Chapter 2

1864 Words
Rocky Point Of View I was in tears staring at the trophy I was holding, this was the first time I had won a motor bike race. I can't quite imagine that I was the organizer of it and I would still be the winner. "Rocky congratulations, ang galing mo." Tuwang tuwang si Farrah nang salubungin ako pababa ng stage. "Nakatiyamba lang ako Farrah." Inihagis ko dito ang trophy na hawak ko. "Well for me, hindi tiyamba iyon." Inihagis muli nito sa akin ang hawak nitong trophy. "Let's go, I will introduce to you the director, I'm pretty sure magkakasundo kayo." Hinila nito ang kamay ko papunta sa isang triage area. Sinundan ko naman ito habang isinusuot ang sunglasses ko. Nakatingin sa akin ang mga babaeng nasa loob ng triage area. "Hi Mr. Thomas, I want you to meet my friend Rocky." Ngumiti naman itong lalaking nasa harapan namin habang palinga palinga ito na tila ba may hinahanap. "Hi Rocky congratulations." Matipid na wika nito habang nakakunot ang kanyang nuo. "Farrah ang sabi mo ipapakilala mo sa akin ang organizer? Where is she?" Dugtong pa nito, napangisi naman akong nakatingin sa mokong na ito. "Mr. Thomas, this is Rochelle Keitlyn Valdez or better known as Rocky, she is the only one who organized this event." Nakangiti ito habang nakatingin sa akin, samantalang ang lalaking nasa harapan namin ay napanganga naman, inalis pa nito ang kanyang salamin at maiiring akong tinitigan na tila ba hindi ito makapaniwala sakanyang nakikita. "She? She is Ms.Valdez?" Tumango naman si Farrah. "Oh I'm so sorry, I expected something different." Nagpanting naman ang tenga ko dahil sa narinig ko. "By the way, my name is Wilson Thomas and I am looking forward for more event with you Ms. Keitlyn." Iniangat nito ang kanyang kamay upang makipagkamay sa akin, tinignan ko lamang iyon at nginisian ito. "I have to go." Tumalikod naman ako at iniwan ang dalawa. Sumunod naman sa akin si Farrah habang pinipigilan ako nitong maglakad. Huminto naman ako at tinanggal ang jacket ko, isinabit ko iyon sa aking balikat. "Rocky, bakit mo naman ipinahiya si Mr. Thomas?" Napakamot pa ito sakanyang ulo, tinanggal ko naman ang aking sunglasses ko at tinitingnan ito. "And what does he expect from her organizer? A sexy? A sophisticated woman na puno ng kolorete sa mukha?“ She bit her lips, alam niyang nainsulto ako kay Mr. Thomas. Napabuntong hininga ito bago sumagot. "OK fine, ako na ang humihingi ng sorry. Don't worry kakausapin ko si Wilson." Hinawakan nito ang kamay ko at inilagay roon ang isang sobre. Napatingin naman ako dito. "Thanks." Ngumiti ako ngunit tipid lang, alam nitong ang mga nakukuha kong pera mula sa pagiging organizer ko ay idinodonate ko sa mga charity foundation. "OK let's celebrate!" Itinaas nito ang trophy na hawak niya kasabay ng pagtaas ng kamay ko. Maghapon kaming magkasama ni Farrah, kumain, magshopping, manuod ng sine at maglaro ng bowling. Masaya at ang saya ko dahil naramdaman ko ulit ang maging malaya salamat na lang talaga sa kaibigan ko. Hinatid na nito ako sa opisina dahil naroon na ang motor ko na ipinakuha ko kay Kevin sa event kanina. Pumasok ako sa opisina at idinisplay ang trophy sa istante na naroon. Pumasok naman sa loob ang apat kong empleyado na sina Denise, Larraine, Kevin at si Martin na isa rin mekaniko upang magpaalam na. Pinigilan ko ang mga ito at niyayang kumain sa labas, nagulat pa ang mga ito dahil ito ang kauna unahang niyaya ko sila na kumain sa labas. Kaagad naman pumayag ang mga ito, sumakay sila sa company service habang gamit ko naman ang motor ko. Nagpunta kami sa isang resto bar, hinayaan ko lang na mag order ang mga ito sa kung anong gusto nilang kainin, nagrequest pa ang mga ito ng isang videooke na exclusive para sa amin lang. "Boss thank you sa masarap na dinner." Wika ni Martin na malaki ang subo sa kinakain nito. "Patay gutom, dahan dahan ka naman sa pagsubo mo Martin at baka matuluyan ka." Sabat naman ni Larraine habang pinagmamasdan ko sila. Ganito pala ang pakiramdam na mayroon kang napapasayang ibang tao, sana ganito rin si dad. Napahinto ako habang nakatitig sa aking pagkain. "Ayos ka lang ba boss?" Tumingin naman ako kay Kevin at tumango. "Boss Rocky ano bang mayroon? Bakit biglaan naman ang pagkain natin sa labas." Napalingon naman ang tatlo kay Denise, nakita kong inilagay pa ni Larraine ang daliri nito sakanyang bibig. "sshh." "Nanalo ako sa isang moto racing at gusto ko lang icelebrate na kasama kayo." Tumango tango ako habang isinusubo muli ang pagkain na nasa kutsara ko. Halo halo ang naging reaksyon ng mga ito, si Larraine na napasigaw at ang iba naman ay napapalakpak dahil sa kanilang narinig. Nagrequest din ang mga ito na uminum ng alak at pinayagan ko rin naman sila, nagsalin naman ng tequila sa isang shot glass at iniabot sa akin ni Martin iyon. "Hoy Martin hindi umiinum si boss Rocky." Suway ni Larraine at saka kinuha ang shot glass at ito'y kanyang ininum. Tinapik pa ni Martin ang kamay nito habang nakangisi. At nagtawanan naman ang mga ito, muling nagsalin sa ibang shot glass si Martin at iniabot muli ito sa akin. "Pasaway ka talaga Martin." Gigil na sabi ni Larraine. "It's OK Larraine." Kinuha ko naman iyon, pinandilatan naman ito ni Larraine. Nagsalin pa ng tequila si Martin at ibinigay naman nito sa iba. "Para sa pagka panalo ni Boss Rocky." Sigaw ni Martin atsaka itinaas ang basong mayroon laman na tequila. Ininum nila iyon habang tinitignan ko sila isa isa. Pagkatapos ay napalingon sila sa akin na hawak pa rin ang baso ko na hinihintay rin nilang inumin ko iyon. Napangiwi ako dahil sa lasa ng tiquela na pumasok sa lalamunan ko. Hinayaan ko lang silang magsaya, magkantahan, at maginuman. Hindi ko rin tinatanggihan ang kada abot nilang tequila sa akin. Alas diyes na ng gabi at sa tingin ko ay oras na para kami ay umuwi. Makulit na rin si Larraine na tila ba gusto pang iuwi ang bote ng tequila na hawak hawak niya. "Alright let's go home." Tinawag ko ang waiter at binigay ang card ko. Inayos naman nila ang kanilang sarili na handa na rin umuwi. "Bukas maaga kayo, walang male-late." Wika ko habang ibinabalik ko ang card sa aking wallet. "Yes Boss!" Sabay sabay naman na tugon ng mga ito. Lumabas na kami ng resto bar at nagpunta sa parking area. "Boss kaya mo pa bang magmaneho? Ihahatid ka na lang namin." Napatitig naman ako kay Kevin. "I can handle myself, don't worry about me. Basta maihatid mo sila sa bahay nila OK?" Isunuot ko ang aking helmet at sumakay na sa aking motor. Itinaas ko pa ang aking kamay sabay busina na hudyat na mauuna na ako. Pagkarating ko ng bahay, naabutan kong nagkukwentuhan sina kuya Ronald at dad sa sala. Nagtaka naman ako kung bakit gising pa si dad samantalang maaga itong natutulog. Dideretso na sana ako sa hagdan ngunit tinawag naman ako ni kuya Ronald. Napapikit na lang ako bago maglakad papunta sa kanila, kinuha ko ang kendi sa aking bulsa at kinain ito upang hindi ako maamoy ni dad. "Napapadalas ata ang pag-uwi mo ng ganitong oras, sira pa din ba ang motor mo? " Lumapit ako kay dad at nagmano dito. "Maayos na ang motor ko kuya, hinintay ko pa kasi iyong mga parating na bagong stock ng motor." Lumayo ako ng kaunti sa kanila upang hindi nila ako mapansin na nakainum ako ngunit nakatitig sa akin si dad. "Nakainum ka ba?" Nagtaas ng tono sa pananalita si dad at umiling naman ako. Lumapit ito sa akin at inilapit nito ang kanyang mukha sa akin. "My goodness!" Hinawakan ni dad ang nuo nito. "Hindi na nga kita pinipigilan sa pagmomotor mo Keitlyn tapos ito uuwi ka sa bahay ng nakainum habang gamit mo iyang motor na iyan?" Napaatras ako ng bahagya dahil sa lakas ng boses ni dad na umalingawngaw pa sa buong bahay. "Nagkasiyahan lang kami ng mga empleyado ko dad, and I'm safe wala naman nangyari sa akin na masama." Paliwanag ko naman dito, hindi ko na sinabing nanalo ako sa race at baka mapatay lang ako nito. "So hihintayin mo pa na mayroon mangyari sa iyong masama bago mo ihinto iyang pagmomotor mo?" Aambahan na sana ako ni dad ng kanyang kamay ngunit pinigilan lang ito ni kuya Ronald. Nanginginig ang tuhod ko habang nakatayo sa harap nito. "Rodrigo anong nangyayari dito?" Napalingon ako kay mom habang pababa ng hagdan. "Pagsabihan mo itong anak mo, Dale. Umuwi dito sa bahay nang nakainum." Lumapit si mom sa akin at hinawakan ang mukha ko at umiling naman ako. "Rodrigo normal lang naman ang lumabas paminsan minsan, hayaan mo na ang anak mo ngayon." Banayad na wika ni mom papalapit kay dad. "Kinukunsinte mo kasi ang anak mo Dale kaya lumalaking matigas ang ulo niyan, babae ang anak mo Dale pero tignan mo manamit daig pa ang lalaki." Hinawakan naman ni mom ang braso nito. Muling lumapit si dad sa akin at masama ang titig nito. "Wala akong tomboy na anak, kaya itigil mo iyan or else." Napahinto ito sakanyang sasabihin nang magsalita ako. "Or Else what dad? Dahil ba ganito ako manamit? Dahil ba ganito ang style ko? Dahil ba mahilig ako sa motor? Pipigilan ninyo ako sa mga gusto ko? Ginagawa ko naman ang lahat ng gusto ninyo dad pero mali pa rin sa mga mata ninyo." Tiniis kong huwag tumulo ang luha ko sa harapan nila. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na ilabas kung ano ang nasa loob ko. "At kailan ka pa natutong sumagot ha Keitlyn?“ Sa tindi ng pressure at hindi na ako nakatiis ay tumakbo ako paakyat ng hagdan. Pagdating ko sa kuwarto ay kaagad kong isinarado ang pinto at nilock ito. Humiga ako sa kama at niyakap ang unan na naroon, at tuluyan ng tumulo ang luha sa aking mga mata. "Keitlyn." Narinig ko ang pangalan ko galing sa labas ng pinto. "Papasukin mo ako please." Pinusan ko ang luha sa aking pisngi at tumayo upang buksan ang pintuan. Pinihit ko ang doorknob at bumukas ang pinto, bumalik ako sa aking kama at umupo roon. Pumasok naman si kuya Ronald na mayroon dala dalang tubig at isinarado nito ang pinto. "Ayos ka lang ba?" Tumingin ito sa akin at umupo sa gilid ng kama ko. Tumango naman ako. "Pagpasensyahan mo na si dad pagod lang siya sa trabaho." Dugtong pa nito. "May Mali ba sa pananamit ko, Mali ba ang style ko kuya? Ano bang Mali sa akin?" Hinawakan nito ang kamay ko ngunit inalis ko iyon. "Walang Mali sa iyo Keitlyn, OK? Hayaan mo ka kausapin ko si dad." Umiling naman ako, tumayo ako malapit sa bintana at binuksan iyon. "Huwag na kuya hindi rin naman ako nito maiintindihan." Hindi na ito muli pang sumagot, lumabas ito ng pinto ng kuwarto. Nanatili akong nakatayo sa harapan ng bintana. Hindi mababago ni dad ang hilig ko sa pagmomotor lalong lalo na sa style ng pananamit ko. Hindi ito ang basehan kung gaano ka kabuting tao para lang masabi na mabuti ka nga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD