Chapter 6

1730 Words
Rocky Point Of View I was so scared to go down the stairs that dad might see me. Hindi pa ako handa na pag-usapan namin ang racing career ko gayung hindi pa kami maayos. At ayaw kong pagsimulan na naman ito ng bago naming hindi pagkakaunawaan. I stayed in my room while staring at the ceiling. Waiting for the right time just in case dad leaves and goes to V. E. M building. I looked at my watch and it was 8:30 in the morning, maybe dad left too. I grabbed my jacket and my bag on the bed, I slowly went down the stairs while looking around. Nakahinga ako ng malalim dahil wala na sila sa baba, napangiti pa ako nang tuluyang makababa ng hagdan habang inihahagis sa ere ang susi na hawak ko. "Napasarap ata ang tulog mo at nahuli ka ngayon sa trabaho?" Halos muntikan ko ng hindi masalo ang susi na inihahagis ko dahil sa boses na narinig ko. Lumingon ako sa aking likuran at naroon si dad na nakaupo at umiinum ng kape. "Pwede ba tayong mag-usap?“ Lumapit naman ako at umupo sa kabilang upuan. Kinakabahan ako kung ano ang sasabihin ni dad at kung saan na naman ang pupuntahan ng usapan ito. Humigop muna ito ng kape at lumingon sa akin. "Kumusta ang trabaho Keitlyn?" Halos magkandautal utal ang pag sagot ko kay dad, daig ko pa nito ang pakiramdam na nagdedefend sa thesis presentation. "Everything is fine dad." Tumingin ito sa akin at tumayo papunta sa bintana at hinawi nito ang kurtina. "Did your staff mention to you that I came from your office yesterday?" Halos manginig ang katawan ko sa susunod nitong sasabihin, naisip ko tuloy na baka nakita nito ang mga invitation tungkol sa racing event na nakapatong sa mesa ko. "Yes dad." Mahina kong sambit dito. "Keitlyn, sweetheart. I don't want us to be like this everyday, kaya sana pumayag kana sa desisyon ko na mas pagtuunan mo ng pansin ang negosyo natin kesa sa." Tumayo ako dahil ayaw ko ng marinig ang susunod pa na sasabihin ni dad. "Please listen to me Keitlyn, tumatanda na kami ng mom mo hindi kakayanin ng kuya Ronald mo na patakbuhin mag-isa ang dalawang kompanya ng sabay, lalo na't madami pa tayong ibang negosyo kayo lang ang inaasahan ko na magpapatuloy sa nasimulan namin ng mom mo." Napabuntong hininga ako bago humarap kay dad. "How about the business I started dad?" Lumapit ito sa akin, napansin ko ang lungkot sa mga mata ni dad. Tila ba lumambot ang puso ko nang matitigan ito na sobra na sa pagod dahil sa negosyo. "Dad mahal ko ang trabaho ko, hindi ko pwedeng basta baliwalain ang nakasanayan ko." Hinawakan nito ang magkabilang balikat ko. "I know that Keitlyn, O siya sige papayagan na kita sa lahat ng negosyo na gusto mo, kahit sa pagmomotor mo ay hindi na kita pipigilan and even sa pananamit mo pero sa isang kondisyon." Mariing itong nakatitig sa akin. "Papasok ka sa V. E. M building." Dugtong pa nito, natigilan ako dahil sa narinig ko. Hindi na masama ang kondisyon ni dad, alam ko na ito ang magpapasaya sakanya at alam ko rin na ito ang simula para maibalik ang dati naming pagiging malapit sa isa't isa. Napaupo ako at bahagyang napaisip, umupo rin ito at hinawakan nito muli ang kamay ko na nakapatong sa mesa. "Please Keitlyn, hindi ka ba naaawa sa sekretarya mo na tatlong taon ng siya ang nakikipagmeeting at humaharap sa mga investor na dapat ay ikaw ang gumagawa?" Sabi pa nito. "Sige dad pumapayag na ako." Napangiti ako habang ito naman ay napamulagat sa narinig nito. "Really Keitlyn?" Tumayo ito habang malaki ang ngiti nito sakanyang mga labi at niyakap ako nito ng mahigpit. "Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya anak." Kumalas ito sa pagkakayakap. Dahil sa sobrang kagalakan ni dad ay niyaya nito ako na kumain sa labas, magshopping at manood ng sine. Napapangiti pa ako habang hawak pa nito ang kamay ko na naglalakad sa loob ng mall. Hindi rin nito ako pinigilan sa pag bili ng mga leather jacket at pants, kahit na sa pagpili ng mga rubber shoes at gamit sa motor ay hindi ito tumutol bagkus ito pa ang nagbayad sa mga ito. Maghapon kaming namasyal ni dad, parang katulad lang ng dati noong bata pa ako ganitong ganito rin sa tuwing lalabas kami sayang lang talaga at hindi nakasama si mom at si kuya Ronald. Sa tuwing maririnig ko na tumunog ang telepono ni dad ay inooff nito ang kanyang telepono, tiwagan ko na rin si Larraine na hindi muna ako makakapasok. Hindi ko hahayaan na palampasin ang quality time namin ni dad gayung maayos na kami sana lang ay tuloy tuloy na ito. "Maganda ang pamamalakad mo sa negosyo mo anak, nakita ko sa mga staff mo na naturuan mo sila ng maayos." Umupo naman ako habang sinusukat ang isang boots roon. "Thanks dad, mana lang ako sa inyo ni mom." Ngumiti ako at binigay sa sales lady ang boots. "And they call you Rocky." Tumango naman ako at iniabot ni dad ang kanyang card. "So Rocky, kailan ka magsisimula pumasok sa V. E. M?" Natuwa ako dahil sa tinawag na pangalan sa akin ni dad ngunit napalitan iyon dahil mukhang nagmamadali ito na makapasok ako agad sa V. E. M. "Pagmaayos na ang lahat sa office ko dad pero sana once a week or MWF lang ang pasok ko sa V. E. M dahil kailangan ako ng mga staff ko." Request ko naman at pumayag kaagad ito. Madami kaming napagkwentuhan ni dad like we used to do before, I can hardly imagine that we are fine now. I looked at him while laughing and I noticed that dad has a lot of wrinkles, he is old and he needs to rest sometimes. Masaya kaming umuwi sa bahay habang natatawanan pa papasok sa loob. Napalingon naman sina mom at kuya Ronald sa amin habang nakaupo sila sa sala. "They finally here and where did you go?" Malaking ngiti ni mom habang sinasalubong kami ni dad. Nakapalupot pa ang kamay ko sa braso ni dad habang papalapit kay kuya Ronald na gulat din sa nangyayari. "And what's going on here? Mayroon ba akong dapat malaman?" Tinapik naman ni dad ang balikat ni kuya. "Namasyal kami ni Rocky." Hinawakan ni dad ang kamay ko at ngumiti ito. "Father and daughter bonding for the whole day? And what do you call to her dad?“ Napangiti ito kay kuya at tumawa lang ito. Ito ang unang araw na papasok ako sa V. E. M Building, dahil sa kakaisip ko kagabi ay hindi ako kaagad nakatulog. Kinuha ko ang tuwalya at pumasok sa banyo, humarap ako sa salamin at sinuot ang isang loose shirt at pants. Narinig ko pa ang pag tawag sa akin ni mom sa labas ng pinto dahil male late na ako sa unang araw ko. Lumabas ako ng banyo at kinuha ang bagong bili kong rubber shoes. Bumaba ako ng hagdan habang sinusuot ang jacket ko. Halos maluwa ang mata ni dad na nakatingin sa akin. "Anak sa V. E. M Building ka papasok ah hindi sa Ride Auto Bike." Muli nito akong tinitigan mula ulo hanggang paa. "Yes dad I know, pero dadaan muna ako sa opisina ko tumawag ang staff ko na mayroon darating na client galing America." Kinuha ko ang sandwich sa mesa at kinain ito. "Mauna na kayo ni mom doon dad at susunod ako pagkatapos na pagkatapos." Wala ng nagawa si dad kundi ang pumayag na lang din ito. Dumiretso ako sa labas habang dala dala pa rin ang sandwich na kinakain ko, sumakay ako sa motor at pinaandar ito. Hindi ko inaasahan ang dagsa ng mga kliyente ngayong araw, sa labas palang ay kita muna ang mga sasakyan na nakaparada. Bumaba ako sa motor at nagsilapitan naman ang mga kumpol na babae na kanina ay tumitingin palang ng mga Big bikes. "Hello miss Rocky, can I take a picture with you." Ngumiti naman ako at kaagad na pumayag sa kanila, napalingon naman ako kay Larraine habang nakahalukipkip itong nakatitig sa mga babaeng nagpapapicture sa aking doon. Nagmadali naman akong pumasok sa loob ng aking opisina at pinirmahan ang mga papeles na nakatambak roon. Pumasok naman si Denise at sinabing nariyan na ang mga client na galing pa ng America. Lumabas ako upang salubungin ang mga ito, natuwa sila dahil sa mga bagong modelo ng big bikes at dirt bikes na mayroon ang shop. Napalingon ako sa likuran ng kliyente ko nang makitang nagkukumpulan sina Denise, Larraine, Kevin at Martin. Liningon pa nila ako at muling nag-usap, nagtaka naman ako sa mga kinikilos ng mga ito. Kaya naman pagka alis ng mga ito ay kaagad ko silang pinatawag sa loob ng aking opisina. "What's going on? Bakit nagbubulungan kayo kanina habang mayroon tayong malaking kliyente?" Tumayo ako at binigay kay Denise ang papeles na pinirmahan ko kanina. "Boss Rocky pasensiya na, hindi kasi namin maiwasan pag-usapan ang mga kumakalat na picture ninyo habang nagre race kayo concern lang kami baka makita ng dad ninyo." Paliwanag naman ni Larraine at umupo akong muli. "So is that all? You can talk about that after work, not during work hours." At sabay sabay na humingi ng tawad ang mga ito. "Please next time, be professional." Dugtong ko pa habang mahinahon ko iyon na sinasabi. "Hindi ko na kayo madalas makakasama dahil mahahati na ang oras ko dito at sa V. E. M building, and Larraine please take charge kayong dalawa ni Denise, OK?" Nakita ko ang lungkot sa kanilang mga mukha, alam kong kahit na naging masungit at naging mainitin ang ulo ko sakanila ay namimimis pa rin nila ako pagwala ako dito. "Boss Rocky bakit ba ksi kailangan na mahati ang oras ninyo? Hindi ko ata kayang wala kayo dito sa opisina araw araw." Pabebeng sabi ni Larraine habang mangiyak ngiyak pa ito. "Boss Paano kami niyan ngayon dito? Hindi kami sanay na kami lang ang nagkikitaan.“ Tumango naman si Martin habang nakatingin kay Kevin. "Don't worry, three times or once a week lang ako sa V. E. M building at pagmadami akong time lalabas ulit tayo, OK ba?" Tumango naman ang mga ito habang nakangiti, alam kong nakangiti lang sila pero sa loob ng mga ito ay ang malungkot nilang nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD