Nagising ako ng maaga pero nanatili akong nakahiga sa kama, hindi naman ako excited sa triple date na ito. Iniisip ko kasi na isang malaking kahibangan ang triple date na ito dahil hindi naman ako sanay sa ganito. Nasanay ako na mga kaibigan o mga staff ko lang ang kasama ko sa tuwing lumalabas ako o di naman kaya si Wilson na walang ibang bukang bibig kung hindi ang pagtira namin sa Australia. Ilang beses tumunog ang telepono ko ngunit nanatili lamang akong nakahiga sa aking kama. Ang sarap humilata buong maghapon, naisip ko tuloy na magsinungaling na lang na masama ang pakiramdam ko para lang sila na lamang ang lumabas ngunit paniguradong hindi na rin nila itutuloy. Napabuntong hininga ako nang biglang may kumatok sa pinto ng kuwarto ko. "Come in." Malakas na sabi ko pagkatapos ay k

