Pagka-balik ko sa ospital, nalaman ko mula kay Lucio na nai-lipat na si Sebastian sa isang kwarto. Magandang balita na iyon sa akin dahil ang ibig sabihin n'on, successful ang operasyon niya. Laking pasasalamat ko dahil hindi ako naka-tanggap ng masamang balita pagka-balik ko. Matapos kasi naming mag-usap ni Lucio tungkol sa 'totoong nararamdaman' ni Sebastian para sa akin ay pina-uwi niya muna ako para makapag-pahinga nang saglit at ayusin ang sarili ko lalo at gown ang suot ko kanina, puro dugo pa kaya napaka-rumi ko. Noong una ay hindi pa sana ako papayag dahil gusto kong bantayan si Sebastian pero naisip ko na mas maganda na rin iyon dahil pakiramdam ko ang lagkit-lagkit ko kanina. Pagka-uwi ko naman kanina, si Cora agad ang bumungad sa akin. Laking pasasalamat ko rin dahil walang ma

