Chapter 9

2282 Words
Rocky Point Of View "Farrah kailangan ko na rin umalis, may dinner meeting sa bahay ngayon." Nagpaalaam ako kay Farrah at sa iba pa namin kaibigan na naroon habang naka tingin ako kina Caleb at Tonet. Nagsimula akong maglakad patungo sakanila dahil magkatabi lang ang motor namin ni Tonet kung saan ito nakapwesto. "Call Me OK?" Wika ni Tonet kay Caleb habang pa sakay ako ng aking motor, lumingon pa sa akin si Caleb at inirapan ko naman ito. "Aalis ka na ba Rocky? Sabay na tayo." Ngumiti naman ako dito. "Bakit? Aalis ka na rin ba? Sa tingin ko nag-eenjoy pa naman si Caleb na kasama ka." Sinuot ko naman ang helmet ko. "Mag day off ka na muna Caleb, samahan mo si Tonet." Nakita ko ang ngiti ni Tonet. Sinimulan ko naman paandarin ang motor saka ako bumusina sakanila. Nagpasiya muna akong dumaan sa charity foundation upang ibigay ang premyo na nakuha ko kanina. Tuwang tuwa ang mga bata nang makita nila akong pababa ng motor, lumapit ang mga ito at niyakap nila ako sakto naman ang pagdating ni Mrs. Reyes at iniabot ko sakanya ang sobre na hawak ko. "Salamat Rocky hindi mo nakakalimutan ang mga bata." Tumingin naman ako sa mga bata at nakangiti ang mga ito sa akin. "Hayaan po ninyo Mrs. Reyes mas dadalasan ko pa ang pagpunta rito para makipaglaro sa mga bata." Niyaya nito akong pumasok sa loob at makipagkwentuhan roon, inabot nito sa akin ang isang tasa ng kape at kinuha ko ito. Naalala ko naman na minsan ko ng nakita rito si Caleb kaya hindi ako nagdalawang isip na magtanong kay Mrs. Reyes. "Mrs. Reyes mayroon ba kayong kilalang Caleb ang pangalan?" Lumingon naman ito sakin at napakamot naman ako sa aking ulo. "Hindi ko matandaan ang last name niya, ah hindi bale na lang huwag ninyo na pong pansinin ang sinabi ko." Dugtong ko pa habang napapangiwi saka uminum ulit ng kape. "Kilala mo pala ang batang iyon." Ibinaba nito ang hawak nitong tasa. "Si Caleb Francisco ba ang tinutukoy mo? Isang beses sa isang linggo kung magpunta ang batang iyon dito para magdala ng mga gulay para sa bata." Nagulat ako dahil sa sinabi nito hindi ko akalain na may mabuting puso pala ang walang hiyang lalaking iyon. "Matagal ng panahon na nagsusuply ng gulay dito si Caleb bata pa lang ito, ang mama niya kasi ang dating head dito sa charity ngunit hindi ko na iyon naabutan dito." Kwento pa nito at ako'y nakikinig lamang. "Nasaan na po ang mama ni Caleb?" Alam kong nagiging marites na ako pero hindi ko alam kung bakit patuloy pa rin ako sa pagtatanong. "Hindi ko alam kung nasaan na, ang huli kong balita nagpunta ito sa Australia. Sa tuwing tatanungin ko naman si Caleb ay hindi ito sumasagot." Tumango tango naman ako dahil sa mga naririnig ko. "Teka Rocky, paano mo nakilala si Caleb?“ Dugtong pa nito. "Minsan ko na kasi siyang nakita dito at personal driver ko po siya ngayon." Natuwa naman nang marinig iyon ni Mrs. Reyes. "Siguro akong magkasundong magkasundo kayo ano?" Pilit ang ngiti ko habang tumatango alam kong kabaliktaran lang iyon. I looked at my watch and it was past six in the afternoon, I almost forgot the dinner meeting at home. Pagka pasok ko ng gate ay napansin kong wala pa roon ang kotse na gamit gamit ni Caleb. "Mukhang sinulit atang kasama si Tonet." Bulong ko sa sarili ko habang tinatanggal ang helmet sa aking ulo. Pumasok ako sa loob ng bahay narinig ko ang masayang tawanan at kwentuhan sa loob, sumilip muna ako at nakita kong nagdidinner na sila dad kasama ang mga bisita nito. Inayos ko muna ang sarili ko at nakangiting nagtungo sakanila. "Nandito na pala ang anak ko." Tumayo pa si dad at sinalubong ako, tumayo din ang dalawang lalaking nakatalikod at humarap sa akin. "Wilson?“ Bigkas ko. Lumapit ito at hinalikan ang pisngi ko. "Rocky, ikaw pala ang anak ni tito Rodrigo." Gulat naman na nakatingin sa amin si dad. "Magkakilala pala kayo, hindi na pala ako mahihirapan na ipakilala kayo sa isa't isa." Pinanghila ako ni Wilson ng upuan at umupo sakanyang tabi. "By the way Wilson, paano ninyo nakilala ang isa't isa?" Napalingon naman ako kay Wilson kung ano ang isasagot nito. "She's my event organizer." Napahawak ako sa nuo habang nakatitig dito. "Kaibigan kasi siya ni Farrah dad, minsan na din kasi siyang nagpunta sa shop, right Wilson?" Tumingin si Wilson sa akin at tumango tango ito. "Kumpadre, paano ba iyan magkasundong magkasundo ang pamangkin ko at anak mo." Nagngitian naman ang dalawa. Niyaya naman ako ni Wilson lumabas at magtungo sa veranda habang sina dad, mom, kuya Ronald at Mr. Tuazon ay abala sa pagkukwentuhan habang umiinum naman ng beer. "What's a coincidence." Napatawa si Wilson habang tinitigan ako. "Kaya nga, kayo pala ng tito mo ang kadinner meeting namin ni dad." Napalingon ako sa Gate dahil bumukas ito at pumasok ang kotse na gamit ni Caleb. "By the way Wilson, kung pwede huwag na huwag mong sasabihin kahit kanino lalo na kay dad na sumasali ako sa mga motor race hindi niya kasi alam." Wika ko habang nakatingin pa rin sa kotse at hinihintay na bumaba si Caleb. "Yah of course your secret is safe." Tumango naman ito. Napalingon ito sa akin at nakita kong napatingin rin ito kung saan ako tumitingin. "Ibang klase din iyang driver mo no? Nakuha pang maglakwatiya." Mariing itong nakatitig kay Caleb. Dumating naman si kuya Ronald sa aming likuran at iniabot ang beer kay Wilson. Nakita rin nito si Caleb na nasa garahe kaya naman tinawag din niya ito. "Caleb come here!" Sigaw ni kuya at mabilis itong nagtungo sa amin. "Yes sir, may ipapagawa po ba kayo sa akin?“ Hinakbayan naman ito ni kuya. "Ano ka ba Caleb, huwag muna akong tawagin sir at huwag ka na rin mag po, sa tingin ko naman ay magkaedad lang tayo." Tumango tango naman si Caleb at binigyan ito ng beer. "Oops huwag ka na tumanggi minsan lang ito."Dugtong pa kuya at kinuha naman niya iyon. "At kailan pa kayo naging close kuya?" Tinaasan ko ito ng kilay at lumapit naman sa akin si kuya. "We're not close, pero kilala ko ang auntie ni Caleb napakabait ni auntie Hasmin sa tuwing pumupunta ako sa San Luis ay nagbibigay ito ng mga gulay." Naalala ko ang sinabi ni Mrs. Reyes tungkol sa gulay na dina dala nito sa charity foundation. Lumabas din sina dad, mom at Mr. Tuazon na mayroon din dala dalang beer. Nakita nito si Caleb at kaagad na ipinakilala kay Mr. Tuazon. "Keitlyn halika, maglabas tayo ng meryenda." Tinawag ako ni Mom, alam ko naman na mayroon kaming kasambahay ngunit sumunod na lang ako dito. I don’t know why they were so kind to Caleb while it was so rude to me. It always annoys me almost every day, kung ako lang talaga ang masusunod ay matagal ko na itong sinesante. Lumabas kami ni mom na dala dala ang meryenda at ipinatong iyon sa mesa, pinaupo ni dad si mom sa tabi nito habang ako ay nanatiling nakatayo. Napansin ko na naman na umayos ng upo si Wilson gayun din si Caleb, at umupo naman ako sa pagitan nila. “Makakasama na pala kita sa company ninyo starting tomorrow, ang sabi ni tito Rodrigo ikaw na ang bahala sa akin." Ngumiti naman ito saka ininum ang beer na hawak nito. "Hindi mo na kailangan ang driver mo Rocky ako na ang maghahatid at susundo sa iyo sa company ninyo." Dugtong pa nito. Napansin ko naman ang pagbagsak ng bote ng beer sa mesa at napalingon ako kay Caleb. "Bakit? Nag-aapply ka rin ba bilang driver? Kaya ikaw na ang mghahatid at susunod kay Rocky? " Sabat naman ni Caleb at napatawa naman ako. Napatitig naman sa akin si Wilson at inayos ko ang sarili ko. "You know what Rocky, Maybe we'd better just talk outside." Tumayo ito at hinawakan ang kamay ko tatayo na sana ako nang hawakan rin ni Caleb ang kamay. Napalingon naman si kuya sa amin at mabilis kong inalis ang kanilang mga kamay na nakahawak sa kamay ko. "Magyoyosi lang ako sa labas." Mabilis na naglakad si Wilson at sinundan ko naman iyon, nakarating kami sa Garden habang sinisindi nito ang yosi na hawak niya. Alam kong hindi ito naninigarilyo pero katulad ng sabi ni Farrah minsan lang itong manigarilyo sa tuwing naiinis ito. "Ayos ka lang ba? Mukhang nakarami ka na ah." Bumuntong hininga ito bago sumagot. "Alam mo Rocky hindi ko gusto ang tabas ng dila ng driver mo, nung una pa lang talaga alam kong hindi maganda ang ugali niya." Sinipsip nito ang yosi na hawak niya saka ibinuga ang usok. "Don't worry OK, kakausapin ko si Caleb." Nagpaalaam na sina Mr. Tuazon at Wilson dahil lumalalim na ang gabi at naparami na rin ang inum nila mabuti na lang at kasama nila ang kanilang driver. Nauna ng pumasok sa loob ng bahay sina mom, dad, at kuya Ronald. Samantalang ako ay naiwan pa upang tignan ang motor ko na gagamitin bukas sa V. E. M. dahil ayaw ko na munang magkita sina Caleb at Wilson. Napansin ko na nagkukwentahan sina manang, mang kanor at Caleb sa labas ng kanilang kuwarto, naisip ko na puntahan ito upang sabihin na gagamitin ko ang motor ko bukas. I don't know why I get too nervous every time I try to talk to Caleb, palapit na ako sakanila nang mapalingon sila sa akin na siya naman ikinahinto ko sa paglalakad, napalunok pa ako ng aking laway bago nagsimulang maglakad muli. "Pwede ba tayong mag-usap Caleb?" Ngumiti naman ako kina mang kanor at manang na nuo'y nakatingin sa akin. "Halika ka iha maupo ka na muna." Umupo ako roon sa kabilang upuan. "Maiwan na muna namin kayo." Sinigurado ko muna na makalayo sina manang bago ko kausapin ko si Caleb. "Kung mayroon kang sasabihin, sabihin mo na dahil inaantok na ako pinagod ako ni Tonet kanina." Napakunot ang nuo ko dahil sa sinabi nito, anong ibig niyang sabihin? "Huwag mo na akong ihahatid bukas, gagamitin ko ang motor ko papasok sa trabaho, at sa mga susunod pang mga araw dahil si Wilson na ang magsusundo sa akin." Ibinaba nito ang tasa na hawak nito at tinitigan ako, hindi naman ako nagbaba ng tingin at tumitig din dito. "Hindi pwede, kinuha ako ni sir Rodrigo para maging driver mo at ako lang magsusundo sa iyo." Tumayo ito at pumasok na sakanyang kuwarto. "Teka sandali nga, bakit ba parang ikaw pa ang nasusunod sa ating dalawa ako ang amo mo kaya ako ang masusunod." Sinundan ko naman ito habang nakapameywang. Humarap naman ito saka tinanggal ang damit nito kaya napatalikod ako, at tumunog ang kanyang telepono. "Hello Tonet, sige walang problema magkita tayo." Nagulat ako ng marinig ang pangalan ni Tonet kaya Humarap muli ako sakanya. "Wala ka na bang sasabihin Rocky?" Dugtong pa nito na tila ba ako pa ang nakakaistorbo sakanya. Naiinis ako dahil sa ipinapakita nito, napakayabang at antipatiko. "Ako ang amo mo Caleb, at ako ang masusunod, kung gusto mo na ikaw ang masunod pwes magresign ka na lang." Tumalikod ako at umalis sakanyang harapan. "Kung sabihin ko kaya sa daddy mo na nakikipag race ka? Sa tingin ko nakatiyamba ka lang naman kaya nanalo ka." Nagulat ako dahil sa sinabi nito, ito ba ang dahilan kaya ganito umasta ang mokong na ito. "Anong sinabi mo? Tinatakot mo ba ako? Kung iyan ang dahilan kung bakit ganyan ka umasta pwes hindi ako natatakot." Hindi ko alam kung bakit iyon ang nasabi ko sakanya, paano kung totoohanin niya? Lagot ako kay dad nito. "Gusto mo ba talagang ikaw ang maghatid at magsundo sakin? Sige pumapayag na ako pero sa isang kundisyon." Dugtong ko pa at lumapit dito, hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ko pero natatakot ako na baka magsumbong ito kay dad. "Anong kundisyon?" Kumunot ang nuo nito. "Makipag race ka sa akin, diba nga sabi mo nakatiyamba lang ako malay mo manalo ka." Ngumisi ako dito at tinignan ito ng masama. "Anong kapalit?“ Lumapit ito sa akin at nakipagtitigan din. Mukhang desidido ang mokong na ito. "Pagnanalo ka sa race natin, papayag na ako na sunduin at ihatid mo." Tumawa naman ito ng nakakaloko. "Ayon lang? Hindi bale nalang sasabihin ko nalang kay sir Rodrigo." Humakbang ito palabas at kaagad ko naman iyong pinigilan, napabuntong hininga ako dito at napakagat sa aking labi. "Ano bang gusto mo? Sige magsabi ka ng kundisyon mo kahit ako." Alam ko naman na hindi ito mananalo. "Ang gusto ko pag nanalo ako hindi lang kita susunduin at ihahatid, dapat lahat ng gusto ko at sasabihin ko susundin mo ng isang buwan." Napatawa naman ako dahil sa sinabi nito. "Is that all you want? Sige, pero pag ako ang nanalo umalis ka na dito, umalis ka na sa buhay ko at huwag ka ng magpapakita sa akin kahit kailan." Nagulat ito sa aking sinabi, hindi ko rin alam kung bakit lumabas iyon sa aking bibig pero kung iyon lang ang solusyon para hindi malaman ni dad bakit hindi. "Sige, deal." Tipid nitong sabi habang naka fist bump ito sa akin, lumapit naman ako at itinaas din ang kamao ko. "Good, bukas sumama ka sa akin sa shop pumili ka ng gusto mong motor para sa race natin bukas ng gabi." Lumabas ako ng kuwarto nito habang nakangiti. "So kailangan ko na pa lang magempake ngayon." Mahina nitong sabi ngunit rinig na rinig ko iyon, hindi ako lumingon at patuloy lang ako sa paglalakad dahil baka bawiin ko pa ang sinabi ko rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD