"So..." Tahimik akong bumaba ng kotse ni Sebastian nang hindi man lang siya nililingon. Saktong pagbaba ko ay narinig ko ring isinara ni Sebastian ang pintuan niya sa kabilang parte ng kotse, mukhang bumaba siya ng kotse. Naglakad ako palapit sa gate namin at muling humarap sa kaniya. "Goodbye, Clara," paalam niya, seryoso at hindi na nangangasar. "Let's just see each other in the eyes." "Yea." Tipid akong ngumiti at tumango. Akma akong tatalikod na nang bigla niya akong tawaging muli. Bumuntong hininga ako at napa-irap tsaka muli siyang hinarap. "What now?" I asked boredly. "Ah... Nothing." He smiled, that was an unusual smile. "I'll go now," paalam ko. Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at tumalikod na. Pumasok ako sa loob nang hindi man lang siya nilingon, kahit sulyap man

