Napalingon ako dito at patuloy lang ito sakanyang pagtawa.
"What was that Caleb? Hindi natuloy ang lunch meeting namin ni Wilson dahil sa iyo." Tumingin ito at inayos ang itsura nito.
"Kasalanan ko pa kung hindi natuloy? Bakit hindi mo sisihin si sir Rodrigo." Nanggigil ako dahil sa sagot nito kaya napahampas ang sa harapan ko.
Sumasakit lang ang ulo ko sa tuwing magkikita kami ni Caleb, at kung kakausapin ko naman ito ay hindi rin ito sumasagot ng seryoso. At si dad naman ay tuwang tuwa sa tuwing nakikita kaming dalawa.
"Kumusta kayo ng driver mo Rocky." Napangiwi naman ako habang sinusubo ang pagkain ko.
"Ayos lang dad, By the way dad my importante akong lakad bukas mag day off muna ako sa V. E. M tinawagan ko naman na si Nicole alam na niya ang gagawin niya." Tumango naman ito at dahil doon ay nakatakas ako kay Caleb.
"Si Nicole Frado na ba talaga ang executive assistant mo?" Nagpunas muna ako ng bibig bago sumagot.
"Yes dad, Nicole was the only one who helped me and she listened carefully to what I asked her to do. She is very dedicated to her work dad, I love her." Napatitig naman sa akin si dad at nakataas pa ang kilay nito.
"Dad mali ang nasa isip ninyo." Tumawa ako at Tumawa rin ito.
"Siya nga pala anak, agahan mong bumalik sa bahay bukas darating si Mr. Tuazon kasama ang pamangkin niya mayroon lang naman tayong maliit na salo salo dahil magiinvest sila sa kompanya." Tumango lang naman ako at nagsimulang kumain muli.
Mabilis lumipas ang mga oras at sa wakas ay makakapagpahinga na rin ako, ibinaba ko ang mga gamit ko sa working table at pumasok sa loob ng banyo upang makapagbihis na, inayos ko ang damit ko habang nakatingin sa salamin. Nakipagtelebabad muna ako kay Farrah bago humiga sa kama.
"Don't forget tomorrow Rocky ah, baka hintayin ka naman nila Wilson tapos hindi ka darating." Wika ni Farrah sa kabilang linya.
"Don't worry Farrah, makakarating ako alam mo naman mis na mis ko na ang pagmomotor." Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Farrah.
"Siya nga pala nabanggit sa akin ni Wilson na may personal driver ka na hindi na ba si tito Rodrigo ang naghahatid sa iyo?" Napahawak naman ako sa dibdib ko nang maniikip ang paghinga ko, dahilan ng hindi ko pag sagot kay Farrah.
"Kailangan ko ng matulog Farrah, see you tomorrow." Ibinaba ko na ang telepono na hawak ko kahit na hindi ko pa naririnig ang sagot nito.
Bumaba ako ng hagdan papunta sa kusina na hingal na hingal upang uminum ng tubig, nagsalin ako ng tubig sa baso at ininum ko ito umupo muna ako sandali at hinintay na mawala ang paninikip nito. Inisip ko nalang na baka stress at pagod lang ito kaya nangyayari ang ganito.
Nang maramdaman ko na ayos na ang paghinga ko ay nagsimula na akong maglakad pabalik sa itaas ngunit nakarinig ako ng kalabog na nagmumula sa labas ng kusina.
Tinignan ko pa ang aking relo at pasado alas onse na ng gabi kaya sigurado akong tulog na sina manang at si mang kanor na driver ni dad.
"Mang kanor ikaw ba iyan?" Kumuha ako ng palayok na nakalagay sa lababo.
"Ma-manang.“ Nauutal na sambit ko habang dahan dahan kong buksan ang pinto sa kusina.
"Magnanakaw!" Sigaw ko, hahampasin ko na sana ito ng palayok nang mabilis nito iyon harangin at tumama sa braso nito at patuloy lang ako sa pagsisigaw.
"Rocky ano ba." Tinakpan nito ang bibig ko, habang ang isang kamay nito ay nakapulupot naman sa aking beywang, na siya naman ikinalaki ng mata ko dahil halos magkadikit na ang aming katawan kaya naman itinulak ko ito.
"What the hell are you doing? Muntik na akong mamatay dahil akala ko may magnanakaw na." Ibinaba nito ang palayok na hawak hawak ko saka nito tinignan ang pasa sakanyang braso.
"Wait anong ginagawa mo dito?“ Napatitig ako at doon ko lang napagtanto na wala pala itong suot na damit pang itaas.
"Malayo ang bahay namin dito, sa San Luis pa kaya sabi ni sir Rodrigo dito na muna ako titira." Napaupo naman ako habang nakatingin sa iba ngunit naaaninag ko pa rin ang laki ng katawan ni Caleb.
"What? Dito ka titira? Teka ano pa bang ginagawa mo? Dis oras na ng gabi nag-iingay ka pa." Tinuro nito ang dumbbell na nasa gilid.
"Hindi ako makatulog masyadong malaki ang kuwarto kaya nagpapawis muna ako." Lumapit ito roon at kinuha muli ang dumbbell.
Ano pa bang ginagawa ko? Bakit ba ako nakikipag-usap sa lalaking ito? Tumayo ako at iniwan ito, hindi man lang ito nagtangkang pigilan ako dahan dahan pa man din ang pag lalakad ko baka sakaling may sasabihin pa ito.
Napabuntong hininga ako nang makarating sa kuwarto.
"Ano bang nasa isip mo Rocky?" Tinapik tapik ko ang pisngi ko at kinurot pa ito.
This is the most beautiful day, I can be with my friends that I haven't seen in a long time.I couldn’t erase the smile on my lips as I went down the stairs because of the excitement I felt.
Inayos ko pa ang boots ko habang nakaupo sa sala, lumabas na ako na bitbit ang helmet patungo sa motor ko na nakapwesto sa garahe.
Pasakay na sana ako sa motor nang biglang bumusina ng malakas ang nakapark na kotse na nasa likuran ko. Halos lumundag ang puso ko dahil sa gulat.
Lumingon ako at nakita kong panlabas ng kotse si Caleb at pigil sakanyang pagtawa.
"Saan ang punta mo?" Hindi ko ito pinansin at sumakay na ako sa motor ko.
"Ang sabi ni sir Rodrigo samahan daw kita kung saan ka pupunta dahil may lakad ka raw." Lumapit ito at kinuha ang helmet na nakasabit sa motor ko.
"May lakad nga ako, kaya ako lang ang pupunta hindi ka kasama." Hinila ko sakanya ang helmet na hawak niya.
"Teka hindi pwede, mawawalan ako ng trabaho kung ikaw lang ang aalis." Hinawakan nito ang braso ko.
"Driver lang kita hindi kita bodyguard kaya bitawan ako dahil male late na ako." Binitawan naman nito ang braso ko at sakto naman ang pag tunog ng telepono ko.
Kinuha ko iyon sa aking bulsa at nakita ang nakalihistrong pangalan ni Wilson.
"Hello Wilson, on the way na ako nagkaroon lang konting problema." Tinignan ko ito ng masama saka naman ito napatawa.
"Tuloy pa rin pala ang lunch ninyo na naudlot dahil sa daddy mo." Nakapamulsa ito habang nakasandal sa kotse na naroon.
"Hello Rocky, who's that?“ Tanong ni Wilson na nasa kanilang linya.
"Wala iyon, huwag mo na pansinin madami kasing marites dito sa pagilid." Ibinaba ko na ko ang telepono na hawak ko.
"Mang kanor! Pabukas po ng gate lalabas ako." Sinuot ko ang helmet saka pinaharurot ang motor.
Nakaupo ako sa isang triage area habang hinihintay ko na matapos magsuot ng protective gear sina Sopia at Trissha.
"Rocky long time no see." Lumapit si Dexter at nakipag-apiran sa akin.
"Yah sobrang busy kasi(tumawa ako ng bahagya) kulang na ako sa practice nito." Ngumiti naman ito at sinuot ang knee pads nito.
The sports commentator started to announce that the race will start at any time.
Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip para ihanda rin ang sarili ko, ngayon lang ulit ito kaya dapat mag-enjoy lang ako kasama ang mga kaibigan ko.
"Ang balita ko naka live ito dahil madaming nag sponsor para sa race na ito." Napalingon naman ako sa isang babae na ngayon ko pa lang nakita.
"Dexter totoong bang live ito?“ Tumingin naman si Dexter at tumango ito sa akin.
"Yes, wala bang nabanggit sa iyo si sir Wilson?" Umiiling naman ako.
"That's why we are not the only ones to race today, many participants came here to join." Sabat naman ni Sopia.
"And we are hoping that you Rocky will win this race." Kinabahan naman ako habang nakatitig kay Dexter, na pressure tuloy ako dahil sa sinabi nito. Hindi ko akalain na magiging mahirap at malaking hamon ang karerang ito ngayon. Wala rin nabanggit si Wilson tungkol dito ang alam ko at isa lamang iyong pangkaraniwan na karera.
We stared intently at the flag and waited for the gunfire. We all seemed nervous, but all I wanted now was to enjoy this race.
I was still shocked at what happened, they were all around me. The camera focused on my face as if waiting for me to remove the helmet from my head. The sports commentator and some sponsors approached me while carrying the trophy.
I never thought this would happen, that I would win even though I was very busy. They were all came to congratulate me.
"Congratulations Rocky, I will not be surprised because I know you can do it." Niyakap naman ako ng mahigpit ni Sopia. Lahat sila ay nakatingin at masaya para sa pagka panalo ko.
"Rocky!" Sigaw naman ni Farrah na nalahad ang mga kamay na tumatakbo papunta sa amin at tumalon ito papunta sa akin.
"oh s**t! You're too heavy Farrah." Bumaba naman ito at muli akong niyakap. Napalingon naman ako kay Wilson at malaki ang ngiti nito bumawi rin naman ako ng ngiti rito.
"OK let's celebrate!" Wika ni Wilson at naghiyawan naman ang mga kaibigan namin na racer din.
Nagpadeliver ng mdaming pagkain si Wilson para sa aming lahat.
"Thank you." Mahinang wika ko kay Wilson at nagulat naman ito.
"For what?" Inilapit nito sa akin ang kanyang upuan.
"Kung hindi dahil sa iyo hindi ko sila makikilala." Umiling naman ito saka uminum ng juice.
"Magaling kang makisama Rocky and they were all proud of you, I'm proud of you." Hinawakan nito ang kamay ko at napapatitig ako rito kaya mabilis ko naman ito iyon inalis.
"At sino ba naman ayaw kang maging kaibigan, napakasikat mo na ngayon hindi ba?“ Kinuha nito ang baso sa mesa at itinaas iyon.
"For Rocky!" Tumayo rin kami at itinaas ang baso na aming hawak hawak.
Sabay sabay din kaming umupo, masaya kaming nagtatawan at nagkwekwentuhan.
Napalingon ako ng may umabot ng tubig sa gilid ko.
"Thank you." Kinuha ko naman ito. Napalingon naman ako sa mga kasama ko at isa isa silang tinignan.
"What?“ At sabay kaming napalingon ni Wilson.
Anong ginagawa ng mokong na ito dito?
"Who is he?" Tanong naman ni Trissha na tila ba nang-aakit ang mata nito.
"A family friend." Mabilis naman na sagot ko.
"No, He was Rocky’s personal driver." Tumayo si Wilson at inangasan na naman ito, tumayo rin ako at hinawakan ang braso ni Caleb.
"Ang pogi naman ng driver mo Rocky, what's his name?" Tumayo si Tonet at lumapit dito saka hinawakan ang dibdib nito.
"Caleb, yah Caleb ang pangalan niya." Tumango tango naman ako at umupo muli.
"What a nice name, Caleb means faithful, whole hearted and bold, halika umupo ka dito sa tabi ko." Hinawakan ni Tonet ang kamay ni Caleb at umupo silang magkatabi.
Napapalingon ako kay Caleb at sakto naman ang pagtama ng aming mga mata.
"Siya pala ang personal driver mo Rocky, ang cute niya." Bulong naman ni Farrah.
"I don't know, I'm not interested." Nagkibit balikat ako habang umiinum ng juice. Nagpunta ba siya dito para lang makipagflirt?
"Rocky, Farrah I have to go. Tumawag si tito may pupuntahan kaming business meeting." Tumayo ito at hinalikan ang pisngi ko, hindi na ito nagpa alam pa sa iba dahil abala ang mga ito sa sakanya kanya nilang usapan.
"Ano iyon?" Tumitig sa mga mata ko si Farrah habang napapangiti ito.
"Ang alin?“ Kinurot nito ang pisngi ko.
" Why did Wilson kiss you?" At lalo pa nitong diniinan.
"Ouch! Stop it Farrah, I really don't know, tanungin mo siya kung gusto mo, all I know is pinagttitripan lang niya ako." Nginisian ko naman ito at tinalikuran ko
"Ang sungit naman." Tumayo ito at niyakap ang likod ko.
Napakunot nuo ako nang makitang papatayo sina Caleb at Tonet, sinundan ko naman ng tingin ang dalawa at nagtungo sila sa motor ni Tonet kung saan ito nakapwesto.
Nakita kong hinalikan ni Tonet ang mga labi ni Caleb. At mayroon ibinigay itong maliit na card, sa tingin ko ay calling card iyon.