Chapter 3

1957 Words
Rocky Point Of View Ipinagpatuloy ko ang pagsali sa mga motor bike races, at katulad nga ng dati hindi ko inaasahan na mananalo ako at unti unti na akong nakikilala bilang The Queen of Moto Racing ngunit hindi ko gusto ang bansag na iyon sa akin. "Mukhang good mood si Boss Rocky." Kantiyaw naman ni Martin sa akin habang sinusuri nito ang motor ko. "Dali na, tignan mo kung maayos pa, may race ako bukas hindi pwedeng hindi ako sumali doon." Nakatayo naman ako sa harapan ng motor ko na inaayos nito. "Boss nandiyan na iyong stock galing ng India." Bulong naman ni Denise sa akin. Sinalubong ko naman ang mga ito at inasikaso, mas magaganda ang mga ito sa personal kaysa sa picture. Natuwa ako dahil doon kaya naman nagpadeliver ako ng pizza, donut at softdrinks para sa mga empleyado ko. "Sana araw araw good mood si Boss Rocky." Wika ni Kevin at kumuha ng isang slice ng pizza. "Kamusta ang motor ko?" Kumunot ang nuo ko dahil hindi nila ako pinansin at patuloy lang sila sa pagkain ng meryenda. "OK na siguro." Bulong ko sa sarili ko saka lumabas ako patungo sa motor at sinubukan ko ito. Sumakay ako rito at lumibot sa ibang direksyon na hindi ko nakasanayang daanan. Ngunit sa kalagitnaan ng daan ay tumigil ang motor ko. "s**t, what's the problem?" Bumaba ako at itinabi ang motor sa gilid, walang kabahay bahay roon kundi puro palayan ang magkabilang gilid ng daan. Buti nalang at makulimlim kaya hindi masyadong mainit sa lugar ko, nakalimutan ko pa man din dalhin ang mga tools ko. Napakamot na lang ako sa aking ulo habang tinatanggal ang jacket ko. Umaambon na, sinusubukan kong tawagan si Kevin ngunit nakapatay ang telepono nito gayun si Martin. Naiirita na ako sa kakakontak sakanila wala rin masyadong dumaraan sa lugar na ito. Lumalakas na ang patak ng ulan, wala akong magawa kundi saluhin ang mga iyon. "Hello Larraine, pakisabi kay Kevin sunduin niya ako itetext ko ang address." Hindi ko na nahintay ang sasabihin niya at agad ko iyon Ibinaba. Tuluyan nang bumuhos ang malakas na ulan, nakita kong may parating na sasakyan at mabilis ko iyon pinara. Huminto naman ito at ibinaba ang bintana nito, itinapat ko ang mukha ko sa bintana. "Pwede mo ba akong tulungan? Nasira ang motor ko." Bumaba naman ang lalaki sa kanyang sasakyan, sa itsura palang nito ay mukha itong walang alam sa motor. Napangiwi pa ako nang tignan kong muli ang luma nitong sasakyan. "Anong problema ng motor mo?" Tanong nito at tinignan naman ang motor ko na itinabi ko sa gilid. "Hindi ko alam biglang na lang huminto." Sagot ko naman habang tinitignan ito. Napaisip ako kung may alam ba talaga ito sa motor, gusto ko ng tanungin ito ngunit naghintay pa ako ng ilang sandali. Lumalakas na lalo ang ulan at nilalamig na rin ako. "Wala akong dalang tools Miss pasensiya na." Tumayo ito at humarap sa akin. "What? Sana sinabi mo agad, sabagay hindi na ako magtataka kung wala kang alam sa motor." Napahalukipkip ako habang tinignan ang luma nitong sasakyan. "Anong sabi mo miss? Teka miss ka ba o mister? Sa tono ng pananalita mo at sa pananamit mo daig mo pa ang lalaki kung umasta." Tinignan nito ako mula ulo hanggang paa habang nakangisi. "Umalis ka na nga, at baka lalo pang masira ang motor ko sa iyo na mas mahal pa diyan sa sasakyan mong hindi na aabot sa pupuntahan mo." Tumalikod ako dito at hinihintay na dumating si Kevin. "Aba ang yabang mo ah." Narinig ko nalang ang kalabog sa likod ko at ang pagtalsik ng tubig sa palayan. Pag harap ko ay nakita kong nakatumba na ang motor ko sa palayan. "What the hell did you do? Alam mo bang £650, 000. 00 ang halaga niyan?" Lumapit ako sa motor kong nakalublub na sa putikan. Napahawak na lang ako sa mukha ko, iniisip ko ang race ko bukas. Nakita kong sumakay na sa sasakyan ang lalaki at pinatakbo na nito ang kanyang sasakyan, hinabol ko pa ito at kinatok ang bintana ng sasakyan nito ngunit hindi na ito huminto. Napamura na lang ako dahil sa nangyari. Sakto naman ang pagdating ni Kevin na mayroon pang dala dala payong at ibinigay nito sa akin. "Ano pang gagawin ko sa payong iyan eh basa na ako." Itinapon ko ang payong sa daan. "Boss pasensiya na nalobat kasi iyong telepono ko." Kinuha nitong muli ang payong at itinuklip. "Boss nasaan na ba iyong motor mo?" Dugtong pa nito na nakatingin sa akin. Nagulat ito nang ituro ko ang motor kong nakalublub sa putikan. "Boss anong nangyari sa motor ninyo?“ Hindi ko iyon sinagot, pumapasok sa isipan ko ang lalaking may gawa nito. "Ihatid mo muna ako sa office, saka ninyo balikan ni Martin iyang motor ko." sumakay ako sa sasakyan na dala ni Kevin. Sumunod naman ito sa sinabi ko at sumakay na din sa driver seat. Nanatili akong tahimik sa loob ng sasakyan, alam kong palinga linga si Kevin at gustong magtanong nito ngunit hindi nito iyon magawa dahil sa itsura ko. Nakarating kami sa opisina at bumababa na ako, naghihintay naman doon si Martin sa labas. "Boss baka gusto ninyong ihatid muna namin kayo." Umiling naman ako at pumasok sa loob. "Ano bang nangyari? Nasaan iyong motor ni Boss Rocky?" Tanong ni Martin habang papasakay ng sasakyan. Pagkapasok ko ng opisina ay Inihagis ko ang jacket ko sa mesa at saka binagsak ang pinto pasarado. "Who's that f*****g guy? Huwag lang ulit magkrus ang landas namin kung hindi sisirain ko ng tuluyan ang sasakyan niya." Hinampas ko pa ang mesa ko. Pumasok naman sina Denise at Larraine sa office ko. "Boss anong nangyari sainyo?“ Napalingon naman ako sakanila at inayos ang sarili ko na basang basa dahil sa ulan. "Nothing, you can go home now." Umupo ako sa aking swivel chair kahit na basa ako. Lumabas na ang dalawa at naiwan ako roon. Naiinis ako dahil sa lalaking iyon, siya ang may kasalanan kung bakit hindi ako makakasali sa race bukas at hindi makakapagdonate sa charity foundation. Lumabas muli ako sa aking opisina para hintayin sina Kevin at Martin na dumating. At sa wakas ay nandito na rin sila, dahan dahan nilang ibinaba ang motor ko na puno ng putik. "Maayos ba ngayon ang motor ko Kevin?" Humarap naman ito sa akin at umiling, napahampas naman ako sa gilid ng sasakyan ng company service at nakita kong flat ang gulong nito. "Anong nangyari dito?" Dugtong ko pa sakanila. "Pasensiya na boss Rocky sobrang lakas ng ulan kanina hindi ko napansin na.." Natigilan ito sa pagsagot nang nagsalita. "OK sige, pwede na kayong umuwi." Pinigilan ko ang sarili ko na huwag magalit sakanila dahil ayaw kong bumalik muli ang dati nilang nakasayan, ang dating Rocky na masungit at palasigaw. Sumunod naman ang mga ito. Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang motor ko na puno ng putik at gasgas sa gilid gawa ng pagkakatumba nito kanina. Tinawagan ko si kuya Ronald upang sunduin ako, alas siete ng gabi bago ito makarating dito. "I'm sorry ngayon lang ako nakarating, madami kasing ginagawa sa office." Ipinaikot ko naman ang swivel chair at humarap dito, nagulat pa ito nang makita ang itsura ko. "What happened to you? Bakit ganyan ang itsura mo? Napansin ko iyong motor mo sa labas na puno ng putik." Tumayo naman ako at kinuha ang bag at jacket ko sa mesa at lumabas ng opisina ko. Sinundan nito ako hanggang makarating kami sa labas. "Nasira ang motor ko, mayroon kasing mayabang na lalaki na itinumba ang motor ko sa putikan." Napangisi ako habang tinitignan ang motor ko na nakapark malapit sa company service na flat din. "What?“ Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni kuya habang tinatakpan nito ang kanyang bibig. Napatitig naman ako dito ng masama at inayos nito ang kanyang sarili. Sumakay ako sa kotse ni kuya at gayun din ito, nang makarating kami sa bahay at sabay na pumasok sa loob ay halos hindi maalis ang mga mata ni mom at dad sa amin ni kuya. "Nandiyan na pala kayo mga anak." Lumapit si mom sa amin ni kuya at hinalikan. "Bakit basa ang dami mo keitlyn." Hinawakan pa ni mom ang pants na suot ko. "Nabasa siya sa ulan mom sa kakahintay sa akin." Tumingin naman si kuya sa akin at ako'y kanyang kinindatan. "Oh siya sige umakyat ka na sa itaas para makapag palit at bumaba ka rin agad para makapag dinner na tayo OK?" Hinalikan muli ni mom ang pisngi ko at ngumiti ito. Umakyat na ako sa itaas upang makapagpalit na rin ng damit. Antok na antok akong bumangon sa aking kama, masama ang pakiramdam ko dahil sa pagkakabasa ko ng ulan kahapon. Ngunit kailangan kong pumasok sa opisina para tignan ang motor kong naiwan doon. Pasuray suray akong bumababa ng hagdan at naabutan ko si kuya Ronald na nakaupo sa sala. "Let's go." Aniya nito sa akin nang makita nito akong pababa ng hagdan habang papatayo sakanyang kinauupuan. Napakunot naman ang nuo kong nakatitig sakanya. "Ihahatid na kita sa opisina mo, alam ko naman na wala ang motor mo." Malaking ngiti nito sa akin at kinuha pa ang bag ko. Sumunod naman ako dito at pinagbuksan pa ng pinto ng kotse. "Ano bang nakain mo kuya?" Napalingon naman ito sa akin at ngumiti, sinimulan nitong paandarin ang kotse. "Wala gusto ko lang maglambing sa baby sister ko." Napakamot nalang ako ng aking ulo dahil sa pinapakita nito ngayon, baka mayroon na naman balak itong papasukin ako sa V. E. M building at inutusan lamang nito ni dad. Pagbaba ko ng kotse ni kuya ay agad din itong umalis, napansin ko naman na maayos na ang gulong ng company service. Hinanap ko ang motor ko ngunit wala ito roon, pumasok ako sa loob at nakita kong abala sina Larraine at Denise. "Good morning Boss Rocky." Wika ng dalawa. "Good morning, where is Kevin?" Narinig ko naman ang pagtunog ng motor sa workshop room at nagtatawanan sa loob ang dalawa. Pumasok ako roon at nakitang nakasakay sa motor ko si Kevin. Napalingon naman ang dalawa nang makita ako kaya kaagad na bumababa si Kevin habang nakayuko. Lumapit ako at tinignan ang motor ko, namangha ako dahil napaka linis na niyon at gumagana na rin. "Boss pasensiya na tinesting ko lang kung ok na." Nakayuko ito habang sinesenyasan si Martin. "Great job Kevin, nice work and it seems like new again." Nakita kong natuwa naman ang dalawa. Bigla naman nagring ang telepono ko at kinuha ko iyon sa aking bulsa. "Hello Rocky, nasaan kana start na ng competition in 5 minutes." Napahawak ako sa nuo ko dahil nakalimutan ko ang tungkol sa racing ngayon araw dahil sa sama ng pakiramdam ko kanina. "Im so sorry Farrah, I feel bad now tapos kakaayos lang ng motor ko ngayon." Natigilan naman si Farrah sa kabilang linya. "All right no problem, magpahinga ka na muna." Ibinaba ko ang aking telepono saka naman pumasok si Denise. "Boss may naghahanap sa inyo." Napakunot nuo naman ako habang iniisip kung sino ang tinutukoy ni Denise. "Oh Mr. Thomas, anong masamang hangin ang nagdala sa iyo dito?" Napataas ang kilay ko nang makita si Wilson sa likuran ni Denise. Napalingon naman sa akin ang mga tauhan ko. "I came here, just to apologize for about what happened." May dala pa itong bulaklak at tsokolate. Inabot nito iyon sa akin at kinuha ko naman. "Apology accepted but this, (itinaas ko ang ibibigay nito) Im sorry Mr. Thomas I am not a fond of such things." Tumayo ako at naglakad palabas ng workshop room at ipinatong ko sa mesa ni Larraine ang tsokolate at bulaklak na ibinigay ni Wilson.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD