Matapos kong hilahin papasok si Sebastian sa loob ng CSA ay mabilis kong binitawan ang kamay niya at tinaasan siya ng kilay. Pinakita ko pa talaga sa kaniya ang pagpa-pagpag ko ng kamay ko dahil sa ginawa kong pag-hawak sa kamay niya kanina para lang asarin si Alexa doon. He lifted his eyebrow. "What was that?" "Wala!" pabalang kong sagot. "You just introduced me as your fiancé, Clara." He suddenly smirked. "I thought they don't need to know what's going on between us?" "H-Hindi nga!" I stuttered, medyo napapahiya na ako. Iyon nga ang sinabi ko sa kaniya noong nakaraan, na hindi namin kailangang mag-panggap hanggang dito dahil wala naman silang dapat malaman sa amin, ngunit masyado akong nainis kay Alexa na gusto ko siyang asarin dahil sa pagsisinungaling niya kaya ko ginawa 'yon. Hin

