Chapter 4

1662 Words
Rocky Point Of View Nagulat si Larraine dahil sa ipinatong kong bulaklak at tsokolate sa kanyang mesa, napalingon pa ito sa akin na mayroon malaking ngiti sabay na kindat ko rito kaya naman mas lalo pa itong natuwa. Pumasok ako sa loob ng opisina at umupo ako sa aking swivel chair, nakita kong isinarado ni Wilson ang pinto ng opisina ko. "What are you doing here?" Tumayo ako habang ang dalawang kamay ko ay nakapatong sa mesa. "Miss Keitlyn." Na papalapit sa akin. "It's Rocky." Pasigaw ko na may diin. "OK fine, Rocky. I'm really sorry I will admit that I expected my organizer to be sexy, beautiful and tall like a model." Wika nito habang iniisa isa nito sakanyang daliri ang mga katangian ng babae na inaakala nito. Mga lalaki nga naman ang hilig mag expect sa mga babae hindi pa nila nakikita. Lalo pang napakunot ang nuo ko dahil sa narinig na sinabi nito, at nang tumingin ito sa akin ay kaagad ko itong pinanliitan ng mata. "Oh it's not what I mean, mas gusto ko seyempre ng babaeng simple, matalino, madiskarte, unique, brave and someone like you." Ngumiti ito at umupo sa upuan doon. Ano bang ginagawa niya? Sinasabi lang ba niya ito para pampalubag loob? Pwes hindi effective. "Ayan lang ba ang ipinunta mo dito Mr. Thomas?“ Napahalukipkip ako habang tinititigan ito. "Call me Wilson." Tumayo itong muli at tinignan ang mga larawan ko sa pader. "Nabanggit sa akin ni Farrah na ang lahat ng kinikita mo sa pagiging moto racing organizer and even nung nanalo ka sa race ay dino donate mo sa isang charity foundation." Napahinto ako at nawala ang inis ko sa taong kausap ko ngayon dahil lumalambot ang puso ko sa tuwing pinag-uusapan ang charity foundation. "You know what Rocky, mukhang magkakasundo tayo(lumingon ito sa akin) As a Event Director ang lahat din ng kinikita ko ay diretso sa charity foundation." Nasiyahan ako sa aking narinig dahil pareho kami ng hangarin. Umupo ito sa mesa ko at nakatitig sa akin. "So what do you mean?" Mariin din akong nakatitig dito at naghihintay ng sagot. "Pwede kitang irekomenda sa mga kaibigan ko na Event Director din as a event organizer para makahanap ng madaming sponsor and from that mas madami ang makakakilala sayo, mas madaming opportunities mas madami kang matutulungan." Mukhang magkakasundo nga kami ni Wilson katulad ng sabi ni Farrah. Napaupo ako sa aking swivel chair at nag-isip ng bahagya, iniisip ko pa lang na madami akong matutulungan ay natutuwa na ang puso ko. Ibinigay nito ang kanyang contact number at saka umalis na nang magkaroon ito ng emergency call. Kinuha ko naman iyon sa mesa at tinitigan, saka naman pumasok sa loob si Kevin at ibinigay ang susi ng motor ko. "Boss Rocky OK na ang motor ninyo pwede na ulit ipang race." Napatitig naman ako dito at ngumiti. "Kevin ihanda mo ang company service, may pupuntahan tayo isama mo na rin si Martin." Sumunod naman ito agad. Lumabas ako ng opisina at iniwan kina Denise at Larraine ang trabaho. Ibinilin ko rin sakanila na sila na ang pumirma sa darating na stock ngayon araw. Dahil hindi ako nagdalawang isip na puntahan ang ang mga bata sa foundation upang surpresahin ang mga ito. Bilang isang philanthropists ay responsibilidad ko rin bigyan ng oras ang mga bata maliban sa mga pagkain, laruan at donasyon na ibinibigay ko sakanila. "Maraming salamat Rocky sa mga ito, malaking tulong ito para sa mga bata." Malaking ngiti ni Mrs. Reyes habang iniabot nito sakanyang staff ang mga dala namin. "You're always welcome Mrs. Reyes, basta para sa mga bata." Masaya naman ako dahil sa naging reaksyon ni Mrs. Reyes at mga staff nito. "Hayaan ninyo at mas dadalasan ko pa ang pagpunta dito." Dugtong ko pa habang nakangiti sakanila, masaya rin na nakangiti ang mga bata na nakasilip sa bintana at kinakawayan ako, kinawayan ko rin sila pabalik. Nagpaalam na kami sakanila dahil mayroon pa akong ibang lalakarin at gagawin. "Sige na Kevin, Martin mauna na kayo sa office may pupuntahan pa ako at pakisabi kay Denise ayusin niya ang office ko." Pinauna ko na muna silang umalis bago ako sumakay ng aking motor. Palabas na sana ako ng gate nang makasalubong ko ang isang pamilyar na sasakyan kaya naman napahinto ako, binusinahan nito ako ng malakas at bumaba ito sakanyang sasakyan. Bumaba rin ako sa motor ko at tinanggal ko ang aking helmet. "Ikaw?" Sabay na bigkas namin pareho. "Anong ginagawa mo dito? Huwag mo ngang iharang ang sasakyan mo sa daanan dahil hindi magandang tignan, nakakasira lang ng view." Nakangisi ako habang tinitignan ang lalaking nagtumba ng motor ko sa putikan. "Ikaw ang humarang sa daanan miss, dapat bago ka lumabas tignan mo muna kung may parating na sasakyan dapat sa iyo hindi binibigyan ng lisensya. Ano din bang ginagawa mo dito? Ipinagmamayabang mo rin ba dito ang halaga ng motor mo?" Napahalukipkip ako dahil sa sinabi nito. At siya naman ay nakapameywang habang papalapit sa akin. "Magkano na nga ba ulit? 650, 000 pesos ba?“ Dugtong pa nito at napatawa ng malakas pakiramdam ko ay nainsulto ako sa sinabi nito. "Kung umasta ka parang wala kang ginawa sa motor ko ah, hindi mo ba naalala na tinumba mo ang motor ko sa putikan? At dahil doon nasira ang motor ko at hindi ako nakasali sa race.“ Tinignan ko ito ng masama at tumitig din ito na tila ba naghahamon. "Ginawa ko iyon dahil masyado kang mayabang, porke ba na sira sira ang dala kong sasakyan ay kayang kaya mo na akong maliitin?" Napahinto ako dahil sa sinabi nito ikinuyom ko ang aking palad, huminga pa ako ang ng malalim bago tumalikod upang sumakay sa aking motor dahil wala akong balak patulan pa ang lalaking ito sa walang kakwenta kwentang usapan, ngunit hinila nito ang braso ko. Napalingon naman ako sabay ng paglapit ng mukha nito sa mukha ko. "Huwag ako miss." Naamoy ko pa ang mabango nitong hininga at ang mainit na buga nito. Tumingin ito sa mga labi ko at mas lalo pa nitong inilapit ang mga labi nito na siya naman ikinalaki ng mata ko. "Bastos!" Sinampal ko ito ng malakas at dali dali akong sumakay ng aking motor, nakita ko pa ang nakakalokong ngiti nito habang isinusuot ang helmet ko. At pinaharurut ko ang motor na halos lumabo na ang paningin ko sa sobrang bilis, mahigpit kong hinawakan ang manibela dahil sa sobrang inis ko sa lalaking iyon. Nang makalayo ako ay agad ko naman prineno ang motor na halos mapudpud na ang gulong, napahawak pa ako sa aking dibdib na tila ba mayroon humahabol sa akin. Hinampas hampas ko pa ang manibela sa aking harapan habang napapamura ako ngunit nasaktan lang ang kamay ko dahil sa ginawa ko. I looked at myself in the mirror as I remembered that f*****g man, he ruined my day. I still kept wondering why we met that rude man again. Sa susunod na magkita pa kami ulit ng lalaking iyon ay babasagin ko na ang salamin ng kotse niya o buong sasakyan niya mas maganda pa. Teka bakit ko ba iniisip na magkikita pa kami? Hindi na kami magkikita pang muli. Lumabas ako sa banyo at humiga na sa kama kahit na anong posisyon ang gawin ko ay hindi ko makuha ang aking tulog. Ikot dito, ikot doon, harap dito harap doon. Alam kong maaga palang pero gusto ko ng magpahinga at makatulog dahil madami pang tambak na gagawin sa opisina bukas dahil hindi ko ito natapos kanina. Narinig ko naman na mayroon kumakatok sa pinto ng kuwarto ko. Magkukunwari sana akong tulog para hindi na ako maistorbo ngunit sobrang aga pa kaya walang maniniwalang tulog na ako. "Come in." Malakas na sabi ko dahil tamad na ang bumangon at buksan pa iyon. Pumasok si mom na mayroon dala dalang isang basong gatas at inilapag nito iyon sa tabi ng kama ko. "Naistorbo ba kita anak?" Umiling naman ako at bumangon, umupo ako sa kama kasabay ng pag-upo ni mom. "How's your day? Nabanggit sa akin ni manang na maaga ka raw umuwi. Kumain ka na ba anak?" Tumango ako at inabot ang gatas saka sinimulan na inumin iyon. "Ayos naman mom, pagod lang sa trabaho." Tipid naman na sagot ko at tumango tango naman ito habang hinahaplos pa ang buhok ko. "Nag-usap na ba kayo ng daddy mo? Halos hindi ka na nakaka sabay sa amin magdinner." Napahinto naman ako sa pag-inum ng gatas dahil sa narinig ko. Ayaw ko sanang pag-usapan muna ito dahil wala ako sa kundisyon. "Hindi pa kami nag-usap ni dad, busy din kasi ako sa trabaho mom." Nakita ko sa mga mata ni mom na nalulungkot ito dahil sa hindi namin pagkakauwaan ni dad, pero alam kong darating ang araw na maintindihan din nila ako. Iniwas ko ang tingin ko dahil ayaw kong nakikita si mom na nasasaktan dahil sa sitwasyon. "Sige na anak ubusin mo na iyan gatas mo para makapagpahinga ka na." Ngumiti naman ito habang tinitignan ako. Lumabas na si mom ng kuwarto ko at naiwan ako roon na malalim ang iniisip hindi dahil tungkol kay dad kung hindi tungkol sa tukmol na lalaking iyon. Bumilis pa ang pag t***k ng puso ko ng maalala ko ang pag lapit ng mukha nito sa mukha ko. "In fairness kahit na sira sira at luma ang sasakyan niya mabango ang hininga niya." Itinumba ko ang sarili ko sa kama habang yakap yakap ko ang unan. Napaisip ako kung ano ang ginigawa ng lalaking iyon doon. "Nagdodonate din kaya siya? Hay Malabo mangyari iyon dahil dapat unahin na muna niya ang sasakyan niyang ipagawa bago ang magdonate ganyan ang mga lalaki ngayon o baka bago siyang aplikante roon?" Napatapik pa ako sa mukha ko. Hay tumitigil ka na to ky Rocky huwag mo na ulit isipin iyon. Binuksan ko ang T. V at nanood na lamang para hindi ko na muling maisip pa ang lalaking iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD