bc

The Boyish Billionaire

book_age18+
1.0K
FOLLOW
8.3K
READ
badgirl
tomboy
boss
twisted
bxg
lighthearted
office/work place
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

[Filipino Novel]

She is Rochelle Keitlyn Valdez also known as "Rocky", she is a Businesswoman, a CEO of her own company and a moto racing organizer.

Pero isa siyang tomboy(boyish) na super dupper sa arte, mayabang at antipatika. Galit na galit sakanya ang daddy niya because of the way she wears, the way she act, and everything.

Kaya naman gumawa ng paraan ang daddy nito para lang maging tunay na babae ang anak nito. Pero lingid sa kaalaman ng mga ito na mayroon itong matinding pinagdaraanan.

Paanong ang isang tomboy na katulad ni Rocky ay maging isang tunay na babae?

Sino kaya ang magpapabago sa katulad nitong mataas ang tingin sa sarili? Sino kayang magtiyatiyaga na makasama at magpapatibok ng puso nitong bato?

Samahan ninyo akong tunghayan ang kwento ng buhay ni Rocky na minsan ng nagmahal at nasaktan iyong tipong kung kailan na niya minahal saka naman aalis at hindi na magpaparamdam.

At sa pagbabalik nito ay mayroon pala silang kaugnayan sa isa't isa but the worst thing is sa iisang bubong na lang sila nakatira.

chap-preview
Free preview
Prologue
Rocky Point of View Katatapos lang ng isang moto racing at katulad pa rin ng dati panalo pa rin ako. Hingal na hingal akong tinanggal ang aking helmet, gloves, knee and elbow pads and even my boots. Inihagis ko iyon sa mesa at kinuha ang rubber shoes ko sa gilid. Lumapit sa akin ang sekretarya ko at iniabot ang tubig. Napabuntong hininga ako habang papalapit ang mga paparazzi. "As what I expected they are here again." Sinuot ko ang sunglass ko at cap habang papatayo. Sumusunod pa rin sila buti na lang dumating ang driver ko at kaagad akong pinasakay sa kotse. "Thanks Nicole." Maiiring itong nakatingin at lumilipad na naman ang isip nito hindi na ako magtataka kung guwapong guwapo pa rin ito sa akin. "Nasa office na ba si dad?." Napakurap kurap ito ng ilang beses nang taasan ko ang tono ng pananalita ko. "Yes Miss Rocky." Tinanggal ko ang sunglasses ko at tumitig dito. "Again, Nicole?." Tumingin ito sa akin, napalunok pa ito bago sumagot. "Yes Rocky." I crossed my legs and looked out the window. Kinuha ko agad ang jacket ko bago pumasok sa building, sumakay ng elevator at nagtungo sa opisina. Iniikot ko pa ang aking mata, pinagmasdan ang loob ng opisina bago pumasok. Umupo ako sa aking swivel chair at binuksan ang aking laptop, masaya kong tinitingnan ang mga kuhang litrato kanina sa moto racing. Nang biglang magring ang telepono ko at sinagot ko naman ito agad. "Hello Rocky, congratulations! I won't be surprised if you win again." Masayang wika ng nasa kabilang linya. "Hi Farrah, thank you so much. Dinner tonight?" Malaking ngiti ko habang kausap ang kaibigan ko sa kabilang linya. Nabitawan ko ang aking telepono nang biglang bumukas ang pinto ng opisina at malakas itong binagsak pasarado. Paglingon ko ay isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi, halos matanggal ang panga at ang hikaw sa aking tenga. "You are a disgrace to this family." Lumingon ako kay dad habang hawak hawak ang pisngi ko, katulad pa rin ng dati ay pigil lang ang luha ko. "The investors are waiting for you, pero anong ginagawa mo Keitlyn nakikipagkarehan ka sa walang kakwenta kwentang bagay na iyan." Dugtong pa nito, ni hindi man lang nito tanungin kung nasaktan ba ako sa ginawa niya. "Dad.“ Mahina kong tugon dito ngunit lumabas na ito ng aking opisina. At tuluyan ng tumulo ang mga luha ko sa aking mata, halos lahat ng mahawakan ko ay inihahagis ko maibsan lamang ang sakit na nararamdaman ng aking dibdib. Ginawa ko naman ang lahat ng gusto niya pero hindi pa rin sapat, ang gusto ko lang naman ay maintindihan nila ako sa kung anong gusto ko dahil ito ang nagpapasaya sa akin, ang makipagkarera. Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata, inayos ko ang aking sarili at tumayo habang inaayos ang aking buhok bumalik muli ako sa aking swivel chair at tiningnan muli ang mga litrato roon. Masaya ako sa bawat panalo ko kaya tuloy tuloy lang laban. Pinatawag ko ang aking sekretarya at pinakansela lahat ng aking meeting ngayon araw, magalit man si dad pero wala na akong pakialam. Kinuha ko ang telepono ko sa aking bulsa at tinawagan ang isang malapit kong kaibigan. Nakadalawang ring palang ay sinagot na kaagad ito. "Race Tonight?“ I said na malaki ang ngiti. Lumabas na ako ng V. E. M Building at nakipagkita sa mga kaibigan kong racer din. Sinuot ko ang aking helmet, boots, knee and elbow pads, at lahat ng protective gear na kailangan sa karera. Inumpisahan na ang race, renebulusyon ko ang motor na gamit ko at mariing na nakatitig sa flag. Hinihintay kong itaas ito hudyat na umpisa na. Kasabay ng pagtaas ng flag ay ang malakas na pagpito. Habang umaardar ang motor ay pumasok sa isipan ko ang lahat ng masasakit na salita na paulit ulit na sinasabi ni dad kaya naman mas lalo ko pang binilisan sa pagmamaneho, nang biglang sumikip ang dibdib ko at mawalan ng kontrol ang motor na sinasakyan ko at sumalpok sa isang matigas na warning barrier sa kalsada. Ang tanging naririnig ko nalang ay ang malakas na sigawan ng mga tao sa paligid ko at tuluyan mawalan ng malay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

His Obsession

read
104.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.0K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook