bc

Playing The Billionaire

book_age16+
1.3K
FOLLOW
7.3K
READ
brave
billionairess
bxg
others
first love
school
like
intro-logo
Blurb

Claralie Severino believed that destiny was the one who brought Sebastian Lancelot Laxamana, the billionaire's heir, to her. She thought that being in love with him was the most fantastic feeling in the world.

Pero akala niya lang pala. Lahat nang paniniwala niya sa pagmamahal ay naglaho. All she wanted to do was to avenge her broken heart who had been broken by the man that made her feel enchanted butterflies inside her stomach, but also the man who caused heavy thunders inside her heart.

Many years after, they've finally saw each other again, only to find out that Sebastian's planning to marry her before Lucio Facundo, Sebastian's grandfather dies. Tinanggap niya ang offer hindi dahil mahal niya pa ito, tinanggap niya iyon para mapaghiganti ang puso niyang binasag nito. Magagawa niya nga bang magtagumpay o mabubulag na naman siya ng pagmamahal na matagal niya nang iniiwasan?

chap-preview
Free preview
Simula
"Anak, pasensya na kayo kung iyan lang ang maipapakain ko sa inyo ngayon, ha? Walang-wala na kasi si Nanay. Ayaw na rin tayong pautangin nina Aling Selya dahil marami na rin tayong utang sa kanila kaya iyang dalawang itlog lang ang nabili ko dahil sakto na sa perang kinita namin ng Papa mo kanina." Ngumiti ako at binalingan ang kapatid ko. "Okay lang po 'yon, Nay. Masarap naman po itong itlog, e. 'Di ba, Cora?" "Opo, Ate, lalo kapag sinawsaw mo dito sa asin." Malaki siyang ngumiti sa akin. Natawa si Nanay at hinaplos ang buhok naming dalawa ni Cora. Ilang saglit pa ay nawala ang ngiti sa labi niya na labis kong ikinataka pero imbes na abalahin pa iyon ay pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko sa itlog na nilagang inilaga nina Nanay kasama doon sa sinaing nilang bigas. Kaming dalawa lang ni Cora ang kumakain dahil natutulog si Tatay dahil sa pagod at si Nanay naman ay nakatingin lang sa aming magkapatid na kumakain. "Pasensya na kayo kung hindi namin kayo mabigyan ng magandang buhay ng Tatay niyo, ha? Patawad kung hindi kami masyadong nagsumikap para sa kinabukasan niyo ng kapatid mo. Sa totoo lang, ang sakit-sakit para sa akin na makita kayong ganiyan, hindi ko naibibigay sa inyo ang sapat na kailangan niyo at mga gusto," naiiyak na sambit ni Nanay, patuloy pa rin sa paghaplos ng buhok namin ni Cora. Kumunot ang noo ko. "Okay lang po 'yon, Nay. Sobra-sobra naman po iyong pagmamahal na ibinibigay niyo ni Tatay sa aming dalawa ni Cora." "Pasensya na talaga kayo, ha? 'Wag kayong maga-alala at nagsusumikap na naman kami ng Tatay niyo dahil lumalaki na kayo. Maga-aral ka na, Clara at lumalaki na rin si Cora." Biglang sumagi sa isip ko iyong eskwelahan na hindi kalayuan sa bahay namin. Tuwing umaga at hapon ay palagi akong nakatanaw doon, pinanonood iyong mga estudyanteng pumapasok at umuwi. Minsan nga ay naiinggit ako sa kanila dahil pwede na silang pumasok sa eskwelahan. Mabuti na lang rin at tumatanda na ako kaya pwede na akong pumasok sa eskwelahan. Hindi na ako maiinggit sa kanila. Minsan nga ay napapaisip ako, ang daming tanong na pumapasok sa isip ko. Ano kayang pakiramdam kapag pumasok na sa eskwelahan? Ano kayang ginagawa nila kapag naga-aral? Marami kaya silang nagiging kaibigan sa eskwelahan? Pero, sabi kasi ni Ate Mae, ang kapitbahay namin, ay masaya raw sa eskwelahan. Marami raw siyang naging kaibigan at mas masaya raw sa eskwelahan kapag maglalaro kayo ng mga kaklase mo pagkatapos ng klase. Natutuwa tuloy ako at mas lalong nasasabik sa tuwing iniisip kong malapit na akong pumasok. "Ayan, ang ganda ng anak ko!" Humagikhik si Nanay sabay hawi sa buhok kong nakaladlad. Hinayaan niyang nakaladlad ang buhok ko ngunit naglagay naman siya ng dalawang kulay pink na clip sa ulo ko, iyon 'yong clip na binigay sa akin ni Ate Mae dahil papasok na raw ako at excited daw siyang makita akong nakasuot ng uniform. Mabait naman talaga iyong si Ate Mae na kapitbahay namin kaya minsan ay napapahiling na lang ako na sana ay kapatid ko rin siya. "Maganda ako, Nanay?" tanong ko, malalaki ang ngiti. "Oo, anak!" Nakita kong nangilid ang luha niya. "Ang laki-laki mo na talaga. Sana huwag kang magbago kapag lumaki ka na, anak, ha?" "Bakit naman po ako magbabago, Nanay?" Natawa ako. "O siya, ihahatid na kita sa unang araw mo ngayon. Mag-aral ka nang mabuti at makinig ka sa mga itinuturo ng guro mo, ha?" Tumango ako at ngumiti. "Opo, Nanay." Pagkalipas ng ilang minuto ay sabi ni Nanay na huli na raw kami kaya inihatid niya na ako sa eskwelahan. Pinagbaon niya ako ng kanin at ulam na de lata dahil iyon lang ang naroon sa bahay. Binigyan niya rin ako ng isang biskwit na inutang niya pa sa kabilang tindahan para raw may pagkain pa ako kapag nagutom ako. Masaya ako buong klase, parang nasagot ang lahat ng tanong ko kung anong pakiramdam ang nasa loob ng eskwelahan. Masaya ako at tuwang-tuwa dahil may isa akong naging kaibigan na katulad ko rin. Iyon nga lang ay sa malayo raw siya nakatira kaya hindi na kami pwedeng magkita pagkatapos ng klase. "Anong baon mo ngayon?" tanong niya. Narito kami sa canteen ng school dahil dito namin napiling kumain ng baon namin. May maliit na mesa rito kaya doon kami tumungo dahil iyong mga malalaking mesa ay mga nakaupo nang mas nakatatanda sa amin. "Ito, o." Ngumiti ako. "Sardinas?" Bigla siyang ngumiwi pero binawi niya rin agad iyon. "Sawa na ako dyan kasi ulam namin 'yan kahapon at noong isang araw. Alam mo ba ang baon ko?" "Masarap naman itong sardinas, ah? Paborito ko nga ito tsaka 'yong nilagang itlog," sagot ko at ngumiti. "Ano ba ang baon mo?" "Hotdog!" Malaki siyang ngumiti at ipinakita sa akin ang baunan niya kung nasaan iyong sinasabi niya. "Ano 'yan?" kunot noong tanong ko dahil hindi iyon pamilyar sa akin. Mahabang kulay pula kasi iyon na may tatlong hati-hati na patagilid. Ngayon ko lang nakita iyon kaya nagtataka ako kung ano 'yon, hindi pa naman iyon ipina-ulam sa amin nina Nanay at Tatay dahil kalimitan sa ulam namin ay de lata o hindi kaya ay isda na biningwit pa nina Tatay sa dagat kasama ang mga kaibigan niyang isinasama siya minsan. Hindi naman mangingisda si Tatay ngunit sumasama na lang siya para may mai-ulam naman kami. "Hotdog 'yan. Hindi mo ba alam 'yan?" "Hindi, e." Kinamot ko ang ulo ko. "Gusto mong tikman? Masarap 'to!" Kuminang ang mga mata ko. "Talaga?" "Oo naman!" Wagas siyang ngumiti at humiwa doon sa hotdog na sinasabi niya. Kinuha niya iyon at inilipat sa lalagyan ko. Ngumiti muna ako sa kaniya bago tinusok iyon gamit ang tinidor ko tsaka iyon sinubo. Saglit akong natigilan ngunit nang nguyain ko ito ay parang naging hugis puso ang dalawang mata ko. "Ang sarap!" nakangiting bulalas ko. "O, 'di ba? Sabi ko sayo, e!" Ngumiti siya ulit. "Best friends na tayo, ah? Simula ngayon hanggang sa tumanda tayo, best friends na tayo!" Tumango ako at nakipag-high five sa kaniya. Humagikhik kami pagkatapos at pinagpatuloy na ang pagkain namin. Iyon ang naging umpisa ng pagkakaibigan namin ni Valerie. Simula elementary hanggang kolehiyo ay siya na ang nakasama ko... Kaya lang, huminto ako sa paga-aral kaya hindi na kami masyadong nakakapagkita. Mabuti na lang ay alam niya ang bahay namin kaya kapag may oras siya ay pinupuntahan niya ako. Iyon nga lang, hindi kami nakakapang-abot dahil wala rin ako sa bahay dahil tumutulong ako kina Nanay sa pagt-trabaho sa paglalabada niya sa mga bahay-bahay. Hanggang mag-kolehiyo ako ay hindi na talaga nagbago ang buhay namin. Sa pag-usad ng buhay ay siyang pag-atras lalo ng pera sa amin. Isang kahig, isang tuka. Iyon kami kung mailalarawan ngayon. Kung noon ay hirap na hirap na kami, parang mas lalo lang kaming naghirap ngayon dahil minsan ay isang beses na lang kami kumain sa isang araw. Minsan pa ay itutulog na lang namin ang gutom namin. Naaawa na ako sa mga magulang ko kaya huminto na rin ako sa paga-aral. Ngayon ay si Cora ang naga-aral kasi nagpaubaya ako. Ang importante ay makapagtapos siya sa highschool. "Pasensya na kung hindi ka makakapag-kolehiyo, anak, ha? Kailangan nating mapagtapos ang kapatid mo," paghingi na naman ng tawad ni Nanay. Pinunas ko sa damit ko ang basang kamay ko at hinawakan nang mahigpit ang kamay ni Nanay. Nagpilit ako ng tawa sa kaniya kahit mabigat ang dibdib ko. "Ano ka ba, Nay? Okay nga lang 'yon, ang importante ay makapagtapos si Cora sa highschool. Marami pa namang oras para makapag-aral ako, Nay." Ngumiti ako. "Sa ngayon po, tutulong muna ako sa inyo ni Tatay para sa matrikula ni Cora." "Napakabait mo talaga, hindi ka na nagbago." Hinaplos niya ang mukha ko. "Mahal na mahal kita, Clara." "Mahal rin po kita, Nay." Niyakap ko siya at nagtawanan kami. Pagkatapos n'on ay bumalik ako sa paglalaba, ganoon rin naman si Nanay kaya hindi na kami nag-imikan. "Ma'am, nandito na po kayo." I got back to my senses when I heard Manong Oliver's voice. I roamed my eyes around, only to find out that we're already in front of my company's building. I immediately grabbed my designer handbag and got out of the car. The greetings of the people I've passed by echoed in my ears, but I remained soundless and ignored them just like what I always do. "Good morning, Ma'am Claralie!" Sandra, my secretary, greeted me with a big smile plastered on her face. I didn't answer her and went straight to the lift. Tons of people are inside so I stayed outside, waiting for them to get out of the elevator. "Good morning, Ma'am Clara!" they greeted in unison. I crossed my arms and lifted a brow, still waiting for them to get out of the stupid elevator but I don't if they're just naive and stupid or what. I gave Sandra a meaningful look that she immediately understood. "Lipat na lang kayo sa kabilang elevator or mag-hagdan na lang kayo, uy," Sandra whispered to them. "Ayaw ni Madam na may kasabay." "Oh, sorry po!" Just as I wanted, they came out of the lift so I could finally get inside. But, before the elevator closes, I saw a group of girls rolling their eyes. I just smirked and turned my gaze on Sandra, who's now beside me, carrying a thick folder in her hands. "Ma'am, you have a scheduled meeting with new clients and a scheduled private meeting with Mr. Laxamana." My forehead creased. That last name, Laxamana, is familiar to me, but I can no longer recall when and where I last heard it. "Mr. Laxamana?" I made sure if I heard it right. "Yes, Ma'am. A scheduled meeting with Mr. Sebastian Lancelot Laxamana." That name... That damn name. That name used to give me butterflies inside my stomach before, but every time I hear that name now, it makes me want to p**e. He used to give me butterflies, he even can give me a whole damn zoo, but I will never forget the day that he caused a heavy storm and thunders in my heart. "Cancel that private meeting with Mr. Laxamana," I answered. "Po? B-Bakit, Ma'am?" "Quit asking, Sandra. Cancel that private meeting or you will be cancelled." She just kept her mouth shut and took her tablet to do what I wanted her to do. I heaved a very deep sigh as our memories flooded my mind. Our memories... My memories with Sebastian Lancelot Laxamana.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook