na s´yang sipain at pasakan ang bibig sa sobrang ingay ay hindi ko pa rin magawa. Siya nalang din kasi ang meron ako ngayon dahil ang pamilya ko ay malayo din naman sa akin.  "Pwede ba Ambrosio, tigil-tigilan mo ako kakatalak dyan pag ganitong napapagod at puyat ako ah! Pumasok ka kung gusto mong pumasok wag mo na akong idadamay. Pesti to!" inis ko ding sigaw sa kanya sabay bato ng unan na ewan ko kung tinamaan ba sya basta inaantok pa ako at gusto ko pang magpahinga.  "Hoy, babaetang kasing laki ng hita ko ang braso ipabendisyon mo yang bunganga mo ng hindi puro bastos ang lumalabas. Bumangon kana dyan kasi may presentation pa ang department mo ngayon diba? Anu papabayaan mo nalang silang talak-talakan yun doon ng dragonang amazona na 'yun? Ewan ko nalang talaga pag dika nawalan ng tauhan sa departamento mo. Siguradong ora mismo ay magsisialisan sila," singhal sa akin ni Amber na nakapameywang pa sa harap ko.  At nangunsensya na naman s´ya. Bakit kasi hindi ko matiis ang mga kasama kung tamad na eh lagi pang nagrereklamo? Kung ako lang ayoko ng makita ang babaeng parang nakalunok ng megaphone ang bibig. Ang sakit kaya sa ulo kapag maingay ang buong paligid mo.  "Peste! Ito na tatayo na bwisit na ´to yang amo mo kasi minsan bigyan mo ng lalaki ng hindi puro init ng ulo ang ginagawa. Badtrip gusto ko pang matulooggggg waaahhhh" atungal ko habang nakalaylay na yung katawan sa kama at nagpapadyak. Napuyat ako kakaisip sa pesti kung ex na 'yun. Hayop na 'yun pinatagal pa ng dalawang taon ang relasyon namin tapos maghahanap din naman pala ng bago ang kumag. Dipa sinabi agad ng while assuming ang lola mo ei sinabay ko na rin sana ang magpareserve sa iba para hindi ako lugi. Pesting buhay 'to! Napahawak ako sa ulo ko ng bigla itong kumirot. HIndi ko alam kung dahil sa alak ito o dahil sa pagbato ng baliw na ito. Naalala ko na naman ang bastos na lalaking ´yon. Hanggang ngayon masakit pa rin ang bukol ko. Hindi kaya baliw ´yon kaya ganon? Gwapo nga may sayad naman. Tsk!  "Ba't nga ba inaantok kapa? Tsaka anong oras ka ba hinatid ni boyfriend at puyat ka te?" usisa ng bakla habang naglilinis ng kuko nya. "Tsk..." inis kung bangon sabay dabog ng mga unan. Dumiretso na ako sa cabinet para ilabas yung susuotin ko. Ayokong pag-usapan dahil hindi n´ya ako titigilan. Lalo na at ganon na naman ulit ang dahilan nila kaya ako iiwan. Minsan ang hirap ding tanggapin ang katotohanang 'yon.  "Ayyy, anong drama te? Stress lang ang peg wag ganern aga-aga nangdadamay ka dyan ng masaya ang araw ah!" talak naman nya.  Ang hirap talaga pag naumpisahan syang bumuka ng bibig. Kasi parang malulostred na 'yun sa kakabuka kaya dina masara. Hindi na siya tumitigil sa kakadaldal kaya mas lalong masakit sa tenga ang makinig sa mga kuda niya. "Pwede ba Amber manahimik ka! I'm not in the mood I just wanted to sleep, rest and forget all the things around me right now. Get it?" nakabusangot kung baling sa kanya. Hindi na ako sinagot ni bakla at inirapan pa kaya dumiretso na ako sa banyo. Saglit lang akong naligo at  paglabas ko ay wala na ang mahaderang hitad sa kwarto ko. Siguro nag-aayos na din ng sarili nya ang gaga panu kasi aga-aga nambubulahaw ang bunganga. Tsk!  Gusto ko naman na laging ikwento ang mga nangyayari sa akin. Pero madalas ay nahihiya din ako na malaman nila ang mga kamalasan ko sa buhay. Na kahit anong gawin ko ay hindi man lang ako makakuha ng isang lalaki na mamahalin ako ng husto at totoo.  Mabilis akong nagbihis nakaslacks ako and pleeplum nalang ang pinares ko dito. Hindi naman kasi ako ganon kagandahan ang katawan para mageffort pa. Tingnan mo nga iniwan ng jowa ano pa kaeffort effort dun. Tsskk bitter ampota! "Bessy, alam mo bang ngayon daw ipapakilala yung bagong CEO?" biglang bungad ni Amber ng makalapit ako ng lamesa para kumuha ng inihanda nyang almusal. Sya kasi ang tuka sa almusal kasi yun lang daw ang kaya nya bukod sa magpatirik ng mata ng dyowa nya. Kaya ako sa maindishes coz i can cook no erase it coz i graduated culinary hindi ba halata sa laki kung to. "Talaga.. Edi goodluck pala sakin kung ganon? Kasi for sure manonood at yayain yun ni dragona.." inis kung tanong dito. "Yeah maybe it's really is your day. Anyway sabi naman ni Martha mabait daw yung magiging CEO bukod sa gwapo na ei sobranng hunk pa bebe.” animo bulateng nilagyan ng asin kung kiligin ang gaga may patirik-tirik pa ng mata. "Naku if I know, siguradong matanda na ´yan. Matanda na ang pinalitan n´ya kaya imposible silang kumuha ng mas bata. Pero kaya pala makatirik yang mata mo wagas.. La ako paki kahit sya pa pinakagwapo sa lahat." "Oo nga pala may boyfriend kana kaya di kana makaappreciate ng iba. Lumbay nun te araw-araw yun lang ang ulam kaumay,” natigilan ako sa pagkain sa sinabi niya. Pinaningkita ko ito ng bata ng titigan n´ya ako. "Wala na kami nung hayop na sinasabi im single again after 2yrs of insanity.” Mayabang kung sabi na parang wala lang. "Waaaahhhh as in bebe??" nanlalaki pang matang tanong ni bakla. Tango lang yung isinagot ko sa kanya habang inaayos yung suot kung sapatos. Ayoko ng ikuwento ng buo dahil ayokong iyakan ang mga ganoong tao. Kung hindi ako kayang pahalagahan, ayos lang naman e! Pero huwag din silang humiling sa akin ng higit pa. "Oh,my god at least nagising kana sa katotohanan im so proud of you,” sabay akap sakin. "He's the one who breakup with me wala na daw syang nararamdaman for me. Nakahanap na sya ng bago actually their almost 2 months already nahihirapan lang daw sya magsabi so tinulungan ko nalang kawawa naman ei..Aray ah! Makabatok ka wagas.." angal ko sabay kamot sa ulo akala ko pa naman nalulungkot para sakin mananakit lang pala. "Gaga ka naman kasi malungkot tapos may mga ganong bira ka jan.. Ikaw na pinagpalit makapagsalita ka pa dyan akala mo ikaw ang nangiwan,” asar nyang sabi sakin sabay bato ng unan. Napasadista talaga nitong baklang to diko alam pano ko to naging kaibigan ei.. "I know.. Wala naman kasing mangyayari kung malulungkot at maglupasay ako dito sa bahay maghapon daba? Just like before i need to move on hindi puro nakaasa nalang ako sa panahon para magmove on. Life can't be the same as the fairytale it always slaps you the truth and reality babe... Let's go late na tayo,” aya ko sa kanya at diretso sa kotse nya. Coding ang kotse ko kaya sya ang driver today diko na alam kung may violent reaction pa sya sa sinabi ko. Pero tahimik naman sya buong byahe so siguro nakuha nya narin yung gusto kung sabihin. Hindi lang din naman ito ung first time na iniwan ako maybe it reality sucks. Pero ganon talaga ang buhay kung walang reality na sasampal sa kagagahan mo te wala ka sa mundo baka panaginip yan kinalalagyan mo. "Good morning Ms.Vio!” bati ng secretary ko pagdaan ko sa table nya. "Good morning Melissa.. Lumalaki na yang tyan mo kilan mo balak magleave?" tanong ko dito ng makita ang lumalaki nya pang tyan. "Naku baka 2 months pa Miss kaya pa naman. Asa mesa nyo na pala yung presentation cd ng theme and then yung coffee nyo andoon na rin po.” Nakangiti nyang tugon habang kinakain ang mga tinapay na tinake out nya pa ata. "Ok thanks... Anyway bawal na sayo ang coffee so stop drinking that baka magkahypertension ka,” sita ko sa kanya nakangiti lang din naman syang tumango bago ko sya iniwan papasok sa opisina ko. Buti pa 'yung secretary ko manganganak samantalang ako eto nilulumot na ata yung matres ko pero wala padin. Magmadre nalang kaya ako tumatanggap kaya sila ng matabang madre? Gaga! Sa makasalanan mong bibig na ´yan umaasa ka na tatanggapin ka ng d´yos? Hmmm... Bago pa maglakbay ang utak ko ay nabalik na ako sa reyalidad dahil sa tunog ng teleponong nasa tabi ko. Si Amber? Ayun andun na sa table nyang puro lalaki. "Hello, Violet speaking..." maikli kung sagot dito. Pag direct line kasi meaning kilala ko or from the management kaya bahala sila magadjust. "Hey Babe... Are you busy tonight?" maarteng tanong ng asa kabilang linya. "Pesti! Ang aga-aga landi-landi muna naman. Pwede ka namang magtext ba't ka pa tumawag? Hinaharangan mo ang mga potential client ko,” asar kung sagot dito. "Owww come on babe. Isa lang tinanong ko ang dami na nung sayo. Hurry up! are you free tonight? I'm in the middle of nowhere so just answer okay?" Maarte parin nitog sagot kahit alam na tinatarayan ko na nakakainis talaga pag kilala ka hindi na nasisindak. "Yeah, Text me where and please I have to stop calling me here. Anyway kumusta ang resto ko?" "Okay naman,” nang-uuyam niyang sagot sa akin. “Kahit isang linggo ng hindi binibisita ng may-ari nakatayo parin naman. Anyway dumaan ka dun bukas may bago kaming ginawang recipe ni Cheaf Alex. Tikman mo kung papasa ipapasok namin sa menu." "Okay, i will... Thanks Yanna." Pasalamat ko dito habang binabasa yung mga papers na asa table ko. Diko na narinig kung may sinabi pa sya kasi binaba ko na. Magkikita din naman kami mamaya kaya maya na sya magreport. She's my business partner actually ako ang solo owner sya ang nagmamanage while she's the head cheaf too. Ako? I'm a chef too kaso I like advertising so here i am pursuing my career on both sides. And sometimes we do some events also we have a shop its a friendship shop actually. We contribute on that we love the event and organizing lahat ng gagamitin sa venue meron kami kasi yun ang business namin. Mayabang? Hindi naman sapat lang para ipamukha sa mga lalaki na kaya naming mabuhay without their millions. I love my life kahit lagi akong sinisirmunan ng mga magulang ko at kapatid i love them i know they just care for me. "Hoy, bruha ano na? Anyare na sa presentation kanina kapa inaantay sa conference room." Hampas ni Amber sa table ko. Buti nalang wala akong sakit sa puso meron pala pero hindi naman nakakastroke. Hahahaha "I'm coming. I'm just checking some papers. Kailan pala ipapakilala ang bagong CEO?" curios kung tanong habang papasok ng conference room. "I dont know. Baka ngayo or bukas your my head so supposedly ikaw ang nakakaalam." Mataray nyang sagot sabay taas ng kilay. Tapyasin ko kaya kilay nito tingnan nating kug may maiyabang pa. "Yeah, I'm your head that's why I'm asking you coz I don't mingle with some low-class people around. Lol,” mataray kung sagot dito sabay upo sa may malapit sa bintana. "Impaktang Violeta ka talaga ngayon. Pesti parang di nabroken hearted badtrip," inis na angal nito tinawanan ko nalang sya. Wala na kasi syang masagot sakin. Natapos yung presentation at marami pa akong ginawang trabaho sa table ko. Kailangan kung matapos lahat yun kasi balak ko magbakasyon mga 2 months bwahahaha. Lumabas ako ng building ng matapos ko yung mga trabaho ko almost 6pm narin nung nakababa ako. Kanina pa naguwian ang mga tao dito sa building baka ako nalang tsaka mga maintenance at guard ang andito. Nagmumuni-muni muna ako habang nakatayo sa tabing kalsada ng nahulog yung pouch ko. Wala namang sasakyan kaya kinuha ko na habang inaabot yun diko namalayan na meron palang mabilis na kotseng parating. Agad akong di nakagalaw habang nakatingin dun sa kotse diko alam kung tatayo o hahayaan ko nalang bumunggo yun. Napapikit nalang ako at inantay na bumangga yun sakin kasi kahit umiwas ako huli na din. Pero bago pa yun bumangga sakin dalawang matigas na kamay ang humawak sa braso ko at hinila ako paharap sa kanya. Parang nagslow motion ang lahat pati ang puso ko. Diko alam kung paano titibok ng maayos sa sobrang bilis nito at takot ko. "Ang buhay pinapahalagahan hindi pinapabayaan. Be carefull next time i dont want to see you in trouble again,” sabi ng lalaking asa harap ko. Nakayakap parin sya sakin habang ang lakas ng t***k ng puso ko sa nangyari. Pati paghinga ko ay halos hinahabol ko na sa sobrang bilis nito. "Oh god,” hinga ko ng malalim akala ko mamatay na ako. "It's ok your safe now! Take care of yourself your too careless,” masungit nyang sabi sabay talikod sakin. Diko man lang nakita 'yung mukha nya tangkad naman kasi nya. "Wait!” sigaw ko dito bago makalayo. Hindi sya lumingon pero huminto sya kaya alam kung nag-aantay sya. "Thank you!” maikli kong sabi hindi na sya lumingon kinaway nya lang yung kamay nya. At tuloy-tloy na sya sa paglalakad pasakay sa isang Land Rover na black. "Thank you pa din. I don't know what's more painful leaving my life and let them treat me like s**t? Or just let myself die so the pain won´t exist anymore?” Naiiyak kung bulong habang tinitingnan ang sasakyang papalayo. Ngayon ko nararamdaman ng husto yung sakit ng naiiwan palagi. Yung binibigay mo ang lahat kahit sumugal ka pa pero madalas kulang talaga. Or sa madaling salita kahit kailan hindi naging sapat ang lahat ng bagay na binibigay ko sa kanila.  Kahit isakripisyo mo ang lahat kahit buhay mo pa kung hindi akma kusa 'yung kakalas.  Sana lang balang araw wala na 'yung sakit kahit konti mabawasan man lang kasi madalas sa bawat ala-alang pinanghahawakan ko sayo nadadagdagan 'yung sakit. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD