Chapter 1

1147 Words
CHAPTER 1 Liwanag galing sa veranda ang bumungad kay Anne. “Ugh! Sakit…” bulong nito at napa-upo. Salo-salo niya ang kaniyang ulo na akala mo ay mahuhulog sa sobrang bigat nito. Napakunot siya ng noo nang ma-realized niya kung nasaan siya. “Nakauwi ako?” bulong na naman niya sa sariili. Andito siya sa mismong apartment nito at hindi niya maintindihan kung bakit masakit ang kaniyang ulo. Bigla ay naka-amoy siya ng pagkain. “Goodmorning” isang lalaking may hawak na dalawang mangkok ang bumungad sakaniya. “S-Sino ka? Bakit ka nasa apartment ko?” Sa unang pagkakataon, ang walang emosyon na si Anne ay biglang napasigaw. Napakunot naman ang lalaki sa sinabi ni Anne. “Apartment mo?” bila itong natawa at umupo na. maliit lang ang apartment. Tama lang sa isang tao at isa lang din ang higaan. Umiiling ang lalaki. "Lasing ka pa nga. Eto inumin mo. ‘Wag kang mag-alala gamot ‘yan para sa mga naka-inom ng marami tulad mo” hindi pa rin nagsisink-in kay Anne lahat ng narinig niya sa lalaki. Tinignan nito ang suot-suot na damit at tsaka lang napabuntong hininga nang malaman niyang kompleto pa ito. “’Wag ka rin mag-alala. Wala akong ginawa sa’yo kahit na…” hindi siya natapos nang biglang sumingit si Anne. “Kahit na… ano?” Napasapo si Anne dahil sa naiisip. “Maniac!” Sigaw nito. “Hindi ako maniac. Gusto kitang palitan ng dami dahil sobrang basa mo kagabi pero hindi ko ginawa. Basta! Wala akong ginawang masama sa’yo, okay?” Hindi alam ni Anne kung bakit para siyang nabunutan ng tinik. “Uminom ba ‘ko kagabi?” mahinang tanong ni Anne na para bang nahihiya. “Hindi mo matandaan?” Tanong naman ng lalaki. Napasandal si Anne sa pader at inisip ang nangyari sakaniya kagabi. "Naalala ko lang ay naglalakad ako sa gitna ng ulan kase gustom kong uminom. Tama. Naghanap ako nng murang bar… Tapos biniggyan ako ng twalya tapos biglang may isang lalaking kumakanta” dahil sa sinabi ni Anne ay napatingin sakaniya ang lalaki at seryoso niyang tinitigan ngayon si Anne. “Tapos… Para akong nakatulog sa boses niya… Hindi ko alam paanong nangyar---“ “Nakatulog ka dahil sa kalasingan” pagsingit ng lalaki. Nag-aayos na ito ng mga pagkain. “Huh? Ibig sabihin marami akong nainom?” tumango naman ang lalaki at gulong-gulo pa rin ngayon si Anne. Hindi niya pa rin malaman kung paano siya nakauwi at bakit siya dinala ng lalaki sa apartment nitong si Anne. Biglang sumakit ang ulo ni Anne at may naalala. Nag-iwas siya ng tingin dahil sa titig ng lalaki. Hindi niya maintindihan kung bakit sa mga oras na ‘yon ay nakaramdam siya ng kapayapaan. Muling nagtama ang kanilang tingin at na-realized ni Anne na hindi nawawala ang titig ng lalaki sakaniya. Nang dumating na ang order nitong alak ay nilagok niya ito at doon nalamang niya binaling ang atensyon kaysa sa lalaki. Patuloy siya sa pag-order at tumatama na ang alak sakaniya. Ilang sandal pa, bigla na siyang nakatulog. Nang natapos ng kumanta ang lalaki ay hindi niya rin maintindihan kung bakit nais niyang lumapit kay Anne ngunit pinipigilan lamang niya dahil hindi niya naman ito kilala. "Marco… Marco!” Pagtawag ng isang ka-trabaho ni Marco, iyong lalaking kumakanta sa stage. “Bakit?” tanong niya. “Ikaw na nga manggising do’n?” pagturo ng babaeng waitress. “Humihilik eh. Ang sabi mahirap daw gisingin ang mga humihilik. Naku! Baka sabunutan pa’ko” pag-angal naman nito. Natawa naman si Marco at lumapit na nga kay Anne. “Miss? Miss, gising na. Magsasara na kami. Miss” inalog na ni Marco si Anne pero hindi pa rin ito nagigising. Miss---“ hindi na siiya pinatapos at napadaing naman si Anne. “Ch-Chasing S-Snow… ba ‘yon? Ay! Si Snow White pala ang kumanta no’n” natawa naman si Marco sa mga pinagsasabi ni Anne dahil sa kalasingan. Pumalakpak pa ito. “Woooh! Ang galing” nagthumbs-up pa kahit wala naman nang kumakanta. “Good job. Next… Next song ko ay ano… Ano…” “Miss, lasing kana. Kailangan mo nang magpasundo” ani Marco. "Shhhh!” minuwestra pa ni Anne ang hintuturo sa labi ni Marco na siyang kinagulat ng lalaki. “’Wag kang ma-ingay. May magkakanta sa’kin. Next song!” tinaas pa ni Anne ang kamay at pinagtatawanan na siya ng mga ibang waitress at siya nalang ang tanging customer. Lumapit na sakaniya ang manager. “Checkan mo nga ‘yung cellphone niyan para ipasundo nalang. Tsaka hindi pa ‘yan nagbabayad eh”. Nakatulog muli si Anne sa may lamesa habang hinahanapan siya ng gamit. "Sir… Wala po siyang dala ni kahit cellphone or wallet” ani Marco at napasapo naman ng noo anng manager. "Naku! Sinasabi ko na nga ba eh! Ang dami niyan in-order wala naman palang pambayad!” sigaw ng manager at nagsipasok na ang mga waitress. Tanging si Anne, Marco at ang Manager nalang ang natira. "Hoy! Miss! Pulubi ka ba! Gumising kana!” biglang pinagsisipa ng manager ang upuan. “Gumising kana o ipapatawag ko ang pulis---“ hindi na natapos ang sasabihin ng manager nang sumingit si Marco. "S-Sir… ako na po ang bahala sakaniya. Ako na rin po ang magbabayad sa bill niya” laking gulat ng Manager niya sa sinabi ni Marco. Muling tumingin si Marco kay Anne na ngayon ay humihilik. Biglang napangiti si Marco dahil sa mga pinagsasabi kanina ni Anne. "Ano naaalala mo na?” Tanong ni Marco kay Anne. Napasapo ng bibig si Anne nang nalaman niya na kung sino ang lalaking kaharap niya. "I-Ikaw… yung lalaking kumakanta?” tanong ni Anne. Napangiti naman si Marco sa naalala, “Yup! Chasing Snow pa” tinitigan lang siya ni Anne nang blangkong ekspresyon at napatikom naman si Marco. "Teka! Paano mo alam ang apartment ko? At bakit andito ka pa rin?” wala ng emosyon na pinakita si Anne at naguguluhan naman ngayon si Marco. "’Wag mong sabihin isa kang stalker?” gulat na napatayo si Marco. “Stalker?! Hoy! Hindi ako stalker! Tsaka ano bang pinagsasabi mo, babae?! Dito kita dinala sa apartment ko dahil hindi ko alam kung saan ka nakatira lalo na’t wala kang dalang cellphone. Hindi naman pwedeng hayaan lang kita kahit saan. Bahay ko ‘to at hindi ako stalker. Tapos!” nag-iba na ang tono ni Marco at bakas na sakaniya ang dismaya. Anne surveyed around. Wala na ang kaniyang mga gamit. Iba na rin ang ayos na kaniyang kamay. Ngunit ang presensya ng kaniyang kwarto ay ramdam niya pa rin. "Ikaw? Ikaw ang may-ari ne'to?" He look at Marco's eyes and he nodded.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD