"Hanggang kailan mo i-iwasan si Sebastian, anak?" Isang tanong mula kay Nanay ang narinig ko. Sabado ngayon, wala akong pasok at wala rin akong gagawin dahil natapos ko na ang mga gagawin ko kagabi kaya naman napag-desisyunan kong tulungang mag-trabaho si Nanay ngayon. Kasalukuyan kaming nagla-labada ni Nanay ngayon sa kapitbahay namin. Sakto nga na narito ako dahil ang daming ipinalalaba nina Aling Nena kay Nanay kaya matutulungan ko si Nanay para hindi siya mahirapan. Tapos magpa-plantsa pa siya ng mga damit nina Aling Teresa doon sa kabilang kanto kaya tutulungan ko rin siya doon para maging madali na lang ang trabaho niya. Alam kong malaki ang kikitain ngayon ni Nanay, sapat na iyon sa pang-kain namin mamayang tanghalian. Kaso, kung magba-bayad pa sila ng utang nila, mukhang mababaw

