Rocky Point Of View
I smiled as I threw my mortarboard cap with my friends. Finally after a long time, naka graduate na rin ako.
"Keitlyn anak, congratulations!" Niyakap ako ni mom ng mahigpit, sumunod naman si kuya Ronald gayundin si dad na bumati rin sa akin.
"Congratulations sweetheart, you made the right decision para matulungan mo ang kuya Ronald mo sa pagpapatakbo ng negosyo natin, I'm so proud of you." Malaking ngiti ni dad habang hawak hawak ang magkabilang balikat ko. Ngumiti ako ng bahagya alam kong sa sarili ko na hindi ko ito gusto. Hindi na ako sumagot dahil ayaw kong magtalo na naman kami tungkol dito.
3 years after the graduation, nagpatayo ako ng pangalawang branch ng kompanya ni dad kung saan makikita ang mamahaling mga kotse dito, pero kahit na ako ang CEO dito ay never akong pumasok sa kompanya na iyan dahil wala akong interes sa mga ito. At kadalasan, pag mayroon mga meeting ang sekretarya ko ang pinapupunta ko.
At syempre hindi mawawala ang hilig ko, nagpatayo rin ako ng sarili kong negosyo ang "Ride Auto Bike" kung saan makikita ang iba't ibang klase ng mga Big Bike na mayroon 500cc to 1000cc, mayroon din dirt bike motor na kung saan mayroon 250-450 Dirt Bike Engine Capacity at ang iba rito ay galing pa sa iba't ibang bansa.
Pumapasok ako sa trabaho ko gamit ang Big bike motor na binili ko pa galing India.
Kinuha ko ang gamit ko at nagsimula ng bumaba ng hagdan, naabutan kong nag-a almusal na sina dad, mom at kuya Ronald.
"Goodmorning anak, kumain ka na muna bago ka umalis, come here and join us." Tumayo si mom at hinawakan ang braso ko at saka ako pinaupo sa tabi ni kuya Ronald.
"Ganyan ka bang papasok sa V. E. M (Valdez Engine Mobile)?" Pinunasan ni dad ang bibig nito gamit ang table napkin na nasa mesa at tumingin sa akin.
"Sa-sa Ride Auto Bike ako dideretso dad." Ibinaba ko ang kubyertos na hawak ko saka uminom ng juice.
"I have to go may meeting pa ako sa mga clients ko." Pagkukunwari ko para lang makatakas sa sermon ni dad, tumayo na ako sa upuan at hinalikan ang mga ito. Narinig ko pang binanggit ni dad ang pangalan ko at sinuway lang ito ni mom. Nang makalabas na ako sa aming bahay ay doon lamang ako nakahiga ng maluwag, pakiramdam ko ay sakal na sakal na akong kasama si dad sa bahay.
Isinuot ko ang helmet at gloves bago ako sumakay sa aking motor.
"Good morning Boss Rocky, ang aga ninyo ngayon ah." Bati sa akin ni kevin ang mekaniko dito sa shop.
Nginitian ko ito at dumeretso na sa aking opisina ipinatong ko ang mga gamit ko sa mesa at lumabas muli, tumayo ako sa harapan ng pintuhan habang ang mga kamay ko ay nakahalukipkip. Nginisian ko si Kevin at sinuot ang sunglasses kong nakalagay sa aking ulo.
Nagsidatingan na ang mga empleyado roon at napahinto sila ng makita nila akong nakatayo.
"Sorry Boss Rocky, traffic po kasi." Nakayuko at hawak hawak ang kamay nito.
"Boss Rocky, pasensiya na bukas na bukas maaga kaming papasok ni Denise." Nagtinginan ang dalawa at sabay na tumango. Kung hindi lang talaga maasahan ang dalawang ito ay matagal na rin nasisante sa trabaho katulad ng ibang naging empleyado dito.
Tumango ako at pumasok na sa loob ng opisina. Narinig ko pa ang mahinang tawanan ng dalawa bago sumunod sa akin. Binuksan ko ang laptop na nakapatong sa aking mesa at tinignan ang bagong design ng motor na darating sa makalawa. Nang biglang magring ang telepono ko at nakalihistro roon ang pangalan ni Farrah my close friend since high school.
"Hello Rocky, Are you at your office? I'm going there and I have something important to discuss with you."
"Yes I'm here, I'll wait for you." Ibinaba ko ang hawak kong telepono sa mesa at inayos ang suot ko. Binuksan ko ang pinto ng aking opisina, palabas na sana ako nang marinig ko ang kwentuhan nina Denise at Larraine(he's gay).
"Anong sabi mo bakla? May gusto ka kay Boss Rocky? Naku pag nalaman niya iyan dalawa tayong mawawalan ng ipapakain sa pamilya kaya tigilan mo iyan." Nakita ko pa ang paghampas nito ng papel sa balikat ni Larraine.
"Ano ka ba? Crush lang naman, ang guwapo guwapo niya kaya, lalo na kaninang nagagalit siya sa atin halos malaglag na nga ang panty ko." Napatawa naman ako dahil sa sinabi nito.
"Ay basta, tigilan mo iyan isa pa babae pa rin si Boss Rocky kahit na ganyan ang style niya no. At anong panty ang sinasabi mo nakakadiri ka." Gumawa ako ng ingay para huminto ang dalawa sa pagkukwentuhan bago ako lumabas ng opisina para hintayin si Farrah sa labas.
Nakita ko naman na tumahimik ang dalawa at bumalik muli sa kanilang ginagawa.
Nasalubong ko naman si Farrah sa labas, niyakap at hinalikan nito ang pisngi ko. Pumasok kami sa loob na nakapulupot ang dalawang kamay nito sa braso ko. Nang makapasok kami sa opisina ko ay kaagad nito akong itinulak, palagi nito iyon ginawa upang inisin si Larraine, ewan ko ba dito kay Farrah at nakuha pang pagtripan ang staff ko.
Sumilip pa ito sa pinto upang tignan ang itsura ng mukha ni Larraine at tawang tawa itong humarap sa akin.
"Tigilan mo na iyan Farrah, baka magresign si Larraine siya ang asset ko bukod sa matalino magaling pang makipagtranction wala na akong mahahanap na katulad niya." Umupo ako sa swivel chair ko at inikot ikot iyon.
"Ang sarap kasing pikunin ni Larraine." Maluha luha pa dahil sa kakatawa nito.
"So iyan lang ba ang ipinunta mo dito?." Humarap ako sa laptop ko at tinignan ang kaninang naiwan ko.
Lumapit ito sa akin at umupo sa harapan ko, isinarado pa nito ang laptop at nakangisi sa akin.
"OK fine, oh heto tignan mo." Inilabas nito ang isang envelop na galing sakanyang bag at inihagis sa table ko. Kinuha ko iyon at binuksan.
"Kinukuha ka nila ulit para mag-Organize ng motor bike races, nagustuhan nila ang gawa mo dahil napaka unique at napakaganda ng set ups." Dugtong pa nito habang nakataas ang kilay at naghihintay ng sagot ko. Pero wala akong masabi dahil sa sobrang saya ko.
"And one more thing, gusto nila pati ikaw sumali sa races." Nabigla ako dahil sa sinabi nito at napaisip ng bahagya. Matagal na akong nagmomotor since high school hinihiram ko pa ang motor ng mga kaklase ko para magpraktis dahil ayaw ni dad na bilhan ako.
"So what do you think? Is that sound really good?" Tumayo ako at mabilis na pinuntahan si Farrah para yakapin ito ng mahigpit, si Farrah lang talaga ang makakatiis sa ganitong ugali ko. Naabutan kami ni Larraine sa ganung posisyon kaya naman nalaglag nito ang lahat ng hawak nitong papeles.
Napatingin kami ni Farrah sakanya at sa tingin palang ni Farrah ay alam ko kung ano ang nasa isip ng kaibigan ko.
"I'm sorry Boss Rocky, ang mommy ninyo nasa labas." At kaagad nitong isinarado ang pinto.
Lumabas naman kami ni Farrah para puntahan si mom sa labas. Nagpa alam na rin si Farrah dahil marami pa itong gagawin.
"Mom? Anong ginagawa ninyo dito." Niyakap ko ito at hinalikan sa kanyang pisngi.
"Let's go inside." Niyaya ko si mom na pumasok sa loob ng aking opisina umupo siya roon at tinignan ang mga larawan ko na nakasabit sa pader.
Nakita kong napapangiti ito sa bawat larawan kong tinitignan nito.
"Ang bilis ng panahon Keitlyn, dati rati kami ng dad mo ang pinapasyalan mo sa opisina ngayon heto ako pinupuntahan ka." Ngumiti naman ako at niyakap ito sakanyang likuran.
"Namiss ko ang baby girl ko." Humarap ito sa akin habang naluluhang hinahawakan ang pisngi ko.
"Mom, malaki na ako." Umupo ako roon, napalingon naman ito sa envelop na nakapatong sa mesa ko. Tumayo ito at kinuha iyon.
"Nag-oorganize ka ng motor bike racing?“ Tumango ako na siyang ikinagulat nito.
"Yes mom I have been organizing moto racing for long time." Ngumiti ako ngunit alam kong hindi natutuwa si mom dito.
Nagpaalam na si mom dahil pupunta pa ito sa V.E.M Building para puntahan si kuya Ronald. Napabuntong hininga naman ako habang iniisip ang sinabi ni Farrah tungkol sa pagsali ko sa race.
Kinuha ko ang susi ng motor ko na nasa loob ng aking bulsa pinagmasdan ko iyon at iniisip kung sasali ba ako o hindi.
Napangiti ako at alam ko na ang sagot, bata palang ako ay mahilig na ako sa pagmomotor humihiram pa ako ng motor para lang makalibot at lalo pang nahasa iyon ng magkolehiyo ako. Si Farrah ang saksi sa pag eensayo ko, ilang beses man akong tumumba at sumemplang ay nariyan ito upang gamutin ang mga galus ko.
Agad kong tinawagan si Farrah para sabihin ang magandang balita at natuwa naman ito.
Lumabas ako ng opisina at pinuntahan ang motor kong nakaparking sa ilalim ng puno napangiti ako habang hinihimas himas ito. Isinuot ko ang aking helmet at sumakay dito.
Nag-ensayo ako buong magdamag hanggang sa mapagod na ako. Umuwi ako ng bahay na pasado alas onse ng gabi, dahan dahan kong binuksan ang pinto para hindi makagawa ng ingay habang bitbit ang helmet ko na nabasag kanina habang nag-eensayo ako. Paakyat na sana ako ng hagdan nang marinig ko ang pagbaba ng baso sa babasaging lamesa na siyang ikinagawa ng ingay.
Napahinto ako at napalingon dito, nakita kong nakatitig sa akin si kuya Ronald habang umiinum ng alak.
"Bakit ngayon ka lang? Saan ka nanggaling?" Lumapit naman ako at naupo sa kabilang upuan.
"Nasira iyong motor ko, inayos ko pa." Mahinang sagot ko. Napansin nito ang hawak kong helmet.
"Naaksidente ka ba? Bakit sira iyang helmet mo?" Nagsalin muli ito ng alak sakanyang baso pakiramdam ko ay sobrang pagod at stress si kuya Ronald marahil ay napepressure rin ito kay dad.
"Hindi kuya nalaglag ko sa daan kanina, aakyat na rin ako sa taas." Tumayo ako at iniwan itong umiinum pa rin. Napahinto ako at lumingon dito.
"Tama na iyan kuya, magpahinga ka na rin." Lumingon naman ito saka ngumiti at tumango.
Hindi kami malapit sa isa't isa ni kuya Ronald at mas lalo pang lumayo ang loob ko sakanya nang palagi na lang ito ang bida at magaling sa paningin ni dad ngunit kahit ganoon pa man ay mahal na mahal ko ang kuya Ronald ko.