Nagising ako sa isang madilim na silid. Nang mahimasmasan ako ay iginala ko ang paningin ko para tignan kung nasaan ako. Madilim iyong kwarto at wala akong makita. May mga kaunti lang na naa-aninag akong gamit katulad ng mga upuan at kung ano pa na hindi ko na masyadong makita. Dahil doon ay natulungan ako n'on na malaman kung nasaan ako ngayon. Alam ko ito, narito ako ngayon sa isang madilim at hindi na nagagamit na classroom. Sa ika-apat na palapag ito ng building namin, napuntahan ko na ito noong nag-linis ako ng mga banyo, saktong nadaanan ko ito. Kaya pala napaka-pamilyar. Para akong pagod na pagod na parang napaka-rami kong ginawa. May mga masasakit na parte sa katawan ko na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Kinabahan ako bigla. Bakit kaya dito ako dinala? Ano namang kailangan

