Prologue
"irasshaimase (welcome in Mizusiki Salon)" walang emosyon pagbati ni Anne sa mga customer na pumapasok. Isa siyang taga-masahe sa isang salon spa na pag mamay-ari ng isang Hapon.
Hinawi niya ang kaniyang buhok sa likod ng kaniyang tenga at umupo na sa harap ng costumer at minasahe ang paa nito. "Eakon o hiyasu. Samuku natte kimashita (cool down the air-conditioning. I'm getting cold). utos ng isang costumer.
"Hai (Yes, ma'am!)" mahina niyang tugon at agad siyang tumayo. Hinina na nito ang air-cooler sa loob ng salon. Dalawang taon palamang siyang nagta-trabaho sa Maynila pero halos napasukan na niya ang iba't-ibang trabaho para lang may ma-ipadala sa probinsya. Simula nang nasalanta ng bagyo ang bahay nila sa Nueva Viscaya ay napilitan siyang maghanap ng trabaho at may maipadala.
Si Anne Pablo ay 24 years-old na nais maisulong ang Pamilya sa kahirapan. Kaya naman sa tulong ng Tiyahin niya ay nagkaroon siya ng pagkakataon upang makapunta sa Maynila para magtrabaho ngunit ngayon ay hindi na nagparamdam sakaniya at iniwan nalamang sa ere. Ngunit nagpapasalamat pa rin itong si Anne dahil kahit paano ay may naipapapadala siya.
"Hello? Tay?" naglalakad si Anne papunta sa susunod na trabaho habang naka-ipit ang cellphone nito sa tenga at inaayos ang tali ng buhok. "Oh, anak? Naku, patulog na pa man din kami" ani ng papa niya.
"Gano'n ba. Gusto ko pa naman marinig ang boses ni Butchog ko" wika ni Anne at hinawakan na ang selpon. "Ateeee!" masayang sigaw ng batang lalaki sa kabilang linya. Bigla naman kinurot ang puso niya dahil sa pagkamiss sa kapatid. "G-Good boy ka ba d'yan? Alam mo ba bukas pupunta ako sa Ocean Park dahil may bagong work si Ate do'n. Makakakita ako ng mga iba't-ibang fish!" pang-aasar niya sa kapatid at narinig naman itong napasigaw dahil sa excitement ng kapatid kaya mas napagaan ang loob ni Anne.
"Ano work mo do'n, ate? Ibig sabihin makikita mo si baby shark?" tumango si Anne kahit pa hindi naman siya nakikita ng kapatid dahil nai-imagine nito ang itsura ng kaniyang nakababatang kapatid na si Nathan. Pumasok na siya sa isang club at doon naman ay isa na siyang waitress.
"Oo, butchog. Kaya bukas video call tayo, ah? Ipapasyal ka ni Ate dito basta hintayin mo ang tawag ko. Ayos ba?" ani Anne. Nag-kwentuhan pa sila ng ilang minuto at natapos lang ang usapan nila tungkol sa bagong trabaho ni Anne sa Ocean Park nang biglang hiningal ang kaniyang kapatid. Meron kase itong sakit ng hika kaya naman dahil sa sobrang excited at kanina pa pala raw nagtatalon-talon dahil sa tuwa kaya napagod.
Nagpalit na ng uniporme si Anne at sinimulan ang trabaho.
"Miss dito nga! Halika! Hmmmp! Buti nalang may magagandang serbidora dito!" Nanggigigil pa ang lasing na lalaki na mukhang may pagnanasa pa kay Anne. Binaba na ng dalaga ang bucket ice at aambang aalis na ito pero bigla siyang hinila dahilan para makulong siya sa bisig nito.
"Hindi po ako nagta-table. B-Bitawan niyo po muna ako at tatawag ako nang---" hindi siya pinatapos at mariin siyang hinawakan sa magkabilang braso.
Buti nalang ay kumuha ng pwersa si Anne at nakawala siya sa pagkakakulong sakaniya ng lalaki. Kinuha na niya ang bucket at aalis na sana nang muli siyang hinigit ng lalaki sakaniyang bewang at ngayon ay napakandong na ito sa lalaking ngumingisi na.
Wala pa rin emosyon ngayon si Anne pero sa kaloob-looban nito ay natatakot na siya.
Naramdaman niyang may humahawak sa kaniyang dibdib at hindi na siya nagdalawang-isip pa na kunin ang bote ng alak at inuntog niya ito sa ulo ng lalaki dahilan upang mapasigaw ang mga taong nandoon at makatulog ang lalaki sa may coach.
Hingal na hingal si Anne na para bang hinabol siya tsaka siya nilapitan ng manager niya. "Anne! Ano ka ba?! Bakit mo ginawa 'yon?! Naku!" Dinaluhan na ang lalaki at sa mga oras na 'yon... Sa oras na siya ang may kailangan ng tulong siya pa ang nalagay sa maling sitwasyon.
Bagaman hindi nila alam ang buong kwento sa likod nang pangyayari kung kaya't madali nilang sisihin si Anne.
Walang pag-aalinlangan naman tinanggal ni Anne ang I.D. at nagpalit na ng sarili niyang damit habang ang uniporme at I.D. ay iniwan na niya sa Staff room.
Dali-dali na niyang nilisan ang Bar na 'yon kahit pa sino-sino na ang nakakabunggo niya papalabas.
Bumungad sakaniya ang malakas na ihip ng hangin na dala ng malakas na ulan na ultimo mga sasakyan ay hindi na niya nakikita pa at mga tunog ng pagbuhos ng ulan ang tanging naririnig niya.
Umupo na muna siya sa tabi upang pakalmahin ang ulan bago sumakay ng jeep.
Narinig niyang tumunog ang kaniyang phone kaya naman sinagot na niya ang tawag kahit pa di na niya tinignan kung sino 'yon.
"Hello po---" hindi na siya pinatapos at may sumisigaw na sa kabilang linya.
"Nasaan ka ba, Anne?! Susmaryosep nga naman oo! Hindi ba sabi ko sayo eh ngayon gabi kana kailangan umalis dahil darating na niyan ang bagong maninirahan ng apartment mo! Hindi ka na nga nakakapagbabayad eh ako pa ang mag-aalis ng mga gamit mo!" Napakurap si Anne at napasapo ng kaniyang noo nang maalala niyang ngayon na pala may titira sa bagong inuupahan niya.
Nabanggit na sakaniya ito ni Aling Susan- ang may-ari ng apartment. Hindi na kase nakakapagbayad ng renta si Anne kung kaya't sinabihan siya na maghanap nalang ng bagong titirhan at sa gabing ito na rin darating ang bagong titira. Ngunit sa dala ng stress at sunod-sunod na trabaho ay nawala sa isip ni Anne ang paghahanap ng bagong tirahan dahil mahal na ang mga rentahan ngayon.
Dali-dali namang tumakbo si Anne papunta sa kaniyang apartment kahit na hindi na siya nakasakay ng jeep. Hindi niya na alintana ang malakas na ulan dahil sa pagkakataon ito... Kailangan niya nang makipagsabayan sa buhos ng ulan.
Napapikit siya nang biglang kumulog tsaka siya napaluhod sa kalye. Iyon ang bagay na lubos na kinatatakutan niya at dahil na rin sa ala-ala na nangyari 13 years ago.
Naaksidente sila ng sasakyan habang umuulan ng malakas at dahil madulas ang daan ay nakabunggo ang sasakyan nila. Dahil sa trahedyang 'yon, namatay ang kaniyang ina at ang kaniyang tatay naman ay napilay sa binti na hanggang ngayon ay patuloy sa paggamot. Kaya simula no'n, hindi na muli siya ngumiti o lumuha man lang.
At para sakaniya... Ang ulan ay isang sumpa. Isang malaking harang sakaniyang magandang buhay.
Nakita niyang nakakalat ang mga maleta, bag at kahit pa mga sangkap niya sa kusina sa sahig habang nababasa na ito ng ulan.
Sa inaasahan, hindi pa rin mapipinta sa kaniyang mukha ang kahit anong emosyon bagkus nanatili siyang kalmado habang kinuha ang mga ito.
Basang-basa na siya habang pinupunas ang picture frame ng kaniyang Pamilya na tanging iyon na lamang ang meron siya para maramdaman na kasama niya ang kaniyang kapatid, nanay at kaniyang tatay.
Niyakap niya ang kaniyang sarili dahil sa bumabalot na lamig at tinabi sa may puno ang mga gamit nito. Napa-upo siya sa sahig at parang pinagbagsakan ng malaking pader dahil sa bigat na nararamdaman.
Nawalan siya ng isang trabaho, at nawalan ng tirahan kung kaya't hindi na niya alam ang susunod na gagawin. Pero bigla nalang niya nakita ang sarili na naglalakad muli at tinatahak ang walang kasiguraduhan.
Wala rin siyang bitbit na kung ano at muli siyang bumalik sa mga club. Nais niyang maglabas ng galit at dismaya sa papamigatan ng pag-inom ng alak. Basang-basa siyang pumasok sa isang Bar at umupo sa pinakasulok.
Iba ang bar na ito kumpara sa trabaho na pinapasukan niya dahil halos mga magjowa at mga nais magdate ang dumadayo sa bar na'to.
Wala siya sa sariling nag-order kahit na alam niyang wala siyang pera o kahot ano man lang.
Pinagtitinginan siya dahil basang-basa siya kaya naman binigyan siya ng twalya ng mga staff do'n. Nabigla siya dahil bakit ganito ang mga trato sakaniya. Hindi siya sanay. Sanay siya na tinataboy at binabalewala.
Nilapag na sakaniya ang mga alak na in-order pero hindi man lang niya ito ginagalaw. Tanging titig lang sa mga alak ang nagawa niya.
"Sorry na-late!" Napatingin si Anne sa isang lalaking umupo sa isang high chair sa may maliit na stage na may hawak na gitara. Ngumiti ang lalaki sa mga costumers kung kaya't biglang nakaramdam ng kaba at nerbyos si Anne.
Napatitig siya sa lalaki na akala mo ay isang modelo sa tangkad at sa ganda ng hubog ng katawan. Mapupungay din ang mga mata nito na para bang sa kaniyang titig ay maaari kang madapa. At ang mga labi nitong maninipas na sa mga oras na 'yon ay doon lamang nakatitig si Anne dahil hindi maialis ang ngiti ng lalaki.
Nagsihiyawan ang mga tao nang bigla itong nagstrum ng gitara. "Ehem!" Pag-ubo ng binata dahilan para matawa ang mga manonood. "Pasensya na kayo, naulanan eh" pagbiro pa nito at kinilig naman ang mga dalagang nanonood.
Pero tanging si Anne lang ang nakatitig sakaniya na walang emosyon sa mukha.
Malalim na nagbuga ng hininga ang lalaki at nilapat na muli niya ang kaniyang labi upang kumanta.
~~We'll do it all
Everything
On our own
We don't need
Anything
Or anyone~~
Anne suddenly feel shiver and amuse as the boy gently strum the guitar within his deligate fingers.
The boy close his eyes as if the world doesn't bother him as he sing his favorite song to a dearly woman.
~~If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me
and just forget the world?~~
Nagbigay ng kapayapaan ang malamig na boses ng lalaki na para bang hinihele nito ang magulong isip ni Anne at para bang pinalalambot nito ang matigas na nakaharang sa buhay ng dalaga.
~~I don't quite know
How to say
How I feel
Those three words
Are said too much
They're not enough~~
Nang minulat ng lalaki ang kaniyang mga mapupungay na mga mata ay napako ang tingin nito sa isang dalagang nakatitig sakaniya na hindi man lang magawang kumurap. Nagtama ang tingin ni Anne at ng lalaki. Mahiwaga ang sinabi ng kanilang mga mata. Na para bang nag-uusap ang mga ito gamit ang mga pagtitig. Kung titignan... ang mga lyrics na lumalabas sa bibig ng lalaki ay tumatagos sa puso ni Anne. Ang boses nito ay humahaplos sakaniya. At ang titig nito ang nakikipag-usap sa damdamin ng dalaga.
~~If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me
and just forget the world?~~