Rocky Point Of View
I was in a hurry to get on the motor to go to the V. E. M Building because dad and mom were definitely waiting for me.
Nagpark ako roon at isinuot ang sunglasses ko bago pumasok, hinarang naman kaagad ako ng guard sa pinto.
"I. D." Tipid nitong sabi habang ipinapalo palo nito sakanyang palad ang batuta na hawak niya.
"Sorry pero wala akong I. D kaya papasok palang ako sa loob para mag ka I. D ako." Ngumisi naman ng bahagya ang guard.
"Hindi pwedeng pumasok sa loob ang hindi empleyado dito, kaya kung ako sainyo umalis na kayo pwera na lang kung mayroon kayong appointment." Napakunot nuo naman ako dahil sa sinasabi nito.
"Excuse me Mr. Guard? My name is.." Napalingon ako sa likuran ko dahil sa ingay ng mga tao.
"Diyan ka lang huwag kang papasok sa loob, titignan ko lang sila." Napangisi ako dito dahil mayroon palang pagka marites ang mga guard dito sa kompanya ko.
Habang hindi ito nakatingin ay mabilis akong pumasok sa loob ng building sumakay ako ng elevator, pinindot ang 21th floor at nagpunta sa sinabi ni dad na opisina ko. Nang bumukas ang elevator ay halos mapalingon sa aking ang mga empleyado roon, ipinasok ko ang dalawang kamay ko sa loob ng bulsa ng jacket ko habang naglalakad.
Sumunod pa sila sakin at tignan kung saan ako papunta.
"Where is the CEO's office here?“ Tinanong ko sa babaeng puro kolorete ang mukha na kulang nalang ay dumikit ang mukha nito sa computer na kaharap nito. Tinignan naman nito ako habang nakataas ang kilay nito.
"And why are you asking? It's been three years but we haven't seen the CEO here yet, so if I were you don't expect to see him either." At pinandilatan ako, hindi ko inaasahan na nagmana pala sa akin ng katarayan ang mga empleyado ko.
Napalinga linga ako at nakita ko ang nakapaskil sa di kalayuan.
"CEO office." Napangisi ako at kaagad na naglakad dito.
Sinalubong ako ng isang babae at kaagad na hinarang nang tangkain kong buksan ang pinto.
"What are you doing? And who are you?“ Mataray na wika ng babae habang hawak nito ang braso ko. Itinaas ko ang eyeglasses ko at inilagay sa aking ulo sakto naman ang pagdating ng guard na kausap ko sa baba kanina habang hingal na hingal.
"Guard bakit hinayaan ninyo na makapasok dito ang taong ito, baka isa itong sindikato." Nagpanting naman ang tenga ko dahil sa sinabi dito.
"What did you say? Do I look like a stranger?" Pinagtaasan ko ito ng boses at Inalis ang kamay nitong nakahawak sa braso ko.
"Mam pasensiya na ilalabas ko na po siya." Lumapit sa aking ang guard at mabilis na hinawakan ang braso.
"Don't ever touch me, or else I will call the police." Nagpumiglas naman ako, nagsitayuan ang mga empleyado roon habang nakatingin sa akin, pilit akong hinihala ng guard nang marinig ko ang boses ni dad.
"What's going on here?" Hinawi ni dad ang mga tao na nakapaligid sa akin.
"Mr. President, I'm really sorry for what happened here I will fix this." Napangisi ako dahil sa sinabi nang babaeng nasa harapan ni dad.
Nakita ni dad ang mukha ko at kaagad na lumapit ito, natawa naman ng bahagya ang babae habang tinitignan ako.
"Bitawan mo siya." Sigaw ni dad.
"Pero Mr. President baka makatakas." Wika ng guard at tuloy pa rin ang pag hawak sa akin.
"I said let her go!" Malakas na sigaw ni dad at nanahimik ang mga tao sa paligid, binitawan din ako ng guard.
"Mga wala kayong respeto! Don't you know that the person you call a stranger is the CEO and owner of this company." Nagulat ang lahat dahil sa kanilang narinig.
"And yes she's my daughter, She is Rochelle Keitlyn Valdez the CEO and the Owner of this company." Inaayos ko naman ang sarili pati na ang buhok ko.
"Now that you already know the CEO of this company, you can go back to work." Nagsibalikan sa kanilang pwesto ang mga tao na nandoon.
"You and you in my office now!“ Hinawakan naman ako ni dad at inalalayan papunta sa opisina nito.
Pumasok kami sa opisina ni dad at umupo ako sa upuan roon, sumunod naman ang dalawa.
"So ngayon alam niyo na, na ang taong hinaharass ninyo ay ang may-ari ng kompanyang ito." Umupo si dad sakanyang upuan.
"Now that the CEO is already here, she will decide what to do with the two of you, come here Rocky." Tinawag ako ni dad at tumabi sakanya.
"Hindi ko pa naman sila kilala dad, I will Check their background first, sino ba ang secretary ko?" Tanong ko naman at na patawa ng mahina si dad.
"She is your secretary." Napayuko naman ang babae na nasa harapan namin ni dad.
"Really? All right ganito nalang, dalhin mo sa opisina ko lahat ng files ng mga nagtatrabaho dito and I will choose my new secretary but don't you worry I won't fired the both of you instead I will just transfer you to another position." Hinawakan ko ang balikat ni dad at tinapik ito.
Lumabas ako sa opisina ni dad at nagtungo sa opisina ko. This office is better than my office, hindi ko maipagkakaila na maganda ang pagkakadesign dito. Hinawi ko ang kurtina sa bintana at tanaw mula dito ang magagandang tanawin. Napalingon ako sa likuran ko nang marinig ang pag bukas ng pinto.
"Keitlyn kapapalit pa lang ng secretary mo 2 weeks ago dahil sabi mo hindi ito nagaupdate sa iyo, tapos papalitan mo na naman ngayon?" Ngumiti naman ako saka umupo sa swivel chair.
"I'm sorry dad, pero hindi ko gusto ang sekretarya ko na iyon." Napabuntong hininga nalang ito habang napapailing sa akin.
I've been tired all day, I feel like I can't take it anymore. I can't even eat my lunch because I still need to study and read the employers' files. Umalis na si dad at naiwan ako sa building babalikan na lang daw nito ako pagkatapos ng trabaho.
Ang daming nakatambak na papeles sa mesa ko hindi ko alam kung anong uunahin ko sa mga ito, lumabas ako para mag break at makalanghap ng hangin sa labas napakuyo naman ang mga empleyado roon sa bawat daraanan ko kahit na ang babaeng puno ng kolorete sa mukha.
Napalingon ako sakanila isa isa at lahat sila ay abala na nakaharap sa computer. Maya maya pa ay bumalik na rin ako upang matapos na ang mga gawain ko, bago ako pumasok sa loob ng opisina ay humarap muli ako sakanila.
"Excuse me everyone, who can help me inside." Nagsilingunan naman sila na nakatingin sa akin ngunit maski isa ay walang gustong magprisinta. "
"Anyone?“ Napangiwi ako at napakamot ng ulo dahil para lang akong invisible sakanila.
Tumalikod nalang ako at pumasok sa loob.
"Miss CEO." Mahinang wika ng babae sa likuran ko.
"Oh hi." Humarap ako na malaki ang ngiti dito.
"Come on lets go inside." Sumunod naman ito sa loob saka umupo ako sa swivel chair. Napanganga ito dahil sa kalat na nasa mesa ko.
"What's your name?“Dugtong ko pa.
"My name is Nicole Frado, miss CEO." Ngumiti ito at tinanung ang problema ko. Sinabi ko naman at agad nito akong tinulungan hindi ito nagdalawang isip na magtanong sa akin, kaagad ko itong nakapalagayan ng loob.
Hinanap ko ang files nito at nakita kong qualified ito for being my executive assistant. Simple lang ito at walang masiyadong kolorete sa mukha.
When the work was done Nicole and I walked out the office and I announced my new Secretary.
They were even surprised at what they heard parang hindi sila makapaniwala sa sinabi ko. Hindi ko alam kung bingi din ba ang mga empleyado ko dito o sadyang naninibago pa sila.
Umuwi ako sa bahay na dala dala ang ibang papeles na hindi ko natapos gawin kanina. Inilapag ko iyon sa sala habang tinatanggal ang rubber shoes ko, nakita ko pa si dad na napapatawa sa akin habang kausap si mom.
Naging ganito ang takbo ng nakagawian ko, sinabi ko na rin kay dad na mag momotor nalang ako papasok ng trabaho ngunit hindi naman ito pumayag.
I was too lazy to get out of bed, tumayo ako at nag-inat inat pa napasilip ako sa bintana at nakita kong may kausap si dad sa labas bumaba ako naman upang tignan iyon.
Napansin naman ako ni dad na natakayo sa pinto, at ngumiti ito.
"Nandiyan na pala ang magiging amo mo, come here Rocky." Nagulat naman ako dahil sa sinabi ni dad, lumapit naman ako ngunit nanatiling nakatalikod ang lalaking kausap nito.
"Rocky he is your personal driver, Caleb Francisco." Humarap naman ang lalaki at sabay ang naging reaksyon namin pareho.
"What are you doing here? Dad anong personal driver ang sinasabi ninyo? “ Nginisian ko ito at tinitignan ng masama.
"Sir Rodrigo kung siya lang din ang magiging amo ko pasensiya na pero iba na lang ang kuhanin ninyo." Tumalikod ito at nagumpisang maglakad.
"Sandali Caleb ano bang nangyayari dito? Magkakilala ba kayo?" Ipinaliwanag ko kay dad ang nangyari at sumabat naman itong lalaki na ito.
"Rocky anak baka mayroon lang kayong hindi pagkakaunawaan ni Caleb, kilala ko ang batang ito pamangkin siya ng caretaker natin sa mansyon sa San Luis." Hinawakan naman ni dad ang balikat ni Caleb.
"Pasensiya na talaga sir Rodrigo pero hindi ko na po ito matatanggap." Kinausap ng masinsin ni dad si Caleb lumayo pa sila habang naghihintay ako roon.
"Dad hindi ko kailangan ng driver pwede akong pumasok sa V. E. M ng nakamotor o makisabay sainyo." Bumalik naman sila na nakangiti si dad na tila ba pumayag na ang mokong.
"Rocky anak, hindi ko nabanggit sa iyo na sa susunod na lingo ay kailangan namin magpunta ng mom mo sa Australia para dalawa in ang lola at lolo mo roon dahil May sakit raw ito, kaya naghire ako ng personal driver mo."
Hinawakan nito ang kamay ko.
"Please anak pumayag kana sa gusto ko, bukas na bukas siya na ang maghahatid sa iyo sa V. E. M." Wala akong nagawa kundi pumayag kay dad, Niyakap ako nitong ng marinig nito ang sagot. Lumingon naman ako kay Caleb at mabilis na pinandilatan ko ito at ganun din ito.
Mabilis ang paglipas ng mga araw naging aso't pusa kami ni Caleb kung hindi lang talaga kay dad ay matagal ko na itong inalis sa trabaho dahil hindi din naman ito nkikinig sa akin.
Pati sa pag pasok ko sa Ride Auto Bike ay hinahatid din nito ako.
"Sa susunod huwag mo na akong ihahatid dito, gagamitin ko ang motor." Binuksan ko ang kotse at bumababa agad dito, sakto naman ang pagdating ng kotse ni Wilson.
"Hi Rocky, how are you?“ Bumaba ito at lumapit kaagad sa akin.
"Hi Wilson, what's up?" Pumasok ako sa loob at dumeretso sa loob ng opisina ko, sinundan naman nito ako.
"Tinatawagan kita para kuhanin ulit sa racing event pero hindi ka sumasagot, hinahanap ka na rin nila Sopia." Napahawak naman ako sa nuo ko. Mukha atang napapabayaan ko na ang racing career ko.
"I'm sorry Wilson, sobrang busy ko kasi ngayon hindi bale sige bukas sabihin mo sakanila maghanda na sila." Habang napapatawa naman ako, napangiti naman ito dahil sa sinabi ko.
"All right tatawagan ko na rin si Farrah para makapaglunch ulit tayo bukas." Mas lalo pang lumaki ang ngiti nito.
"Iyan lang ba ang ipinunta mo dito Wilson?“ Napakamot ito sakanyang ulo na tila ba hindi makasagot sa tanong ko.
"Gusto sanang kitang yayain kumain sa labas."Hindi pa ito makatingin sa akin habang sinasabi nito iyon.
"Sige tatapusin ko lang pirmahan itong mga papeles na nandito, umupo ka na muna riyan."Ngumiti ako gayun din ito, hindi ko alam kung paano kami naging magkasundo nito pero salamat sakanya dahil marami akong naging kaibigan dahil sa pagre race ko.
Pagkatapos ko pirmahan ang lahat ng papeles ay lumabas na kami ni Wilson. Pinuntahan ko si Caleb na nuo'y nakasakay pa rin at naghihintay sa kotse, kinatok ang bintana nito at ibinaba naman nito iyon.
"May lunch meeting ako, mauna ka ng umuwi." Saka ako tumalikod.
Naradaman ko nalang na may humawak sa braso at napalingon ako dito.
"Hindi pwede miss tumawag si Sir Rodrigo at sabay kayong maglalunch."
"Call me Rocky, OK? Tatawagan ko na lang si dad." Nagsimula akong maglakad at muli nitong hinawakan ang braso ko lumapit naman si Wilson at tumitig ito kay Caleb. Binitawan ni Caleb ang braso ko at humarap ito kay Wilson habang nasa pagitan naman nila akong dalawa.
"What's your problem?“ Umigting ang panga ni Wilson habang Mariing na nakatitig kay Caleb. Humakbang naman palapit si Caleb at itinaas nitong bahagya ang kanyang ulo na tila ba nanghahamon ng away.
"Stop this OK, Wilson I'm so sorry next time na lang tayo maglunch." Sumakay ako ng kotse at ibinagsak ang pinto, nang makapasok si Caleb sa loob ay mahina itong napapatawa.