Two weeks have passed when that dinner happened. Sa dalawang linggong iyon ay hindi pa kami nagkita ni Sebastian. Magt-text lang siya kapag may kailangan siya, doon lang din kami nagu-usap. Sa text lang rin. Hindi ako masyadong nagr-reply dahil ayaw kong iparamdam sa kaniya na magaan ang loob ko sa kaniya kahit na hindi naman talaga. Gusto kong iparamdam sa kaniya na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako komportable sa kaniya kahit pa nagpapanggap kaming dalawa. Tutal ay doon naman siya magaling, doon niya lang ako maaalala. Maaalala niya lang ako kapag may kailangan siya sa akin o 'di kaya kapag gagamitin niya na naman ako. Gamit lang yata ako para sa kaniya na gahamitin niya lang kapag kailangan niya. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nakikita ang halaga ko. O baka nakikita niya ngunit

