Chapter 5

1581 Words
Rocky Point Of View Wilson always recommends me to his Event Directors friends. I even receive a lot of random calls and messages from his friends. He also includes my name on the lists of those who participated in the race and because of that palagi kaming magkasama pero hindi kami madalas magkaintindihan at dahil doon ay nilalayasan ko ito. I also met a lot of female racers like me who have different life stories. Some of them are just for fun, and the others are just for the money pero mayroon mga katulad ko na mahilig talaga sa motor simula bata palang at hindi kayang mabuhay ng walang motor sa buhay. Hindi lang sa motor bike races ako sumasali I also tried dirt bike races at talaga naman na masaya iyon kahit na napupuno ng lupa ang motor at ang damit ko na mahirap pang linisin. Katatapos lang ng isang motor bike race at naroon kami sa isang tent kasama ang mga katulad kong racer din. "Rocky, next time teach us about your techniques so we can also experience the feeling of how to win." Napalingon naman ako kay Dexter habang tinatanggal nito ang kanyang arm pads. "Kaya nga naman Rocky, ano bang feeling ng madaming nagpapicture sa iyo? Baka naman pwede rin ako magpa picture ako sa iyo." Tanong naman ni Tonet at tumawa lang ako ng bahagya. "Actually, hindi ko din alam kung bakit ako ang nanalo baka may super powers ako." Nagsitawanan naman ang mga ito habang ipinapatong ko ang dalawang paa ko sa mesa. Nagsiisa isa ng umalis ang mga kasamahan namin doon. "Bye Rocky." Lumapit sa akin si Sopia kasama si Trissha at hinalikan ang pisngi ko gayun din si Wilson. "See you tomorrow." Wika pa nito sa akin at ako'y kanya nitong kinindatan. Napalingon naman ako kay Wilson na maiiring na nakatitig sa hinaharap nitong si Sopia. Bakit ba naman kasi kailangan nakaluwa ang dibdib habang nagrerace hindi na ako magtataka kung bakit hindi nananalo ang mga lalaking racer dahil sa iba naman sila nakatingin. Napalingon din si Wilson sa akin at nagtama ang aming mga tingin, napangiwi ito at napakamut ng ulo, napailing na lang ako habang nakangisi at sinuot ang sunglasses ko. Sakto naman ang pagdating ni Farrah sa aming likuran. "Oh what's the meaning of this? Napapadalas ata ang pag kikita ninyo?" Lumapit ito sa akin at ginulo ang buhok ko. "Hi Farrah." Banggit naman ni Wilson. "Stop it Farrah, kung hindi lang ako mahilig sa race hindi ko pagtiyatiyagaan ang kaibigan mo." Napatawa naman ng mahina si Wilson. "Nagbibiro lang ako Rocky napakaseryoso naman nito, oh ano Tara na ba?" Napakunot naman ang nuo ko dito. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko naman at ibinaba ko ang mga paa kong nakapatong sa mesa. "Wilson texted me, maglunch daw tayo sa labas." Napalingon naman ako kay Wilson dahil wala naman itong nababanggit. "My treat." Maikling wika nito. "Sorry pero babalik na ako sa office." Tumayo naman ako at agad na pinigilan ni Farrah. "Nagmadali akong nagpunta dito, kinancel ko pa ang mga meetings ko para lang makapaglunch kasama ka Rocky tapos aalis ka lang?" Pakiramdam ko napaka isip bata pa rin ni Farrah, na guilty rin ako dahil sa sinabi nito kaya naman pumayag na rin ako. Iniwan ko ang motor ko roon at ang kotse ni farrah dahil sumakay lang kami pareho sa kotse ni Wilson. Kumain kami sa isang mamahaling restaurant na hindi pa namin napupuntahan ni Farrah, masarap ang pagkain nila dito at maganda ang serbisiyo nila. "Where else do you want to go? Let's watch a movie." Habang pinupunasan ni Wilson ang kanyang big. "I'm sorry pero hindi ako mahilig sa movie pang teenager lang iyon." Napaubo naman si Farrah at tinitigan ako. "OK, how about playing a bowling game?" Suwestiyon pa nito. "That's a good idea." Napasimangot ako habang nakatingin kay Farrah, alam kong favorite ni farrah ang paglalaro ng bowling at hindi nito iyon tatanggihan kaya naman wala akong nagawa kundi sumunod lang sakanilang dalawa. Nakaupo ako sa isang sulok habang silang dalawa naman ay abalang abala sa paglalaro ng bowling, sineniyasan pa ako ni Farrah na lumapit sakanila ngunit umiling naman ako. Kinuha ko ang aking telepono upang kamustahin ang mga staff ko. "Hello Larraine." Sinagot iyon kaagad ni Larraine. "How's work? Wala naman bang naging problema?"Dugtong ko pa. "Everything is fine Boss Rocky don't worry your company is in good hand." Wika ni Larraine sa kabilang linya. "OK that's good, pabalik na rin ako diyan maya maya." Ibababa ko na sana ang telepono ko nang muling magsalita si Larraine. "Boss Rocky, nakalimutan ko palang sabihin na nagpunta dito sa office ang dad ninyo and he was looking for you." Natigilan naman ako dahil sa narinig ko, ibinaba ko na ang telepono habang naririnig ko pa ang boses ni Larraine sa kabilang linya. Anong ginigawa ni dad sa office? Lumapit ako kina Farrah at Wilson upang magpaalam. "I have to go Farrah kailangan ko ng bumalik sa office." Nagulat naman ang dalawa dahil sa reaksyon ng mukha ko. "Ihahatid na kita." Prisinta naman ni Wilson at umiling ako. "No, salamat na lang." Atsaka tumalikod sakanila sinundan naman ako ni Farrah "May problema ba Rocky?" Humarap naman ako kay Farrah at sinuot ang jacket ko. "Wala naman, may importante lang akong gagawin sa office don't worry about me." Ngumiti ako dito at tinapik ang braso nito, lumingon naman ako kay Wilson at tumango. Lumilipad ang isip ko kung bakit nagpunta si dad sa office. Bumaba ako ng taxi at kinuha ang motor ko saka ko ito pinaharurut papuntang opisina. Nadatnan ko na madaming kliyente na inaasikaso sina Larraine at Denise. Ang ibang mga kliyente ay bumati pa sa akin, at ngumiti naman ako. Lumapit pa sa akin ang isang babae at humingi ng autograph. "Thank you so much Miss Rocky I am your number one fan." Natuwa ito habang iniaabot ko ang t-shirt na pinirmahan ko, lumapit pa ang iba at nagpapicture sa akin Narinig ko pa ang iba na nagbubulungan kaya mabilis akong pumasok sa loob ng opisina ko. "Mukhang alam ko na kung bakit nagpunta si dad dito." Napatakip ako sa aking bibig at umupo sa swivel chair. Napatayo akong muli habang paikot ikot sa loob ng aking opisina. "Paano kung alam na ni dad na nakikipagrace ako, siguradong magagalit na naman iyon sakin." Napatapik ako sa aking mukha, sa kakalakad ko ay sakto naman ang pagpasok ni Denise sa loob ng opisina ko at kami ay nagkasalubungan sa pinto. "Boss guest what? Ang tatlong clients natin kanina lahat sila nag fully paid." Nakita ko ang malaking tuwa sa mukha ni Denise ngunit ang isip ko ay prang lutang sa hangin. "Boss? Boss!" Pasigaw na wika ni Denise at napakunot naman ang nuo ko dito. "Narinig kita Denise." Bumalik ako sa upuan ko at binuksan ang laptop. Lumapit naman ito at ibinigay ang mga papeles. "Boss 1.7million ang pumasok sa account ninyo, hindi ba kayo masaya?" Inabot ko naman iyon saka pinirmahan. "Masaya." Tipid kong wika at lumabas na ito. Alam kong hindi ito na satisfied sa sagot ko at kukulitin lang nila ako. Nagpadeliver na lang ako ng mga pagkain para sa mga ito pambawi man lang dahil sa kanilang kasipagan. Hindi ako nagdalawang isip para lumabas at makisalo sakanila. "Boss Rocky salamat sa meryenda." Ngumiti ako kay Martin at iniabot pa sakanya ang softdrinks. "Boss ayos lang kayo kanina pa kasi namin napapasin ni Larraine na wala kayo sa mood? Dati rati pag mataas ang sales natin halos hindi maalis ang ngiti ninyo." Nagtinginan naman sila ni Larraine at parehas na tumango. "Pasensiya na, madami lang akong iniisip ngayon." Kinuha ko naman ang lasagna sa mesa at kinain iyon. "By the way Larraine nabanggit mo kanina na nagpunta si dad dito anong sabi niya." Nagtinginan naman ang apat at isa isa ko silang tinignan. Tumayo ito saka inilarawan ang ginawa ni dad. "Wala naman Boss, pumasok siya dito tapos ganito nasaan si Keitlyn? Sabi niya sa akin ang sabi ko naman wala po si Boss Rocky sir. Tapos tumango siya pumasok dito sa opisina ninyo isa isang tinignan ang mga picture sa pader tapos lumabas siya anong oras darating si Keitlyn hindi po namin alam kung anong oras darating si Boss Rocky. " Kulang nalang ay maging best in illustration si Larraine dahil kuhang kuha nito ang style ng paglalakad at mannarism ni dad. Natatawa naman ang mga kasamahan nito dito dahil naging lalaki ito sa pag gaya nito kay dad. "Tapos Boss sabi ko nagpunta kayo sa isang race event para makipagkarera." Bumalik ito sakanyang upuan. Napatayo naman ako dahil narinig ko. "What?“At mabilis nitong binawi ang kanyang sinabi. "Charot lang Boss Rocky, wala po kmi sa posisyon para sabihin sa iba ang private life ninyo." Umupo ako habang nakahawak sa aking dibdib na tila ba sumikip ito n a halos hindi ako makahinga, hindi ko pinahata sa mga ito dahil ayaw ko silang magalala. "Next time don't do that again Larraine."Habang hawak ko pa rin ang dibdib ko at uminum ng tubig. "Sorry Boss." Tipid ang ngiti ko at tumango dito. Pumasok ako sa loob ng opisina ko at tinanggal ang jacket sa aking katawan, habang ang kamay ko ay nakalagay pa rin sa aking dibdib. Umupo ako at sinubukan na masahiin iyon, napasandal pa ako sa aking upuan habang nakapikit at iniisip na pagod ito kaya sumikip ang dibdib ko, maya maya lang ay nawala na rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD