"Hello po, 'Nay..." Lumingon sa akin si Nanay, natigilan siya sa pagla-labada si Nanay para lang harapin ako. Pinunasan niya ang pawis niya gamit ang itaas na parte ng braso niya at nginitian ako. Nang makita niya ang kabuuan ko ay napansin kong kumunot ang noo niya at nanliit ang mga matang tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Bakit ang dumi ng uniporme mo, Clara? Anong ginawa mo?" Nawala ang magandang ngiting naka-plasta sa mukha ko nang maalala ko iyong nangyari kaninang panga-away sa akin nina Irina at Alexa. Ayaw ko namang malaman ni Nanay iyon, baka kung ano pa ang gawin niya. Ayaw na ayaw niya pa naman na inaapi kaming dalawa ni Cora dahil tiyak na magagalit talaga siya. Baka nga sumugod pa si Nanay sa CSA kung ganoon. Kaso, wala naman kaming laban dahil si Alexa iyon. Alam kong

