CHAPTER XI Sa ilang beses kung nagtiwala at nagmahal ganoon din ang bilang kung ilang beses akong nasaktan dahil sa kanila. At itong huli ay parang narirealize ko na yata kung gaano ako Katanga. Kung gaano paglaroan ng mga lalaking ito dahil sa mga simpleng rason lang. “At anong klaseng kabaliwan na naman ito, Violeta?” dinig kung pagsusungit ng bisita ko sa loob ng kwarto ko. Ay ako nga lang pala ang nakikibisita sa kanila ganito na ang set-up ko ever since I came here. Syempre iba ang set-up pag nandito pa si Kuya tsaka mga pamangkin ko. Minsan ko nalang kasi silang makasama kaya sinusulit ko na pero sadyang nakakaakit lang ang kama lagi akong hinihila. “Kuya, let me sleep please! Maaga pa wag ka naman munang maingay,” ungot ko dito bago siniksik ulit ang sarili ko sa mg

