"Rise and shine, Clara." Nagising ako dahil sa isang boses na nagmumula sa kung saan. Pagka-dilat na pagka-dilat ko, agad ko ring nai-pikit ang mga mata ko dahil sa pag-tama ng sinag ng araw na nagmumula sa labas ng bintana ko. Kumirot ang sentido ko at naramdaman na ang malakas na epekto ng hang over sa akin. Mukhang napansin ni Sebastian ang pag-ngiwi ko at paghi-hilot sa sentido ko dahil kahit busy siya sa pagb-bukas ng kurtina sa kwarto ko ay inihinto niya muna iyon para lapitan ako. "Here, drink this water. That's just a hang over. Mawawala rin iyan," he said and extended his arm to give me a glass of water. Hindi ko muna kinuha mula sa kaniya iyong tubig dahil masakit na masakit pa rin ang ulo ko. Hindi ako masyadong makagalaw nang maayos. Pinagsisihan ko tuloy na uminom ako kag

